31/10/2026
Natapos na po natin ang puspusan at masusing 2-araw na Committee Hearings para sa ating Annual Budget para sa Taong 2027 sa ilalim ng Committee on Appropriation and Finance.
Para masig**o ang transparency at malalim na pagsusuri sa bawat detalye ng pondo, buong-puso nating inimbitahan ang lahat ng ating mga kasamahan sa Sangguniang Bayan ng Obando na makiisa. Layunin nitong masig**ong ang bawat sentimo ay direktang tutugon sa mga programa ng LGU Obando sa pangunguna nina Mayor Ding Valeda at Vice Mayor Rowell Sta Ana Rillera tulad ng pinaigting na serbisyong medikal at pangkalusugan, edukasyon, imprastraktura, at patuloy na pag-angat ng kabuhayan ng bawat pamilyang Obandeño.
Maraming salamat sa lahat ng aking mga kasamahan sa konseho at mga department heads sa inyong aktibong pakikilahok, kooperasyon, at dedikasyon sa dalawang araw nating sesyon.
Patuloy tayong magkaisa para sa mas masagana, malinis, at matatag na Obando!