PNP Pasacao Municipal Police Station

Call Directions Contact the organization

PNP Pasacao Municipal Police Station PNP Kakampi Mo

We Serve and Protect

28/10/2026

CSPPO Supports Partido State University's Initiatives Toward Academic Excellence

GOA, CAMARINES SUR — The Camarines Sur Police Provincial Office, under the leadership of PCOL TYRONE RAZON DOTIMAS, Provincial Director, demonstrated its support for educational advancement through its participation in Partido State University's “Unveiling New Pathways to Academic Excellence” held on October 27, 2026, at the university auditorium in Goa, Camarines Sur.

PLTCOL SANTOS J TAGOMATA JR, Chief, Provincial Plans and Programs Unit (PPPU), represented CSPPO during the launching of new academic programs, College Education Behind Bars (CEBB), the Center for Intelligent Systems and Community Innovation (CISCI), Micro-Credential Courses, and the Mabalodbalod Lifelong Learning Hub.

The initiative highlights the importance of accessible education, innovation, and lifelong learning in empowering individuals and strengthening communities.

Through its participation, CSPPO reaffirmed its commitment to supporting educational initiatives and fostering partnerships that contribute to inclusive development and community progress.

Police Regional Office 5
Philippine National Police

28/10/2026
28/10/2026

PCOL DOTIMAS HIGHLIGHTS TOURISM SECURITY THROUGH TOPCOP PINNING CEREMONY

NAGA CITY, Camarines Sur — PCOL TYRONE RAZON DOTIMAS, Provincial Director of the Camarines Sur Police Provincial Office, attended the Closing Ceremony, Awarding of Certificates, and Pinning Ceremony of the Tourist-Oriented Police for Community Order and Protection (TOPCOP) Program held on October 27, 2026, at Avenue Plaza Hotel, Naga City.

The ceremony marked the successful completion of the TOPCOP training program, recognizing police personnel who underwent specialized training aimed at strengthening tourism security, enhancing police responsiveness, and ensuring a safe and welcoming environment for local and foreign tourists.

PCOL DOTIMAS emphasized the importance of tourism-oriented policing in safeguarding visitors, maintaining peace and order, and building public confidence in Camarines Sur as a safe and tourist-friendly destination.

The activity reaffirmed CSPPO's commitment to strengthening police capabilities, fostering community partnerships, and supporting the sustainable growth of the province's tourism industry through proactive and responsive police service.

Police Regional Office 5
Philippine National Police

28/10/2026

📖 VERSE OF THE DAY | ISAIAH 41:10

“Fear thou not; for I am with thee.”

Sa gitna ng panganib, hamon, at pagsubok, ang pananampalataya sa Diyos ang nagbibigay sa atin ng lakas at tapang upang magpatuloy.

Bilang mga lingkod-bayan, nawa'y patuloy tayong gabayan at patatagin ng Diyos sa bawat pagtupad ng tungkulin. Sa kabila ng mga sakripisyo, manatili tayong matatag, tapat, at handang maglingkod upang mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng mamamayan.

🙏 TANDAAN: Hindi hadlang ang takot sa paggawa ng tama. Sa bawat pagsubok, manalig sa Diyos, magpakatatag, at magpatuloy sa paglilingkod nang may malasakit at dedikasyon.

Police Regional Office 5
Philippine National Police

28/10/2026

🚫💊 SAY NO TO ILLEGAL DRUGS!

Ang ilegal na droga ay sumisira sa buhay, pamilya, at kinabukasan. Piliin ang malusog na pamumuhay at lumayo sa anumang uri ng ilegal na droga.

💙 Tandaan: Ang isang komunidad na malaya sa droga ay mas ligtas, mas maunlad, at may mas magandang kinabukasan.

Makiisa sa kampanya ng Kaogma Cops laban sa ilegal na droga. Maging mapagmatyag at ireport sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya ang anumang kahina-hinalang aktibidad na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Sama-sama tayo para sa DRUG-FREE CAMARINES SUR!

Police Regional Office 5
Philippine National Police

28/10/2026

🏘️👮 NEIGHBORHOOD WATCH: MAGKAISA PARA SA LIGTAS NA KOMUNIDAD!

Ang pag-iwas sa krimen ay responsibilidad ng bawat isa. Sa pamamagitan ng Neighborhood Watch, mas napapalakas ang pagtutulungan ng mga residente at kapulisan upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa ating pamayanan.

✅ Kilalanin at makipagtulungan sa mga kapitbahay.
✅ Maging mapagmatyag sa kahina-hinalang tao at aktibidad.
✅ Siguraduhing ligtas at nakakandado ang inyong tahanan.
✅ Panatilihing maliwanag ang paligid.
✅ Ireport agad sa pulisya ang anumang banta sa seguridad.

🚨 Sa oras ng emergency, tumawag sa Unified 911.

Tandaan: Ang mapagmatyag at nagkakaisang komunidad ay isang ligtas na komunidad!

Police Regional Office 5
Philippine National Police

28/10/2026

🚨 ONLINE RADICALIZATION AND EXTREMIST GROOMING AWARENESS

Protektahan ang Kabataan Laban sa Online Manipulation at Marahas na Ekstremismo!

Hindi lahat ng banta ay nakikita sa lansangan. Ang ilan ay nagsisimula sa social media, online games, at private chat groups kung saan maaaring gamitin ang pakikipagkaibigan at pagmamanipula upang hikayatin ang kabataan sa marahas na ekstremismo.

✅ Maging mapanuri sa mga online na kakilala at grupong sinasalihan.
✅ Mag-ingat sa mga mensaheng naghihikayat ng karahasan at p**t.
✅ Huwag basta maniwala sa mga mapanlinlang na impormasyon.
✅ Panatilihing bukas ang komunikasyon ng mga magulang at anak.
✅ Ireport sa kinauukulang awtoridad ang mga banta o panghihikayat sa karahasan.

👮 Paalala ng Kaogma Cops: Ang kaalaman, paggabay ng pamilya, at pagtutulungan ng komunidad ay mahalagang sandata laban sa marahas na ekstremismo.

MAGING MAPANURI. MAGING MAPAGMATYAG. PROTEKTAHAN ANG KABATAAN!

28/10/2026

RMFB 5, MABILIS NA TUMULONG SA BIKTIMA NG AKSIDENTE SA LEGAZPI CITY

Legazpi City - Hindi lamang sa pagtupad ng tungkulin sa himpilan nasusukat ang tunay na diwa ng serbisyo publiko, kundi sa kahandaang tumulong sa kapwa sa oras ng pangangailangan. Ito ang pinatunayan ni Patrolman Christian B. Azares ng Regional Mobile Force Battalion 5 (RMFB5) nang agarang rumesponde at tumulong sa isang 63-anyos na biktima ng aksidente sa kalsada sa Barangay 1, EMS Barrio, Legazpi City, noong Oktubre 27, 2026.

Habang patungo sa RMFB5 upang gampanan ang kanyang tungkulin, napansin ni Pat Azares ang isang lalaking nakahandusay sa kalsada at napalilibutan ng mga bystander. Agad niya itong nilapitan at kinilalang si Celso Segui, na sangkot sa insidente habang kasama ang kanyang motorsiklong Honda Beat.

Hindi nag-atubili si Pat Azares na humingi ng agarang tulong at ipagbigay-alam ang insidente sa RMFB5. Sa pakikipagtulungan ng mga medical student at concerned citizen, naihatid ang biktima sa ospital upang mabigyan ng kinakailangang atensiyong medikal. Batay sa ulat, nanatiling may malay at matatag ang kondisyon ni Segui, at naalagaan na siya ng kanyang anak bago umalis ang pulis sa hospital.

Ang mabilis na pagkilos at responde ay sumasalamin sa PNP Focused Agenda na naglalayong palakasin ang kaligtasan ng mamamayan, pagtugon sa pangangailangan ng komunidad, at paghahatid ng serbisyong tapat at nararamdaman. Pinatutunayan din nito ang diwa ng Project Alagang KA-SU-ROG—ang pagtrato sa komunidad bilang kapamilya, pagbibigay ng tapat na suporta, at pagtugon nang mabilis at may puso sa bawat nangangailangan.

Sa pangunguna ng PRO5 sa ilalim ng pamumuno ni PBGEN RANDY GLENN G SILVIO, Regional Director, patuloy na itinataguyod ang isang kapulisang may malasakit at pagkukusang tumulong saanman at kailanman kinakailangan.

Sa bawat agarang pagtugon, napagtitibay ang tiwala ng publiko at naipakikita na ang tunay na serbisyo ay hindi lamang obligasyon—ito ay paninindigang unahin ang kaligtasan at kapakanan ng kapwa. Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman!

28/10/2026

PRO 5, TIMBOG ANG TATLONG SUSPEK SA BUY-BUST OPERATION SA NABUA; ILEGAL NA DROGA NASAMSAM

Nabua, Camarines Sur — Tatlong indibidwal ang naaresto ng Police Regional Office 5 (PRO 5) sa isinagawang buy-bust operation laban sa ilegal na droga sa Barangay Bustrac, Nabua, Camarines Sur, noong Oktubre 27, 2026.

Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Nabua Municipal Police Station ng Camarines Sur Police Provincial Office, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 5 (PDEA RO V), bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng kapulisan laban sa ilegal na droga sa rehiyon ng Bicol.

Kinilala ang mga naaresto sa kanilang mga alyas na Ai, Jose, at Jes, na pawang nasa hustong gulang. Ayon sa paunang ulat, naaresto ang mga suspek matapos magbenta ng ilegal na droga sa isang poseur buyer.

Nasamsam sa operasyon ang hinihinalang ilegal na droga na may kabuuang timbang na 10.1 gramo at tinatayang halagang P68,680.00.

Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa mga suspek ang dahilan ng kanilang pagkakadakip at ipinaliwanag ang kanilang mga karapatang konstitusyonal sa wikang kanilang nauunawaan. Isinailalim din sila sa pisikal at medikal na pagsusuri sa Nabua Rural Health Unit 1 bago dalhin sa Nabua MPS, kasama ang mga nakumpiskang ebidensiya, para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Isinagawa ang paghahalughog at pag-iimbentaryo ng mga nakumpiskang ebidensiya sa mismong lugar ng operasyon, sa presensya ng mga suspek at ng mga kinakailangang saksi, alinsunod sa umiiral na mga tuntunin at pamamaraan.

Samantala, batay sa beripikasyon sa pamamagitan ng Investigation Solution and Automatic Verification (ISAV) System, lumitaw na si alyas Ai ay may isang rekord sa Criminal Information Record and Apprehension System (CIRAS) kaugnay ng paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na may kaugnayan sa isang search warrant.

Inihahanda na ng Nabua MPS ang kasong kriminal na may kaugnayan sa paglabag sa RA 9165 upang ihain sa kaukulang Office of the City/Provincial Prosecutor para sa nararapat na aksiyon.

Binigyang-diin ng PRO 5 sa pangunguna ni PBGEN RANDY GLENN G SILVIO, Regional Director, na patuloy nitong paiigtingin ang mga operasyon laban sa ilegal na droga at iba pang uri ng kriminalidad upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa buong rehiyon ng Bicol.

Bahagi ang mga hakbang na ito ng PNP Focused Agenda sa ilalim ng Enhanced Managing Police Operations, na naglalayong palakasin ang mga estratehiya, plano, at inisyatibo ng kapulisan upang mas epektibong matugunan ang mga suliraning pangseguridad at higit pang mapahusay ang kakayahan ng bawat pulis sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin.

Ayon kay PBGEN SILVIO, mananatiling nakatuon ang lahat ng yunit ng PNP sa pagsugpo sa kriminalidad at pagpapanagot sa mga indibidwal na mapatutunayang sangkot sa ilegal na gawain.

“Patuloy nating paiigtingin ang ating mga operasyon kontra kriminalidad, lalo na laban sa ilegal na droga. Nakatutok at handa ang lahat ng ating mga yunit na gampanan ang kanilang tungkulin para sa mas ligtas at maayos na kinabukasan ng ating mga mamamayan. Hindi tayo titigil sa pagtugon sa problemang dulot ng ilegal na droga sa ating mga komunidad,” pahayag ni PBGEN SILVIO.

Muling pinagtitibay ng PRO 5 ang pangako nitong maghatid ng serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman ng bawat Bicolano. Kasabay nito, hinihikayat ng kapulisan ang aktibong pakikiisa ng publiko sa pamamagitan ng pagbabahagi ng impormasyon at pakikipagtulungan sa mga awtoridad upang maiwasan at masugpo ang kriminalidad.

Sa kolektibong pagkilos ng kapulisan at mamamayan, patuloy na isinusulong ang isang ligtas, mapayapa, at maunlad na rehiyon ng Bicol.

“Magtulungan po tayo—Komunidad, Mamamayan at KASUROG Cops, Laban sa Krimen!”

28/10/2026

BUSINESSWOMAN, ARESTADO SA OPERASYON KONTRA DROGA SA DAET, CAMARINES NORTE

DAET, Camarines Norte — Isang 38-anyos na businesswoman ang naaresto sa isinagawang search warrant operation ng Camarines Norte Police Provincial Office noong Oktubre 27, 2026, sa Barangay Mancruz, Daet, Camarines Norte, matapos makuhanan ng shabu sa naturang operasyon.

Dakong alas-12:12 ng tanghali nang ipatupad ng mga operatiba ang search warrant laban sa suspek na kinilala sa alyas na “El,” na nakatala bilang isang street-level individual kaugnay ng ilegal na droga.

Sa isinagawang paghahalughog, nakumpiska mula sa suspek ang hinihinalang ilegal na droga na may kabuuang timbang na 6.5 gramo at tinatayang halagang P44,200.00.

Matapos ang operasyon, dinala ang suspek, kasama ang mga nakumpiskang ebidensiya, sa Daet Municipal Police Station, kung saan siya kasalukuyang nasa kustodiya ng kapulisan para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Isinagawa ang paghahalughog, pagmamarka, at pag-iimbentaryo ng mga nakumpiskang ebidensiya sa mismong lugar ng operasyon, sa presensya ng suspek at ng mga kinakailangang saksi, alinsunod sa mga umiiral na tuntunin at pamamaraan.

Sa ilalim ng pamumuno ni PBGEN RANDY GLENN G SILVIO, Regional Director ang Police Regional Office 5 (PRO 5) at patuloy na pinaiigting ng kapulisan ang mga operasyon laban sa ilegal na droga bilang bahagi ng PNP Focused Agenda sa ilalim ng Enhanced Managing Police Operations. Layunin ng mga hakbang na ito na palakasin ang pagpapatupad ng batas, paghusayin ang mga estratehiya sa pagsugpo sa kriminalidad, at higit pang mapahusay ang kakayahan ng mga tauhan ng PNP sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin.

Ayon kay PBGEN SILVIO, mahalaga ang tuloy-tuloy na operasyon at pakikipagtulungan ng publiko upang mas epektibong matugunan ang problema ng ilegal na droga at maprotektahan ang mga komunidad, lalo na ang mga kabataan, laban sa masasamang epekto nito.

“We remain committed to strengthening our anti-illegal drug operations and protecting our communities, especially our youth, from the harmful effects of illegal drugs. Through our PNP Focused Agenda, we will continue to enhance our strategies, strengthen police operations, and work closely with our communities to maintain peace and order,” pahayag ni PBGEN SILVIO.

“Patuloy nating paiigtingin ang ating kampanya laban sa ilegal na droga upang maprotektahan ang ating mga kababayan, lalo na ang mga kabataan, mula sa masasamang epekto nito. Sa pamamagitan ng ating PNP Focused Agenda, patuloy nating pagagandahin ang ating mga estratehiya at operasyon, kasabay ng pakikipagtulungan sa komunidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan,” dagdag pa niya.

Bilang bahagi ng patuloy na kampanya, hinihikayat ng PRO 5 ang publiko na makipagtulungan sa kapulisan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahahalagang impormasyon sa mga kinauukulang awtoridad upang makatulong sa pagpigil at pagsugpo sa mga gawaing kriminal.

Sa pamamagitan ng nagkakaisang pagsisikap ng kapulisan at mamamayan, patuloy na pagsisikapang makamit ng PRO 5 ang mas ligtas, mapayapa, at maunlad na mga komunidad sa buong rehiyon ng Bicol. # # #

Address

Sta Rosa Del Norte
Pasacao
4417

Telephone

+639985985981

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP Pasacao Municipal Police Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PNP Pasacao Municipal Police Station:

Shortcuts

Share