Alagang Buboy Banag

Directions

Alagang Buboy Banag Councilor of Municipality of Obando

26/10/2026

🎃👻 TRICK OR TREAT RAFFLE MECHANICS 👻🎃

Mga Obandeños, makisali na at manalo ng exciting prizes! 🍬🎁

📌 Paano sumali?
✨ Like ang official page at promotional post ni Konsi Buboy Banag.
✨ Follow ang official page na "Alagang Buboy Banag"
✨ Share ang post sa inyong timeline nang naka-PUBLIC
✨ Mention 5 friends sa comment section.
✨ Gamitin ang hashtag na .

🎡 Paalala: Isang valid entry lamang bawat participant. Pipili ang mga mananalo gamit ang electronic spin wheel at iaanunsyo sa official page ni Konsi Buboy Banag.

Kumpletuhin ang mechanics para maging qualified! 👻🎃

🍭 Tara na at maki-Trick or Treat! Happy Halloween, Obandeños! 🎃



🎉 MALIGAYANG IKA-7 ANIBERSARYO, HEADBANGERS! 🎉Isang mainit na pagbati sa buong samahan ng Headbangers sa inyong pagdiriw...
24/10/2026

🎉 MALIGAYANG IKA-7 ANIBERSARYO, HEADBANGERS! 🎉
Isang mainit na pagbati sa buong samahan ng Headbangers sa inyong pagdiriwang ng ika-7 anibersaryo! Nawa'y patuloy na manaig ang pagkakaisa, pagkakaibigan, at samahan na siyang pundasyon ng inyong organisasyon.

Hangad ko ang patuloy ninyong tagumpay, mas matibay na samahan, at mas marami pang makabuluhang taon ng pagsasama-sama. Patuloy na magkaisa, magtulungan, at maging inspirasyon sa inyong komunidad.

Mabuhay ang Headbangers! Mabuhay ang inyong samahan! 🤘🎉

Taos-pusong pagbati mula kay,
Konsehal Lawrence “Buboy" Banag

🕯️OPLAN KALULUWA: PAGHAHANDA PARA SA LIGTAS AT MAAYOS NA PAGGUNITA SA MGA YUMAO 🕊️Sa atas ng ating butihing Mayor Leonar...
21/10/2026

🕯️OPLAN KALULUWA: PAGHAHANDA PARA SA LIGTAS AT MAAYOS NA PAGGUNITA SA MGA YUMAO 🕊️

Sa atas ng ating butihing Mayor Leonardo “Ding“ Valeda, isinagawa ang pagpupulong para sa Oplan Kaluluwa, na pinangunahan ng ating butihing Konsehal Buboy Banag, bilang Committee Chairperson on Peace and Order, upang pag-usapan ang mga kinakailangang paghahanda at hakbang para matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at kapayapaan ng ating mga kababayan sa paggunita sa Araw ng mga Patay.

Dumalo rin sa pagpupulong ang mga kinatawan mula sa iba't ibang tanggapan, barangay, at organisasyon, kabilang sina Chief of Staff Dan Mart Caleon; ang head ng Sementeryo ng Obando; Kap. Tessie Banag, Kap. Randy Miranda, at Kap. Manuel Valeda; Kagawad Ruben Francisco; Kagawad Lorenzo Jacinto; Kagawad Luisito Darilag; mga kinatawan ng PNP, Reservist, MDRRMO, TMO, Alpha Phi Omega, at National Shrine of Our Lady of Salambao – San Pascual Baylon Parish; BFP FINSP Rhonma Ocasion; MHO Dr. Abner Ganaban; BHW President Nicanor Lazaro; at OIC Fish Port Master Evelyn Marquez.

Layunin ng pagpupulong na mapag-ugnay ang mga kinauukulang tanggapan at mga katuwang na sektor upang matiyak ang maayos na daloy ng mga aktibidad, mapanatili ang kaayusan sa mga sementeryo at matugunan ang mga posibleng pangangailangan ng publiko.

Sa pangunguna ni Konsehal Buboy Banag, patuloy ang pagsusulong ng mga hakbang para sa kaligtasan, kapayapaan, at kaayusan ng bawat Obandeño. 🤝



🤝 SIMPLENG TULONG, TAOS-PUSONG PAGMAMALASAKIT ❤️Bilang paggunita sa National Prison Awareness Week.Ang inyong lingkod ay...
21/10/2026

🤝 SIMPLENG TULONG, TAOS-PUSONG PAGMAMALASAKIT ❤️

Bilang paggunita sa National Prison Awareness Week.

Ang inyong lingkod ay nagpaabot ng tulong para sa ating mga kababayang detainee mula sa Bayan ng Obando. Sa simpleng paraan, hangad nating maipadama ang malasakit, pag-unawa, at pag-asang nararapat sa bawat isa.

Naniniwala tayo na sa kabila ng mga pagsubok sa buhay, ang bawat tao ay karapat-dapat na makatanggap ng paggalang, pag-unawa, at pagkakataong makapagsimula muli. Ang simpleng tulong na ito ay munting paalala na hindi natin nakakalimutan ang ating mga kababayan.

Patuloy tayong magkaisa sa pagpapalaganap ng kabutihan at serbisyong may puso para sa lahat ng Obandeño. 💙

Dahil sa simpleng pagtulong, naipaparamdam natin na may malasakit at pag-asa para sa bawat isa.


PUBLIC ADVISORY | WATER ASSISTANCEFYI, Obandeño!Ipinaaalam sa publiko na magsasagawa ng pag-iikot bukas, Oktubre 14, 202...
13/10/2026

PUBLIC ADVISORY | WATER ASSISTANCE

FYI, Obandeño!

Ipinaaalam sa publiko na magsasagawa ng pag-iikot bukas, Oktubre 14, 2026, sa mga lugar na apektado ng water interruption upang maghatid ng tulong sa mga residenteng nangangailangan ng suplay ng tubig.

Hinihiling ang pang-unawa at pakikiisa ng ating mga kababayan habang patuloy na isinasagawa ang mga hakbang upang matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong komunidad.

Maraming salamat sa inyong kooperasyon at pang-unawa.

🎉🎂 HAPPY BIRTHDAY, MAYOR DING VALEDA! 🎂🎉Isang mainit at taos-pusong pagbati sa ating butihing Mayor Ding Valeda! Nawa’y ...
12/10/2026

🎉🎂 HAPPY BIRTHDAY, MAYOR DING VALEDA! 🎂🎉

Isang mainit at taos-pusong pagbati sa ating butihing Mayor Ding Valeda! Nawa’y pagkalooban kayo ng Poong Maykapal ng malusog na pangangatawan, mahabang buhay, ibayong lakas, karunungan, at patuloy na tagumpay sa inyong paglilingkod sa ating mga kababayan.

Maraming salamat sa inyong dedikasyon, malasakit, at tapat na paglilingkod para sa ikauunlad ng ating bayan. masaganang k ko ang patuloy ninyong paggabay sa ating komunidad tungo sa mas maunlad, mapayapa, at masaganang kinabukasan.

Nawa’y mapuno ng saya, pagmamahal, biyaya, at magagandang pagkakataon ang inyong espesyal na araw.

Muli, maligayang kaarawan, Mayor Ding Valeda! Mabuhay po kayo at pagpalain nawa kayo ng Diyos sa bawat hakbang ng inyong buhay at paglilingkod!

Taos-pusong pagbati mula sa inyong lingkod,
KONSI BUBOY BANAG 💙💛❤️

Address

Obando
3021

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Alagang Buboy Banag posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share