Department of Agriculture-Bicol

Call Directions Website Contact the organization

Department of Agriculture-Bicol DA RFO 5 Official page
(1)

🚛 𝐍𝐞𝐠𝐨𝐬𝐲𝐨’𝐲 𝐮𝐮𝐬𝐚𝐝, 𝐤𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐚𝐲 𝐚𝐚𝐧𝐠𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐭𝐫𝐮𝐜𝐤 𝐧𝐚 𝐡𝐚𝐭𝐢𝐝 𝐧𝐠 𝐃𝐀 𝐁𝐢𝐜𝐨𝐥!🌾Ayon kay 𝐆𝐥𝐨𝐫𝐢𝐨𝐬𝐚 𝐁. 𝐑𝐨𝐥𝐝𝐚𝐧, Chairperson ng 𝐑𝐮𝐫𝐚𝐥 ...
10/11/2026

🚛 𝐍𝐞𝐠𝐨𝐬𝐲𝐨’𝐲 𝐮𝐮𝐬𝐚𝐝, 𝐤𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐚𝐲 𝐚𝐚𝐧𝐠𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐭𝐫𝐮𝐜𝐤 𝐧𝐚 𝐡𝐚𝐭𝐢𝐝 𝐧𝐠 𝐃𝐀 𝐁𝐢𝐜𝐨𝐥!🌾

Ayon kay 𝐆𝐥𝐨𝐫𝐢𝐨𝐬𝐚 𝐁. 𝐑𝐨𝐥𝐝𝐚𝐧, Chairperson ng 𝐑𝐮𝐫𝐚𝐥 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚𝐥 𝐀𝐠𝐫𝐚𝐫𝐢𝐚𝐧 𝐑𝐞𝐟𝐨𝐫𝐦 𝐂𝐨𝐨𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞 sa Libmanan, Camarines Sur, sa tulong ng hauling truck mula sa 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐞 (𝐃𝐀) 𝐁𝐢𝐜𝐨𝐥 𝐑𝐢𝐜𝐞 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦, mas mailalapit na ng kooperatiba ang kanilang serbisyo sa mga miyembro.

Aniya, malaking tulong ang 𝟔-𝐰𝐡𝐞𝐞𝐥𝐞𝐫 𝐡𝐚𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐫𝐮𝐜𝐤 sa kooperatiba upang maisakatuparan ang plano nilang palay trading at mas mapalawak ang oportunidad sa merkado para sa kanilang 85 miyembrong magsasaka.

10/11/2026

𝐏𝐀𝐍𝐎𝐎𝐑𝐈𝐍: Pahayag ni 𝐀𝐥𝐛𝐞𝐫𝐭𝐨 𝐌𝐚𝐞𝐬𝐚, Board of Directors Chairperson ng 𝐂𝐚𝐦𝐚𝐫𝐢𝐧𝐞𝐬 𝐍𝐨𝐫𝐭𝐞 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐠𝐫𝐚𝐭𝐞𝐝 𝐅𝐚𝐫𝐦𝐞𝐫𝐬 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐞 𝐂𝐨𝐨𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞 sa Daet, Camarines Norte, na isa sa mga benepisyaryo ng hauling truck na ipinamahagi ng 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐞 (𝐃𝐀) 𝐁𝐢𝐜𝐨𝐥 𝐂𝐨𝐫𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 ngayong araw.

Bawat yunit ng six-wheeler hauling truck ay nagkakahalaga ng P2,728,000 at may minimum payload capacity na limang tonelada.

09/11/2026

TINGNAN! Nagpasalamat ang mga katutubo ng Tadyong Tribal Farmers at Agta Tabangnon ng Iriga City, Camarines Sur sa Sloping Agricultural Land Technology (SALT) na itinuro sa kanila at sa natanggap na mga pananim na kalamansi at kape mula sa DA Bicol 4Ks Program.

09/11/2026

𝐏𝐀𝐍𝐎𝐎𝐑𝐈𝐍 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐭𝐢𝐩𝐬 𝐮𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐬𝐚 𝐄𝐥 𝐍𝐢ñ𝐨! 𝐀𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐡𝐚𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐬𝐚 𝐄𝐥 𝐍𝐢ñ𝐨 𝐚𝐲 𝐩𝐫𝐨𝐭𝐞𝐤𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐚𝐧𝐢 𝐬𝐚 𝐤𝐢𝐧𝐚𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧ñ

09/11/2026
09/11/2026
170 pamilya sa Daet, Cam. Norte, nabigyan ng tulong ng DA Bicol sa isinagawang  LINGAP PANTRYTumanggap ng iba't ibang tu...
07/11/2026

170 pamilya sa Daet, Cam. Norte, nabigyan ng tulong ng DA Bicol sa isinagawang LINGAP PANTRY

Tumanggap ng iba't ibang tulong pang-agrikultura ang 170 piling pamilya mula sa bayan ng Daet, Camarines Norte sa LINGAP (Lingkod Alalay sa Pamayanan) pantry nitong ika-6 ng Nobyembre, 2026 sa CNLRRS, Calasgasan, Daet. Kabilang sa mga ipinamahaging tulong ay mga gulay galing sa mga project sites, itlog, organic at inorganic fertilizers, seedlings, assorted vegetable seeds, at IEC materials.

Ang isinagawang pamamahagi ay bahagi ng implementasyon ng proyektong Strengthening Food Security and Resilience in Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs) of Camarines Norte through the Rapid Adoption of S&T-Based Integrated Crop–Poultry Farming Systems: A Galing PCAARRD Kontra Krisis Project sa pangunguna ng DA-Camarines Norte Lowland Rainfed Research Station at DOST PCAARRD sa pakikipagtulungan sa Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) at Local Government Units (LGUs).

Kasama sa mga benepisyaryo ng proyektong ito ang Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) Communities, Indigenous Peoples (IPs), Persons Deprived of Liberty (PDLs), Persons Under Police Custody (PUCs), at coastal communities.

Nauna nang tumanggap ng tulong ang mga benepisyaryo mula sa bayan ng Capalonga, Mercedes at Basud.

BASAHIN ANG DETALYE SA COMMENTS

𝐏𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐫𝐞𝐡𝐢𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐨𝐩𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐅𝐏𝐀 𝐬𝐚 𝐁𝐢𝐜𝐨𝐥, 𝐢𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐚𝐭𝐮𝐩𝐚𝐫𝐚𝐧 𝐧𝐚Upang higit na mapalapit ang mga serbisyo ng Fertili...
07/11/2026

𝐏𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐫𝐞𝐡𝐢𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐨𝐩𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐅𝐏𝐀 𝐬𝐚 𝐁𝐢𝐜𝐨𝐥, 𝐢𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐚𝐭𝐮𝐩𝐚𝐫𝐚𝐧 𝐧𝐚

Upang higit na mapalapit ang mga serbisyo ng Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) sa sa mga magsasaka at iba pang stakeholders sa Bicol, ginanap ngayong araw ang groundbreaking ceremony para sa pagtatayo ng bagong FPA Bicol Region Building.

Pinangunahan nina Department of Agriculture (DA) Bicol Regional Executive Director Rodel P. Tornilla, FPA Executive Director III Glenn DC. Estrada, at FPA Bicol Regional Officer Gabriel B. Atole ang seremonya na ginanap sa loob ng DA Bicol Compound sa Brgy. San Agustin, Pili, Camarines Sur. Dumalo rin sa pagtitipon sina FPA OIC-Deputy Executive Director for Fertilizer Gerardo T. Santiago, Agricultural Training Institute Regional Training Center Bicol Director Engr. Joey A. Belarmino, iba pang mga opisyal ng DA at FPA, at ilang mga industry stakeholders.

Ayon kay Atole, ang FPA Bicol ang isa sa mga kauna-unahang tanggapan ng ahensya sa bansa na magkakaroon ng sariling gusali matapos ang halos 50 taon mula nang maitatag ang FPA.

Aniya, “Puon sa pangaturogan, naging katotohanan, ngonian mapupunan! We gather here not merely to turn a patch of soil, but to break new ground on a shared vision… Ito ay hindi lamang isang gusali, kundi tahanan at simbolo na ang serbisyo ng FPA ay abot-kamay ng ating mga magsasaka.”

BASAHIN ANG DETALYE SA COMMENT SECTION

🌾 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧, 𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐚!Mas lumalim ang kaalaman ni 𝐀𝐥𝐟𝐫𝐞𝐝𝐨 𝐌. 𝐓𝐚𝐠𝐮𝐦, presidente ng 𝐌𝐚𝐛𝐮𝐤𝐮𝐠 𝐅𝐚𝐫𝐦𝐞𝐫...
07/11/2026

🌾 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧, 𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐚!

Mas lumalim ang kaalaman ni 𝐀𝐥𝐟𝐫𝐞𝐝𝐨 𝐌. 𝐓𝐚𝐠𝐮𝐦, presidente ng 𝐌𝐚𝐛𝐮𝐤𝐮𝐠 𝐅𝐚𝐫𝐦𝐞𝐫𝐬' 𝐀𝐬𝐬𝐨𝐜𝐢𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐈𝐧𝐜. sa Sto. Domingo, Iriga City, tungkol sa wastong paggamit at mga benepisyo ng 𝐛𝐢𝐨𝐟𝐞𝐫𝐭𝐢𝐥𝐢𝐳𝐞𝐫 matapos dumalo sa 𝐁𝐢𝐨𝐟𝐞𝐫𝐭𝐢𝐥𝐢𝐳𝐞𝐫 𝐚𝐧𝐝 𝐀𝐦𝐞𝐥𝐢𝐨𝐫𝐚𝐧𝐭 𝐃𝐞𝐦𝐨𝐧𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐅𝐢𝐞𝐥𝐝 𝐃𝐚𝐲 ng 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐞 (𝐃𝐀) 𝐁𝐢𝐜𝐨𝐥 𝐑𝐢𝐜𝐞 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 na ginanap sa DA Bicol, Pili, Camarines Sur noong ika-4 ng Nobyembre 2026.

Bitbit ang mga bagong natutuhan, handa niyang ibahagi sa kapwa magsasaka ang kaalaman upang mahikayat silang subukan ang makabagong pamamaraan ng pagpapalayan.

🌾 𝐌𝐚𝐬 𝐭𝐢𝐩𝐢𝐝 𝐬𝐚 𝐚𝐛𝐨𝐧𝐨, 𝐦𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐢!Isa si 𝐉𝐞𝐬𝐮𝐬 𝐈. 𝐌𝐚𝐠𝐚𝐥𝐨𝐧𝐚, presidente ng 𝐁𝐚𝐜𝐨𝐥𝐨𝐝 𝐓𝐚𝐠𝐩𝐮𝐥𝐨 𝐍𝐞𝐢𝐠𝐡𝐛𝐨𝐫𝐡𝐨𝐨𝐝 𝐒𝐚𝐧 𝐑𝐨𝐪𝐮𝐞 𝐀...
06/11/2026

🌾 𝐌𝐚𝐬 𝐭𝐢𝐩𝐢𝐝 𝐬𝐚 𝐚𝐛𝐨𝐧𝐨, 𝐦𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐢!

Isa si 𝐉𝐞𝐬𝐮𝐬 𝐈. 𝐌𝐚𝐠𝐚𝐥𝐨𝐧𝐚, presidente ng 𝐁𝐚𝐜𝐨𝐥𝐨𝐝 𝐓𝐚𝐠𝐩𝐮𝐥𝐨 𝐍𝐞𝐢𝐠𝐡𝐛𝐨𝐫𝐡𝐨𝐨𝐝 𝐒𝐚𝐧 𝐑𝐨𝐪𝐮𝐞 𝐀𝐬𝐬𝐨𝐜𝐢𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 sa Bato, Camarines Sur, sa mga dumalo sa 𝐁𝐢𝐨𝐟𝐞𝐫𝐭𝐢𝐥𝐢𝐳𝐞𝐫 𝐚𝐧𝐝 𝐀𝐦𝐞𝐥𝐢𝐨𝐫𝐚𝐧𝐭 𝐃𝐞𝐦𝐨𝐧𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐅𝐢𝐞𝐥𝐝 𝐃𝐚𝐲 ng 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐞 (𝐃𝐀) 𝐁𝐢𝐜𝐨𝐥 𝐑𝐢𝐜𝐞 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 noong ika-4 ng Nobyembre 2026.

Aniya, sa pamamagitan ng aktibidad, nadagdagan ang kaniyang kaalaman tungkol sa makabagong teknolohiya at mga produktong maaaring makatulong upang makatipid sa gastusin at mapataas ang ani ng mga magsasaka.

Address

San Agustin
Pili
4418

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63548712040

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Department of Agriculture-Bicol posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Department of Agriculture-Bicol:

Shortcuts

Share