Paluan Tourism Office

Directions

Paluan Tourism Office PALUAN: TAHANANG BABALIK-BALIKAN
Hayri ang Saya!

Ang tunay na pag-unlad ng ating bayan ay ang pag-unlad kung saan ang bawat boses—lalo na ng ating mga katutubo at higit ...
02/10/2026

Ang tunay na pag-unlad ng ating bayan ay ang pag-unlad kung saan ang bawat boses—lalo na ng ating mga katutubo at higit ng mga Iraya Mangyan ng Paluan—ay naririnig, iginagalang, at pinahahalagahan.

Ngayong 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐊𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐛𝐨, ang 𝐓𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐓𝐮𝐫𝐢𝐬𝐦𝐨 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐥𝐮𝐚𝐧 ay nag-aanyaya sa lahat na buksan ang ating mga puso at isipan sa mayamang pamana ng ating mga kapatid na Iraya.

Sila ang naging katuwang ng kalikasan sa loob ng daang taon. Ang pagprotekta sa kanilang lupang ninuno, sining, at kultura ay pagprotekta rin sa yaman ng ating sariling bayan.

Maging tulay tayo ng pag-unawa, paggalang, at pagmamahal. Dahil sa pagkakaisa ng bawat Paluanon, mas nagiging matatag at makulay ang ating bayan! ✨

Kaugnay sa pagdiriwang ng 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗺𝗮𝗿𝗮𝘄, ang 𝗧𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗧𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺𝗼 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗹𝘂𝗮𝗻 ay buong-pusong nakikiisa sa pagsusulong ...
02/10/2026

Kaugnay sa pagdiriwang ng 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗺𝗮𝗿𝗮𝘄, ang 𝗧𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗧𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺𝗼 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗹𝘂𝗮𝗻 ay buong-pusong nakikiisa sa pagsusulong ng pangangalaga sa ating pambansang kayamanan at sa mayamang pamana ng ating mga katutubo.

Hindi lang basta simbolo ng ating lalawigan ang Tamaraw, ito ay buhay na patunay ng ating pagkakakilanlan. Ang bawat hakbang nito sa kagubatan ay nakakabit sa mga kuwento, tradisyon, at pangangalaga sa mga Katutubong Mangyan na libo-libong taon nang nag-aalaga sa ating lupang ninuno.

Ang pamanang ito ay hindi natin pagmamay-ari lamang para sa kasalukuyan; ito ay ating ipaglalaban para sa hinaharap. Hindi kailangang maging malaki ang simula—sa simpleng pagrespeto sa kalikasan, pagpapahalaga sa ating kultura, at pagiging responsableng mamamayan at turista, malaki ang ating maiaambag.

Sama-sama tayong maging bentaha at boses ng kalikasan at kultura. Dahil kapag pinangalagaan natin ang ating pinagmulan, mas nagiging maliwanag ang ating patutunguhan. 💚

Ikaw, ako, tayo- maging bahagi ng pagbabago!

𝗞𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔𝗡𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗣𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗛𝗨𝗥𝗔𝗗𝗢 ✨Narito ang mga natatanging personalidad na magsisilbing mga hurado para sa 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗡-𝗔𝗪:...
29/08/2026

𝗞𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔𝗡𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗣𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗛𝗨𝗥𝗔𝗗𝗢 ✨

Narito ang mga natatanging personalidad na magsisilbing mga hurado para sa 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗡-𝗔𝗪: 𝗠𝗮𝗹𝗶𝗸𝗵𝗮𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗸𝘂𝗸𝘂𝘄𝗲𝗻𝘁𝗼 𝗮𝘁 𝗠𝗮𝘀𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗸𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮:

✨ 𝗚. 𝗙𝗲𝗿𝗶𝗻𝘇 𝗧. 𝗦𝗶𝗯𝘂𝗹𝗮𝗻 - Tagapamahala ng Tanggapan ng Pambayang Turismo (Bayan ng Santa Cruz)
✨ 𝗞𝗴𝗴. 𝗬𝗮𝗻𝗻𝗮 𝗔. 𝗔𝗯𝗲𝗹𝗲𝗱𝗮 - Sangguniang Bayan (Bayan ng Mamburao)
✨ 𝗞𝗴𝗴. 𝗝𝗲𝘀𝗿𝗶𝗲𝗹 𝗔. 𝗖𝗮𝗰𝗮𝘆𝗼𝗿𝗶𝗻 - (Sangguniang Bayan (Bayan ng San Jose)

Magkita-kita tayo sa 𝗟𝘂𝗻𝗲𝘀, 𝗶𝗸𝗮-𝟯𝟭 𝗻𝗴 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟲, 𝗮𝗹𝗮𝘀-𝟴 𝗻𝗴 𝗨𝗺𝗮𝗴𝗮 𝘀𝗮 𝗕𝘂𝗹𝘄𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗹𝘂𝗮𝗻.

𝗞𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔𝗡𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗛𝗢𝗞!Handa nang ipamalas ng ating mga kabataang Paluanon ang kanilang angking husay at g...
28/08/2026

𝗞𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔𝗡𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗛𝗢𝗞!

Handa nang ipamalas ng ating mga kabataang Paluanon ang kanilang angking husay at galing sa 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗡-𝗔𝗪: 𝗠𝗮𝗹𝗶𝗸𝗵𝗮𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗸𝘂𝗸𝘂𝘄𝗲𝗻𝘁𝗼 𝗮𝘁 𝗠𝗮𝘀𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗸𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮 (𝗧𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺𝗼, 𝗦𝗮𝗿𝗶𝗹𝗶, 𝗮𝘁 𝗔𝗱𝗯𝗼𝗸𝗮𝘀𝗶𝘆𝗮)!

Mula sa pagtataguyod ng ating lokal na kultura, pagmamahal sa sariling wika, hanggang sa pagpapalakas ng boses ng kabataan sa pagpapakilala ng ating turismo at mga adbokasiya—ating saksihan ang kanilang natatanging galing sa entablado!

📅 31 Agosto 2026 (Lunes)
📍 Bulwagang Pambayan ng Paluan

𝗣𝗔𝗡𝗔𝗪𝗔𝗚𝗔𝗡𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗡'𝗔𝗪: 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗜𝗠𝗣𝗔𝗟𝗔𝗞 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗜𝗞𝗛𝗔𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗨𝗞𝗨𝗪𝗘𝗡𝗧𝗢 (𝗘𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗖𝗮𝘁𝗲𝗴𝗼𝗿𝘆)Ito na ang huling araw ng pagsusumite...
14/08/2026

𝗣𝗔𝗡𝗔𝗪𝗔𝗚𝗔𝗡
𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗡'𝗔𝗪: 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗜𝗠𝗣𝗔𝗟𝗔𝗞 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗜𝗞𝗛𝗔𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗨𝗞𝗨𝗪𝗘𝗡𝗧𝗢 (𝗘𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗖𝗮𝘁𝗲𝗴𝗼𝗿𝘆)

Ito na ang huling araw ng pagsusumite ng mga kalahok para sa PAGTAN'AW: Malikhaing Pagkukuwento na gaganapin sa ika-29 ng Agosto 2026.

𝗗𝗲𝗮𝗱𝗹𝗶𝗻𝗲: Ngayong araw, 14 Agosto 2026 (5:00 ng Hapon)
𝗣𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗺𝗮𝗴𝗽𝗮𝘁𝗮𝗹𝗮: I-message ang mga sumusunod sa FB Messenger si G. Bon Andrian T. Gajeto (Bon Gajeto):
Paaralan:
Kalahok:
Tagapagsanay:

📌 Paalala: Magkakaroon ng bunutan ng opisyal na piyesa mamayang 6:30 ng gabi pagkatapos maisapinal ang talaan ng mga kalahok.

𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗!Sa lahat ng nagnanais magpatala para sa 𝗠𝗮𝗹𝗶𝗸𝗵𝗮𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗸𝘂𝗸𝘂𝘄𝗲𝗻𝘁𝗼 (𝗘𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗿𝘆𝗮) 𝗮𝘁 𝗠𝗮𝘀𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗸𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮 (𝗦𝗲𝗸𝗼...
07/08/2026

𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗!

Sa lahat ng nagnanais magpatala para sa 𝗠𝗮𝗹𝗶𝗸𝗵𝗮𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗸𝘂𝗸𝘂𝘄𝗲𝗻𝘁𝗼 (𝗘𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗿𝘆𝗮) 𝗮𝘁 𝗠𝗮𝘀𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗸𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮 (𝗦𝗲𝗸𝗼𝗻𝗱𝗮𝗿𝘆𝗮) ngayong araw (Biyernes, 07 Agosto 2026), maaari po muna magpadala ng mensahe kay G. Bon Andrian T. Gajeto, sa pamamagitan ng:
Messenger: Bon Gajeto
Telepono/SMS: 0926-292-0922

Para sa mga nauna nang nakapagpatala, 𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗹𝗶𝗯𝗮𝗻 𝗺𝘂𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗽𝘂𝗽𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗸𝗮𝘁𝗮𝗸𝗱𝗮 𝘀𝗮𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗮𝗻𝗮𝗽 𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀, 𝗦𝗮𝗯𝗮𝗱𝗼, 𝟬𝟴 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟲. Maglalabas muli ng abiso para sa bagong petsa ng pagpupulong.

Maraming salamat at mag-ingat tayong lahat!

𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗬𝗦𝗔𝗬𝗔𝗡: "𝗛𝗶𝗻𝘂𝗯𝗼𝗴 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗗𝗶𝗻𝘂𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗔𝗹𝗼𝗻."Kilala mo ba ang isa sa mga pinakasinaunang saksi ng pananampal...
04/08/2026

𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗬𝗦𝗔𝗬𝗔𝗡: "𝗛𝗶𝗻𝘂𝗯𝗼𝗴 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗗𝗶𝗻𝘂𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗔𝗹𝗼𝗻."

Kilala mo ba ang isa sa mga pinakasinaunang saksi ng pananampalatayang Kristiyano at kalakalan sa ating lalawigan?

Ipinagmamalaki ng Bayan ng Paluan ang 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗴𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗖𝗵𝘂𝗿𝗰𝗵 𝗥𝘂𝗶𝗻𝘀— ang labi ng 𝗣𝗮𝗿𝗼𝗸𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗖𝗮𝗹𝗮𝘃𝗶𝘁𝗲 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗶𝘁𝗮𝘁𝗮𝗴 𝗻𝗼𝗼𝗻𝗴 𝟭𝟱𝟴𝟬𝘀. Bukod sa pagiging kauna-unahang sentro ng pananampalatayang Kristiyano sa Kanlurang Mindoro, ang Sitio Pinagbayanan din ang naging isa sa mga pangunahing sentro ng komersyo at kalakalan noong unang panahon.

Ngayong Buwan ng Kasaysayan, balikan natin ang ating mga ugat at pahalagahan ang yamang pamana ng ating bayan!

Sanggunian: https://tribumindoro.wordpress.com/paluan/



Ang Tanggapan ng Pambayang Turismo ng Lokal na Pamahalaan ng Paluan ay nakikiisa sa selebrasyon ng 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗪𝗶𝗸𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟲 na...
02/08/2026

Ang Tanggapan ng Pambayang Turismo ng Lokal na Pamahalaan ng Paluan ay nakikiisa sa selebrasyon ng 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗪𝗶𝗸𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟲 na may temang "𝗪𝗶𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗮𝘁 𝗔𝗜: 𝗞𝗮𝘀𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗽𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗹𝗶𝗸𝘀𝗶𝗸 𝗮𝘁 𝗧𝘂𝗹𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗬𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗶𝘀𝗶𝗽𝗮𝗻."

Sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya tulad ng Artificial Intelligence (AI), panawagan ito na mahalagang gamitin natin ang AI bilang gabay at kasangkapan sa pananaliksik- na may paggalang sa katotohanan, integridad, at sariling kaisipan.

Sa tulong wikang Filipino at makabagong teknolohiya, patuloy nating pagyayamanin ang ating kaalaman at ang ating pagkakakilanlan bilang Pilipino.



30/07/2026

𝘚𝘢 𝘣𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘩𝘪𝘯𝘢 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘸𝘦𝘯𝘵𝘰 𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘵𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘳𝘢𝘱, 𝘥𝘰𝘰𝘯 𝘴𝘶𝘮𝘪𝘴𝘪𝘣𝘰𝘭 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘢𝘴𝘢 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯,
𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭...
𝘉𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘴𝘶𝘭𝘰𝘬 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯, 𝘮𝘢𝘺 𝘬𝘶𝘸𝘦𝘯𝘵𝘰.
𝘉𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘣𝘰𝘴𝘦𝘴 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘣𝘢𝘵𝘢𝘢𝘯, 𝘮𝘢𝘺 𝘥𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘢𝘣𝘢𝘨𝘰.
𝘉𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘵𝘪𝘵𝘪𝘬 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘳𝘢𝘱, 𝘱𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘴𝘢 𝘬𝘶𝘭𝘵𝘶𝘳𝘢 𝘢𝘵 𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯. ✨

Sa pinagsamang selebrasyon ng 𝗟𝗶𝗻𝗴𝗴𝗼 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗪𝗶𝗸𝗮, muling magliliwanag ang entablado para sa angking talino at sining ng mga mag-aaral na Paluanon mula elementarya at sekondarya sa 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗡-𝗔𝗪: 𝗠𝗮𝗹𝗶𝗸𝗵𝗮𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗸𝘂𝗸𝘂𝘄𝗲𝗻𝘁𝗼 𝗮𝘁 𝗠𝗮𝘀𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗸𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮 (𝗧𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺𝗼, 𝗦𝗮𝗿𝗶𝗹𝗶, 𝗔𝗱𝗯𝗼𝗸𝗮𝘀𝗶𝘆𝗮) sa ika-29 ng Agosto, 2026.




𝐇𝐢𝐠𝐢𝐭 𝐩𝐚 𝐬𝐚 𝐧𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐭𝐚... 𝐇𝐢𝐠𝐢𝐭 𝐩𝐚 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐍-𝐀𝐖... ✨Sa bawat sulok ng ating bayan, may mga kuwento...
28/07/2026

𝐇𝐢𝐠𝐢𝐭 𝐩𝐚 𝐬𝐚 𝐧𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐭𝐚... 𝐇𝐢𝐠𝐢𝐭 𝐩𝐚 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐍-𝐀𝐖... ✨

Sa bawat sulok ng ating bayan, may mga kuwentong naghihintay na maihayag...
Sa bawat sulok ng mga silid-aralan, may mga pangarap na dapat na nadidinig.

Turismo 🌊 | Kabataan ✊ | Pilipinas 🇵🇭

Address

Paluan Occidental Mindoro
Paluan
5107

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Paluan Tourism Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share