15/09/2026
🧾 Pulong ng Sangguniang Bayan ng Obando
Sa Ikatatlumpu't Pitong Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng Obando para sa Taong 2026 na ginanap ngayong ika-14 ng Setyembre, 2026, tinalakay ang mahahalagang panukala at ulat na nakatuon sa kaligtasan sa mga paaralan, food security at urban gardening, pagpaplano at paggamit ng pondo, makatarungang kompensasyon para sa mga manggagawa, pangangalaga sa kalikasan, serbisyong panlipunan, at pagkilala sa mga natatanging Obandeño.
Narito ang mga pangunahing tampok ng sesyon:
📌 Panukalang Kautusang Bayan
🛡️ Active Threat/Active Shooter Safety Drills sa mga Paaralan
➡️ Iniharap ang panukalang ordinansa na nag-uutos sa pagsasagawa ng active threat/active shooter safety drills sa lahat ng paaralan sa Municipality of Obando, kasama ang mga kaukulang alituntunin, bilang bahagi ng pagpapalakas ng school safety at kahandaan sa emergency situations.
📨 Pahatid / Kahilingan / Petisyon
🌱 Gulayan sa Bayan Project
➡️ Tinanggap ang urgent endorsement para sa Memorandum of Agreement (MOA) para sa implementasyon ng “Gulayan sa Bayan Project,” na naglalayong suportahan ang food security, pagtatanim, at pagpapaunlad ng mga gulayan sa komunidad.
📑 Ulat ng Lupon
💰 Supplemental Budget No. 1 – FY 2026
➡️ Inilahad ang ulat hinggil sa Supplemental Budget No. 1 for Fiscal Year 2026 na nagkakahalaga ng ₱4,329,421.76, para sa kaukulang pagsusuri at paglalaan ng karagdagang pondo para sa mga programa at pangangailangan ng Pamahalaang Bayan.
📌 Pangalawang Pagbasa
💼 ₱10,000 Minimum Monthly Salary para sa JO Personnel
➡️ Isinailalim sa pangalawang pagbasa ang panukalang kapasiyahan na pormal na kumikilala at nagbibigay ng legislative concurrence sa pagtatakda ng ₱10,000.00 bilang minimum monthly salary para sa Job Order (JO) Personnel, batay sa available funds at kalakip ang strategic reassignment at maximization ng labor force.
♻️ Waste Diversion at EPR Flexible Plastic Wastes
➡️ Tinalakay sa pangalawang pagbasa ang panukalang kapasiyahan para sa renewal ng Tripartite MOA on waste diversion sa pamamagitan ng collection at co-processing ng Extended Producer Responsibility (EPR) flexible plastic wastes, bilang bahagi ng pagsusulong ng mas responsableng waste management.
🌊 Project K.A.P.I.T.-BAYBAYIN
➡️ Isinailalim din sa pangalawang pagbasa ang panukalang kapasiyahan para sa renewal ng MOA sa pagitan ng Municipality of Obando at National University Manila para sa pagpapatuloy ng Project K.A.P.I.T.-BAYBAYIN: Mangrove Planting for Nature, Sustainability and Community Resilience, na naglalayong palakasin ang pangangalaga sa baybayin at katatagan ng komunidad.
📚 Pangatlong Pagbasa
🛡️ Suporta at Incentives para sa VAWC Desk Officers
➡️ Isinailalim sa pangatlong pagbasa ang panukalang ordinansa na magbibigay ng incentives at support benefits sa Violence Against Women and Children (VAWC) Desk Officers sa Municipality of Obando, bilang pagkilala sa kanilang mahalagang tungkulin sa pagbibigay-proteksiyon at serbisyo sa mga biktima ng karahasan.
🏥 Paglikha ng Municipal Health Office
➡️ Isinailalim din sa pangatlong pagbasa ang panukalang kapasiyahan at ordinansa na pormal na nagtatatag at lumilikha sa Municipal Health Office (MHO) bilang mandatoryong departamento ng Pamahalaang Lokal ng Obando, kabilang ang mga kaukulang tungkulin, estruktura, at pagpopondo.
🏆 Pagkilala kina Reyjie D.C. Enriquez at Princess Nicole Zuniga
➡️ Nagpahayag ng pagkilala at pagbati ang Sangguniang Bayan ng Obando kina Mr. Reyjie D.C. Enriquez ng Barangay Lawa, na hinirang bilang bagong “Hari ng Singkaban–Turismo 2026,” at Ms. Princess Nicole Zuniga ng Barangay Paco, na kinoronahang “Reyna ng Singkaban–Sining at Kultura 2026.” Ang kanilang mga tagumpay ay nagbigay ng karangalan, pagmamalaki, at pagkilala sa Bayan ng Obando sa ginanap na Hari at Reyna ng Singkaban 2026.
💙 Patuloy ang Sangguniang Bayan ng Obando sa pagsusulong ng mga batas at polisiya na nagtataguyod ng kaligtasan, food security, responsableng paggamit ng pondo, kapakanan ng mga manggagawa, pangangalaga sa kalikasan, serbisyong pangkalusugan at panlipunan, at pagkilala sa husay at tagumpay ng mga Obandeño.
🤝 Sama-sama nating itaguyod ang isang mas ligtas, mas maunlad, mas makakalikasan, at mas mapagmalaking Obando!