01/11/2026
OCTOBER 30, 2026
𝐈𝐍𝐃𝐀𝐊 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐍𝐀𝐊𝐀𝐓𝐀𝐓𝐀𝐍𝐃𝐀
Isang pagdiriwang ng talento, pagmamahal, at pagkilala sa ating mga nakatatanda!
Naging makabuluhan at masaya ang pagdiriwang ng Culminating Activity para sa Elderly Filipino Week sa Bayan ng Porac, kung saan tampok ang pagbibigay-pugay sa ating mga natatanging nakatatanda at pagpapakita ng talento ng ating mga senior citizen sa pamamagitan ng sayaw.
Isa sa mga tampok na bahagi ng programa ang pagbibigay parangal sa mga pamilya ng ating mga centenarian. Personal na dumalo si 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐉𝐚𝐢𝐦𝐞 𝐕. 𝐂𝐚𝐩𝐢𝐥 upang igawad ang pagkilala sa mga pamilya nina 𝐋𝐨𝐥𝐚 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐞𝐥𝐢𝐧𝐚 𝐘𝐮𝐬𝐢 (𝟏𝟎𝟎 𝐲𝐞𝐚𝐫𝐬 𝐨𝐥𝐝) 𝐚𝐭 𝐋𝐨𝐥𝐚 𝐓𝐞𝐨𝐟𝐢𝐥𝐚 𝐃𝐢𝐦𝐚𝐥𝐚𝐧𝐭𝐚 (𝟗𝟖 𝐲𝐞𝐚𝐫𝐬 𝐨𝐥𝐝)bilang pasasalamat sa kanilang pagmamahal, pag-aaruga, at walang sawang pag-aalaga sa kanilang mga magulang. Ang kanilang mahabang buhay ay patunay rin ng pagmamahal at dedikasyon ng isang pamilyang patuloy na nagbibigay ng kalinga sa kanilang mga nakatatanda.
Hindi rin nagpahuli ang ating mga senior citizen sa pagpapamalas ng kanilang talento at sigla sa Indak para sa mga Nakatatanda 𝐅𝐨𝐥𝐤 𝐃𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐞𝐭𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧, 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐚𝐧 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐥𝐚𝐡𝐨𝐤 𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠, 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚, 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐬𝐚 𝐤𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨.
Ang programa ito ay naging impossible sa suporta at pakikiisa ng 𝐌𝐚𝐭𝐢𝐧𝐨, 𝐌𝐚𝐡𝐮𝐬𝐚𝐲 𝐚𝐭 𝐌𝐚𝐲 𝐓𝐚𝐤𝐨𝐭 𝐬𝐚 𝐃𝐢𝐲𝐨𝐬 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐇𝐨𝐧. 𝐉𝐚𝐢𝐦𝐞 𝐕. 𝐂𝐚𝐩𝐢𝐥, 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐬𝐢 𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐇𝐨𝐧. 𝐓𝐫𝐢𝐬𝐡𝐚 𝐀𝐧𝐠𝐞𝐥𝐢𝐞 𝐆. 𝐂𝐚𝐩𝐢𝐥 𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐢𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐢𝐤𝐚-𝟏𝟐 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), at ang OSCA President, na patuloy na nagsusulong ng mga programang nagbibigay-halaga, pagkilala, at oportunidad sa ating mga nakatatanda.
Dahil sa Porac, nananatiling buhay ang talento, kultura, at diwa ng pagkakaisa ng ating mga senior citizen.
Mabuhay ang mga nakatatanda! Sila ay may halaga, may talento, at patuloy na may mahalagang ambag sa ating komunidad!