Brgy Balaoang Council

Directions

Brgy Balaoang Council Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Brgy Balaoang Council, Public Service, Balaoang, Paniqui.

01/11/2026

Nov. 1, 2026 (around 10:17pm)
Muli po kaming nagpapaalala ng dagdag pag-iingat sa daan lalo na kapag nasa impluwensya ng alak, upang maiwasan ang mga ganitong aksidente.
Agad nmn po nating naitakbo sa pinakamalapit na pagamutan (PGH) ang mga sakay ng tricycle n nagtamo ng mga gasgas, bukol sa ulo at sa kabutihang palad ay wla nmang malubhang injury ang mga ito.
Tumanggi nmn ang mga rider ng single na sumabay patungong ospital.

01/11/2026

PANIQUI MPS, TARLAC PPO
🚨 ANTI-ILLEGAL DRUG OPERATION SA PANIQUI, TARLAC, NAGRESULTA SA PAGKAKAARESTO NG ISANG SUSPEK

Sa patuloy na kampanya ng Philippine National Police laban sa ilegal na droga, nagsagawa ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng Paniqui Municipal Police Station ng isang buy-bust operation noong Oktubre 31, 2026, bandang 3:30 ng hapon sa Purok Centro, Barangay Balaoang, Paniqui, Tarlac.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto ng isang suspek at pagkakakumpiska ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Ang matagumpay na operasyon ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Paniqui MPS na sugpuin ang ilegal na droga at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Sa pamumuno ni PLTCOL BANDUAREZ L. LINGALING, Officer-in-Charge, Paniqui Municipal Police Station, patuloy na paiigtingin ang mga operasyon laban sa kriminalidad upang matiyak ang kaligtasan ng bawat mamamayan.

PNP: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman!













October 24, 2026Barangay Clean-up Drive.Napakagandang pagmasdan ng isang komunidad na nagtutulungan. Tuloy-tuloy po tau ...
24/10/2026

October 24, 2026
Barangay Clean-up Drive.
Napakagandang pagmasdan ng isang komunidad na nagtutulungan. Tuloy-tuloy po tau hanggang sa maging gawi na po natin ang tuwing umaga ng Sabado'ng paglilinis. Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat na laging naglalaan ng inyong oras, meron man o wla taung kahit na kunting naibibigay ay nanjan po kau lagi. Sa mga hnd po namin naikotan kanina ay huwag po kaung mag-alala dahil may nakalaan po kami pra po sa inyo. Muli po maraming-maraming salamat po sa inyong lahat mga minamahal naming mga Kabarangay.

October 17, 2026Ito po ang update sa ating Palibsong Foot Bridge na pansamantalang daan po natin papuntang Sitio Malagay...
17/10/2026

October 17, 2026
Ito po ang update sa ating Palibsong Foot Bridge na pansamantalang daan po natin papuntang Sitio Malagayuma. Kunting tiis lng po mga Kabarangay at ginagawa po natin lahat ng kinakailangang aksyon pra agad ma maibalik at maayos ang ating culvert. Hinihiling po namin ang inyong mas mahabang pang-unawa. Maraming salamat po.

October 17, 2026Ito po ang kasalukuyang kalagayan ng atin pong Palibsong Culvert. Iwasan po muna ang daang ito at gumami...
17/10/2026

October 17, 2026
Ito po ang kasalukuyang kalagayan ng atin pong Palibsong Culvert. Iwasan po muna ang daang ito at gumamit muna ng mga alternatibong ruta. Naisumite na po natin lahat ng kinakailangang dokumento/request pra sa pagkukumpuni nito. Hinihiling po namin ang inyong mahaba pang pang-unawa sa sitwasyon. Maraming salamat po.

October 17, 2026Weekly Clean-up Drive.Lagi po nating panatilihing malinis ang ating kapaligiran. "Tapat mo linis mo" ay ...
17/10/2026

October 17, 2026
Weekly Clean-up Drive.
Lagi po nating panatilihing malinis ang ating kapaligiran. "Tapat mo linis mo" ay malaking bagay po pra sa ikabibilis ng ating gawain. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat.

13/10/2026

October 13, 2026 (6:08pm)
Vehicular Accident infront of 7/11.

Pinapaalalahanan po ang lahat ng dagdag pag-iingat sa daan, lalong lalo na po kapag nasa impluwensya ng alak. Nang sa ganun ay maiwasan po natin ang mga ganitong insidente.

Wla nmn pong malubhang nasugatan sa pangyayari at ang mga sangkot ay nagtungo na po sa Himpilan ng Pulisya pra pag-usapan ang danyos na natamo ng kani-kanilang mga sasakyan.

October 10, 2026Barangay Balaoang Clean-up Drive.Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat sa pagpapanatiling malinis...
10/10/2026

October 10, 2026
Barangay Balaoang Clean-up Drive.
Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat sa pagpapanatiling malinis ng ating kapaligiran. Nawa'y huwag na huwag po kaung magsasawa at ipagpapatuloy nating gagawin ito tuwing umaga ng araw ng Sabado. Godbless po sa ating lahat.

Address

Balaoang
Paniqui
2307

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy Balaoang Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category

Nearby government services