National Nutrition Council Region III

National Nutrition Council Region III

Share

National Nutrition Council, as mandated by law, is the country's highest policy-making and coordinating body on nutrition.

Photos from National Nutrition Council Region III's post 29/05/2026

Kilalanin ang ating Fresh Pick ngayong Biyernes, ang 𝐇𝐢𝐦𝐛𝐚𝐛𝐚𝐨! 🍃

𝐀𝐥𝐚𝐦 𝐦𝐨 𝐛𝐚❓
Ang kalahating tasa (45 g) ng himbabao ay mayaman sa calcium at phosphorus, mga mineral na mahalaga sa pagpapanatili at pagpapalakas ng mga buto at ngipin.

𝐏𝐚𝐚𝐧𝐨 𝐦𝐚𝐩𝐚𝐧𝐢𝐭𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐫𝐢𝐰𝐚? 🌿
Ilagay ang himbabao sa sealed at makapal na plastic bag at itago sa crisper drawer ng refrigerator. Hugasan lamang ito bago lutuin upang hindi madaling masira. Kung nahugasan na, patuyuin muna nang mabuti bago itago sa refrigerator.

𝐒𝐚𝐚𝐧 𝐢𝐭𝐨 𝐦𝐚𝐚𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐡𝐚𝐢𝐧? 🍽️
Maaaring idagdag ang himbabao sa mga putaheng tulad ng dinengdeng at ginisang munggo.

Ang Fresh Picks Friday ay lingguhang segment ng NNC Region III kung saan tampok ang iba't ibang gulay at prutas para alamin ang kanilang masustansyang taglay.

👍 I-like ang aming page para sa dagdag kaalaman sa nutrisyon at up-to-date na impormasyon!


!

Photos from National Nutrition Council Region III's post 22/05/2026

Ang gulay na bibida ngayong Biyernes: 𝐏𝐚𝐤𝐨! 🌿

𝐀𝐥𝐚𝐦 𝐦𝐨 𝐛𝐚❓
Ang isang tasa (90 g) ng pako ay may taglay na calcium at Vitamin A na nakatutulong magpanatili ng malusog na mga buto at kalusugan ng mata. Mababa rin ito sa calories kaya mainam isama sa masustansyang pagkain.

𝐏𝐚𝐚𝐧𝐨 𝐦𝐚𝐩𝐚𝐧𝐚𝐭𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐫𝐢𝐰𝐚? 🌱
Iwasang hugasan agad ang pako at balutin muna ito sa paper towel bago ilagay sa refrigerator upang hindi madaling malanta. Hugasan lamang bago lutuin upang hindi agad masira. Maaari rin itong i-blanch at i-freeze para mas tumagal.

𝐒𝐚𝐚𝐧 𝐢𝐭𝐨 𝐦𝐚𝐚𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐡𝐚𝐢𝐧? 🍽️
Maaaring gawing ensaladang pako o kaya naman ay ginataang pako para sa mas masarap at masustansyang putahe.

𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢-𝐓𝐢𝐩 💡
Mas mainam kainin ang pako kapag bata pa at naka-ikot pa ang dulo dahil mas malambot ito at hindi pa matigas ang tangkay.

Ang Fresh Picks Friday ay lingguhang segment ng NNC Region III kung saan tampok ang iba't ibang gulay at prutas upang alamin ang kanilang masustansyang taglay.


!

20/05/2026

𝐍𝐍𝐂 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭𝐬 𝐄𝐃𝐂𝐎𝐌 𝐈𝐈 𝐅𝐢𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠𝐬 𝐨𝐧 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐋𝐞𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐫𝐢𝐬𝐢𝐬

The National Nutrition Council expresses its strong support for the findings of the Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) on the critical role of nutrition during the First 1,000 Days of Life and its long-term impact on learning outcomes.

Read the full statement here: https://tinyurl.com/NNCstatement

!

Photos from National Nutrition Council Region III's post 15/05/2026

Para sa Biyernes na ito, ang ating fresh pick ay ang 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐛𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐏𝐮𝐭𝐢!

𝐀𝐥𝐚𝐦 𝐦𝐨 𝐛𝐚❓
Ang tatlong piraso ng bayabas (hindi bababa sa 80 g) ay sapat na upang matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan sa Vitamin C ng isang indibidwal. Mayaman din ito sa fiber na makatutulong sa maayos na digestion.

Maaaring kainin ang balat at buto ng bayabas. Marami sa fiber at antioxidants nito ay matatagpuan malapit sa balat kaya mas mainam itong kainin nang may balat.

𝐏𝐚𝐚𝐧𝐨 𝐦𝐚𝐩𝐚𝐧𝐢𝐭𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐫𝐢𝐰𝐚? 🌿
Ilagay sa refrigerator ang hinog na bayabas upang mapanatiling sariwa. Huwag hugasan bago itago. Hugasan lamang ito bago kainin. Kung hinati na, ilagay sa sealed na plastic bag at itago sa crisper drawer.

𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢-𝐓𝐢𝐩 💡
Maaaring kainin nang sariwa ang puting bayabas o gawing juice o shake na patok ngayong tag-init.

Ang Fresh Picks Friday ay lingguhang segment ng NNC Region III kung saan tampok ang iba't ibang gulay at prutas para alamin ang kanilang masustansyang taglay.

👍 I-like ang aming page para sa dagdag kaalaman sa nutrisyon at up-to-date na impormasyon!


!

Photos from National Nutrition Council Region III's post 14/05/2026

May is 𝐂𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐂𝐚𝐧𝐜𝐞𝐫 𝐀𝐰𝐚𝐫𝐞𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡 💜

Cervical cancer is the second most common cancer among women in the Philippines, but it is preventable and treatable when detected early.

Take action today:
✅ Get screened via Pap smear or Visual Inspection with Acetic Acid (VIA)
✅ Get vaccinated against Human Papillomavirus (HPV)
✅ Maintain a healthy diet to support your immune system

Early detection saves lives. Protect yourself and the women around you. 💜


!

Photos from National Nutrition Council Region III's post 13/05/2026

𝟐𝐧𝐝 𝐐𝐮𝐚𝐫𝐭𝐞𝐫 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐫𝐚𝐥 𝐋𝐮𝐳𝐨𝐧 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐓𝐞𝐜𝐡𝐧𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐖𝐨𝐫𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐆𝐫𝐨𝐮𝐩/𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐌𝐨𝐧𝐢𝐭𝐨𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐝 𝐄𝐯𝐚𝐥𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐓𝐞𝐚𝐦

The Central Luzon Regional Nutrition Technical Working Group (RNTWG), serving as the Regional Nutrition Monitoring and Evaluation Team (RNMET), conducted its 2nd Quarter Meeting on May 12, 2026 at the Ephatha Development Center, SACOP, Brgy. Maimpis, City of San Fernando, Pampanga.

The meeting aimed to orient RNMET members on the conduct of the 2026 Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation (MELLPI) Pro. Updates on the assessment schedule were presented, along with discussions on the technical notes and guidelines for evaluating Local Government Units (LGUs) and Local Nutrition Focal Points (LNFPs).

The activity strengthened the preparedness and coordination of members in ensuring the effective and standardized implementation of the 2026 MELLPI Pro for C.Y. 2025 across Central Luzon.

!

10/05/2026

𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐈𝐧𝐚, 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧𝐚𝐧! 🌷

Maraming salamat sa inyong walang sawang pag-aaruga, pagmamahal, at sakripisyo para sa pamilya at komunidad. Sa bawat masustansyang pagkain at malasakit na inyong ibinabahagi, nakakatulong kayo sa paghubog ng mas malusog na kinabukasan para sa bawat bata at pamilya. 💚

!

Photos from National Nutrition Council Region III's post 08/05/2026

Para sa Biyernes na ito, ang ating fresh pick ay ang 𝐁𝐮𝐧𝐠𝐚 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐥𝐮𝐧𝐠𝐠𝐚𝐲!

𝐀𝐥𝐚𝐦 𝐦𝐨 𝐛𝐚❓
Ang kalahating tasa (45 g) ng bunga ng malungga ay mayaman sa vitamin C, calcium, at iron na nakatutulong sa pagpapalakas ng immune system, pagpapatibay ng buto, at panlaban sa anemia.

𝐏𝐚𝐚𝐧𝐨 𝐦𝐚𝐩𝐚𝐧𝐢𝐭𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐫𝐢𝐰𝐚? 🌿
Ilagay ang bunga ng malunggay sa sealed at makapal na plastic bag at itago sa crisper drawer ng refrigerator. Huwag muna itong hugasan bago itago; hugasan lamang bago gamitin.

𝐒𝐚𝐚𝐧 𝐢𝐭𝐨 𝐦𝐚𝐚𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐡𝐚𝐢𝐧? 🍽️
Maaaring idagdag ang bunga ng malunggay sa mga putaheng tulad ng dinengdeng at pinakbet.

Ang Fresh Picks Friday ay lingguhang segment ng NNC Region III kung saan tampok ang iba't ibang gulay at prutas para alamin ang kanilang masustansyang taglay.

👍 I-like ang aming page para sa dagdag kaalaman sa nutrisyon at up-to-date na impormasyon!


!

06/05/2026

𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘 📢

Please be advised that the National Nutrition Council (NNC) Region III will be closed on 7 May 2026, pursuant to Republic Act No. 8815, declaring the date as a Special Non-Working Holiday in the Province of Pampanga and Angeles City.

Office operations will resume on May 11, 2026.

Thank you for your kind understanding.

!

Photos from National Nutrition Council Region III's post 01/05/2026

𝙄 𝙟𝙪𝙨𝙩 𝙬𝙖𝙣𝙣𝙖 𝙩𝙖𝙨𝙩𝙚 𝙞𝙩, 𝙬𝙖𝙩𝙚𝙧𝙢𝙚𝙡𝙤𝙣 𝙨𝙪𝙜𝙖𝙧 𝙝𝙞𝙜𝙝 🎶

Bida ngayong Fresh Picks Friday ang presko at matamis na 𝐩𝐚𝐤𝐰𝐚𝐧!

𝐀𝐥𝐚𝐦 𝐦𝐨 𝐛𝐚❓
Ang isang hiwa (150g) ng pakwan ay naglalaman ng 92% tubig na nakakatulong maiwasan ang dehydration ngayong tag-init. 💧
Mayaman din ito sa Vitamin A at C para sa resistensya, balat, at paningin. Ang pulang kulay nito ay mula sa lycopene, isang antioxidant na mabuti sa puso. ❤️

𝐏𝐚𝐚𝐧𝐨 𝐦𝐚𝐩𝐚𝐧𝐚𝐭𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐫𝐢𝐰𝐚? 🌿
Ilagay sa malamig at tuyong lugar kung buo pa ang pakwan, o i-ref hanggang 1–2 linggo. Kung hiniwa na, balutin o ilagay sa airtight container bago i-ref at kainin sa loob ng 2–5 araw. Iwasang mabilad sa init.

𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢-𝐓𝐢𝐩 💡
Maaaring gawing watermelon popsicles na patok sa mga bata at mainam na meryenda ngayong tag-init. 🍉☀️
Gawing atsara ang balat ng pakwan sa halip na itapon upang mapakinabangan.

Ang Fresh Picks Friday ay lingguhang segment ng NNC Region III kung saan tampok ang iba't ibang gulay at prutas para alamin ang kanilang masustansyang taglay.

👍 I-like ang aming page para sa dagdag kaalaman sa nutrisyon at up-to-date na impormasyon!


!

Want your business to be the top-listed Government Service in Pampanga?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address

Main Gate Corner, Villa Victoria, Lazatin Boulevard, City Of San Fernando
Pampanga
2000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm