20/10/2026
𝐎𝐏𝐈𝐒𝐘𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐀𝐍𝐔𝐍𝐒𝐘𝐎 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎 📣
Alinsunod sa 𝗘𝘅𝗲𝗰𝘂𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗢𝗿𝗱𝗲𝗿 𝗡𝗼. 𝟵𝟵. 𝘀𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗼𝗳 𝟮𝟬𝟮𝟲, na ipinatutupad sa Bayan ng Natividad, Pangasinan ang pansamantalang pagtatakda ng pinakamababang presyo ng mga buhay na baboy sa antas ng farmgate (minimum farmgate prices), gayundin ang pagbabawal sa pagpasok ng mga buhay na baboy (live hogs) at karneng baboy (pork carcass) sa nasasakupan ng bayan.
Ang nasabing kautusan ay ipinatutupad bilang bahagi ng mga hakbang sa pag-iwas at pagkontrol sa pagkalat ng African Swine Fever (ASF), upang maprotektahan ang kalusugan ng mga alagang baboy at mapangalagaan ang ang kabuhayan ng mga lokal na mag-aalaga ng baboy.
📌ITINAKDANG MINIMUM FARMGATE PRICE
Weight Classification: Minimum Farmgate Price
• 80 kg pataas – ₱175.00 kada kilo
• 79 kg pababa – ₱170.00 kada kilo
Ang mga presyong ito ay itinakda at napagkasunduan kasunod ng mga Consultation meeting noong Oktubre 9, 2026, kasama ang mga nag-aalaga ng baboy (swine raisers), at noong Oktubre 13, 2026, kasama ang mga nagtitinda ng karne (meat vendors) at mga mangangatay ng baboy (butchers).
🗓️ Epektibo simula Oktubre 20, 2026, sa Bayan ng Natividad, Pangasinan.
Para sa kaalaman at mahigpit na pagsunod ng lahat ng mamamayan at kinauukulan.