08/10/2026
🧾 Pulong ng Sangguniang Bayan ng Obando
Sa Ikaapatnapung Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng Obando para sa Taong 2026 na ginanap ngayong ika-5 ng Oktubre, 2026, tinalakay ang mahahalagang panukala at ulat na nakatuon sa pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan, pagdiriwang at pagkilala sa kasaysayan ng Obando, pagpaplano at paggamit ng lupa, serbisyong pinansyal, imprastraktura at kaayusan sa kalsada, pamamahala ng mga kawani, edukasyon at digital transformation, at pagpapahusay ng mga proseso ng pamahalaang lokal.
Narito ang mga pangunahing tampok ng sesyon:
📌 Panukalang Kapasiyahang Bayan
🚑 Karagdagang Patient Transport Vehicle para sa Obando
➡️ Hiniling ang donasyon ng isang (1) karagdagang Patient Transport Vehicle (PTV) mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pamamagitan ni Board Member Imelda A. Papin, upang makatugon sa lumalaking pangangailangan ng mga Obandeño para sa healthcare at medical transportation.
📑 Ulat ng Lupon
🎉 Permanenteng Special Non-Working Holiday sa Foundation Anniversary
➡️ Tinalakay ang mga panukalang resolusyon na humihiling sa Congress of the Philippines, sa pamamagitan ni Congresswoman Linabelle Ruth R. Villarica, at humihingi ng suporta kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III, para sa pagsasabatas ng May 14 bilang permanenteng Special Non-Working Holiday sa Obando bilang paggunita sa Foundation Anniversary ng bayan.
🎊 Special Non-Working Holidays para sa Kapistahan ng Obando
➡️ Inilahad ang panukalang humihiling kay Congresswoman Linabelle Ruth R. Villarica na mag-sponsor at mag-file ng bill na magdedeklara sa May 17, 18, at 19 ng bawat taon bilang Special Non-Working Holidays sa Municipality of Obando.
🏗️ Reclassification ng Lupang Pang-agrikultura
➡️ Tinalakay ang aplikasyon para sa reclassification ng 14,130 square meters na agricultural land tungo sa commercial use na matatagpuan sa Barangay Panghulo, Obando, Bulacan, para kay Ho Tsayki Inc.
💰 Supplemental Budget ng Barangay Tawiran
➡️ Isinaalang-alang ang Supplemental Budget No. 01 ng Barangay Tawiran para sa Taong 2026 na nagkakahalaga ng ₱147,281.62, para sa kaukulang pag-apruba.
🚧 Regulasyon sa Bulk Filling at Construction Materials
➡️ Tinalakay ang panukalang ordinansa na nagreregula sa delivery, placement, at storage ng bulk filling at construction materials sa mga roadside, kabilang ang operational window, Barangay Certification, at kaukulang penalties sa mga lalabag.
🏦 Memorandum of Agreement with Rural Bank of San Pascual
➡️ Inilahad ang panukalang resolusyon na mag-a-authorize sa Municipal Mayor Leonardo D. Valeda na lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang Rural Bank of San Pascual (Obando, Bulacan), Inc., alinsunod sa umiiral na mga batas at regulasyon.
👨💼 Paglikha ng Plantilla Position sa MPDO
➡️ Tinalakay ang kahilingan para sa paglikha ng isang Project Development Officer III (Salary Grade 18) na plantilla position sa Municipal Planning and Development Office (MPDO), kabilang ang tungkulin, qualification standards, at kaukulang pondo.
📚 Municipal Learning and Digital Hub
➡️ Inilahad ang panukalang ordinansa na magtatatag ng Municipal Learning and Digital Hub ng Obando, kabilang ang paglalaan ng pondo para sa pagpapatupad nito.
💻 Paperless Administration sa LGU
➡️ Tinalakay ang panukalang institutionalization ng Digital Transition to a Paperless Administration sa Local Government Unit ng Obando upang mapahusay at mapabilis ang mga proseso at serbisyo ng pamahalaang lokal.
📚 Pangatlong Pagbasa
🎒 Free School Supplies para sa ALS Learners
➡️ Isinailalim sa pangatlong pagbasa ang panukalang ordinansa na mag-iinstitusyonalisa sa “Free School Supplies for Alternative Learning System (ALS) Learners Program” sa Obando, kabilang ang mekanismo sa procurement at distribution at paglalaan ng kaukulang pondo.
📌 Iba Pang Paksa
📝 Pagbabago sa Internal Rules of Procedure ng Sangguniang Bayan
➡️ Tinalakay ang panukalang resolusyon na nag-aamyenda sa Internal Rules of Procedure ng 12th Sangguniang Bayan of Obando, partikular sa deadline ng pagsusumite ng proposed resolutions, ordinances, final Committee Reports, at iba pang matters para sa calendar ng susunod na sesyon, na itatakda sa Wednesdays, 4:00 PM.
💙 Patuloy ang Sangguniang Bayan ng Obando sa pagsusulong ng mga batas at polisiya na naglalayong palakasin ang serbisyong pangkalusugan, edukasyon, lokal na ekonomiya, maayos na paggamit ng lupa, digital transformation, mahusay na pamamahala, at kapakanan ng buong komunidad.
🤝 Sama-sama nating itaguyod ang isang mas maunlad, mas episyente, at mas responsableng Obando!