15/10/2026
📣 ANNOUNCEMENT | BARANGAY ASSEMBLY DAY – 2ND SEMESTER, CY 2026 📣
Inaanyayahan ang lahat ng ating mga kabarangay na makiisa at dumalo sa gaganaping Barangay Assembly Day for the 2nd Semester of CY 2026.
🗓️ Date: October 25, 2026 (Sunday)
⏰ Time: 9:00 AM
📍 Venue: Barangay Multi-purpose Hall
Tema:
“Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa Ating Komunidad.”
Ito ay isang mahalagang pagkakataon upang mapakinggan ang mga ulat, maibahagi ang inyong mga saloobin at mungkahi, at mapag-usapan ang mga programa, proyekto, at mga usaping may kinalaman sa pag-unlad ng ating barangay.
Ang inyong presensya, pakikiisa, at aktibong pakikilahok ay mahalaga upang patuloy nating maisulong ang isang mas maayos, ligtas, at maunlad na Barangay Mangin.
Kaya naman, mga kabarangay, tara na at makiisa! Sama-sama nating itaguyod ang pagkakaisa at kaunlaran ng ating komunidad.
Kita-kits po mga ka-barangay! ♥️