09/10/2026
# ⚠️ PAUNAWA! ⚠️
# ☀️ BANTAY EL NIÑO ☀️
# # 💧 MAGING HANDA! 💧
📢 **Paalala sa lahat ng mamamayan ng Polillo!**
Sa harap ng matinding init at posibleng kakulangan sa suplay ng tubig, hinihikayat ang lahat na maging handa at responsable sa paggamit ng tubig.
💧 **MGA PAALALA:**
✅ Mag-imbak ng sapat na tubig para sa pang-araw-araw na pangangailangan.
✅ Iwasan ang pag-aaksaya ng tubig.
✅ Ayusin agad ang mga tumutulong gripo at tubo.
✅ Gumamit ng tubig nang wasto at matipid.
✅ Makipagtulungan sa mga hakbang upang mapangalagaan ang suplay ng tubig.
Tandaan, **BAWAT PATAK AY MAHALAGA!** Sama-sama nating harapin ang hamon ng El Niño sa pamamagitan ng wastong paggamit at pagtitipid ng tubig.
💙 **MAGING HANDA. MAGTIPID NG TUBIG. MAGKAISA!** 💙
**POLILLO WATER DISTRICT (POLWADI)**
*Serbisyong Totoo, Tubig na Sigurado*