25/10/2026
📸 PASASALAMAT | SECOND SEMESTER BARANGAY ASSEMBLY
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga kabarangay na nakiisa at dumalo sa katatapos na Second Semester Barangay Assembly ng ating Barangay ngayong araw.
Maraming salamat sa ating mga opisyal ng barangay, mga kawani, mga kinatawan ng iba't ibang samahan, at sa lahat ng naglaan ng oras at pagsisikap upang maging maayos at makabuluhan ang pagtitipong ito.
Ang inyong presensya, pakikilahok, at suporta ay mahalaga sa pagsusulong ng mga programa at adhikain para sa ikauunlad ng ating barangay.
Patuloy nating palakasin ang pagkakaisa, pagtutulungan, at aktibong pakikilahok tungo sa isang mas maunlad at nagkakaisang Barangay Catuday.
Maraming salamat po sa ating Resource Speaker na sina Municipal Agricultural Technologist Arben Valdez RAgr at Patrolman Mark Ronald Valdez, kay Principal Hermelie De Leon and Principal Pretelin Dacumos at sa ating butihing EMCEE ♥
Maraming salamat po sa inyong lahat! Sama-sama para sa mas maayos at maunlad na barangay! đź’š