Provincial Health Office of Palawan

Call Directions Contact the organization

Provincial Health Office of Palawan Advocacy. Leadership. Community. Public Service.

𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔 𝗘𝗦𝗞𝗪𝗘𝗟𝗔 𝗙𝗔𝗤: 𝗔𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗛𝗣𝗩 𝘃𝗮𝗰𝗰𝗶𝗻𝗲?Alam ba ninyo na ang Human Papillomavirus (HPV) vaccine ay nakakatulong sa pag-i...
28/10/2026

𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔 𝗘𝗦𝗞𝗪𝗘𝗟𝗔 𝗙𝗔𝗤: 𝗔𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗛𝗣𝗩 𝘃𝗮𝗰𝗰𝗶𝗻𝗲?

Alam ba ninyo na ang Human Papillomavirus (HPV) vaccine ay nakakatulong sa pag-iwas sa ilang uri ng kanser na dulot ng HPV infection, kabilang ang cervical cancer?

Narito ang ilang mahahalagang impormasyon:

✅ Ipinakilala ang HPV vaccination sa Pilipinas bilang bahagi ng mga pagsisikap na maiwasan ang cervical cancer.
✅ Layunin nitong protektahan ang mga kwalipikadong bata laban sa mga HPV infection na maaaring magdulot ng ilang uri ng kanser.
✅ Ang pagbabakuna ay bahagi ng mas malawak na pangangalaga sa kalusugan at pag-iwas sa sakit.

Mga magulang at guardians, alamin ang mga rekomendasyon at iskedyul ng HPV vaccination sa inyong paaralan o local health center.

💉 MAGPABAKUNA NA! Proteksiyon ngayon, mas malusog na kinabukasan!

28/10/2026
Sa darating na  , dapat KERI NOT SKERI! Maging handa sa dadalhin na gamit bilang paalala sa pag-alala. ✅ Maging Handa: M...
28/10/2026

Sa darating na , dapat KERI NOT SKERI! Maging handa sa dadalhin na gamit bilang paalala sa pag-alala.

✅ Maging Handa: Magbaon ng tubig, first aid kit, at pamaypay
❌ Iwasan: Pumunta sa sementeryo nang walang dala

TANDAAN: Mag-ingat at paghandaan ang malusog at ligtas na Undas.




TINGNAN: Naging matagumpay ang isinagawang Joint 2nd Semester 2026 Provincial Implementation Team on Responsible Parenth...
27/10/2026

TINGNAN: Naging matagumpay ang isinagawang Joint 2nd Semester 2026 Provincial Implementation Team on Responsible Parenthood and Reproductive Health (PIT-RPRH) Meeting at October 2026 Provincial Health Board (PHB) Regular Monthly Meeting ngayong araw, Oktubre 27, 2026, sa Governor’s Conference Room 2A, Puerto Princesa City.

Layunin ng pagpupulong na palakasin ang koordinasyon ng mga tanggapan ng pamahalaan at mga katuwang na sektor, suriin ang pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan, at talakayin ang mahahalagang polisiya at hakbang para sa mas maayos na paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa lalawigan.

Sa pagpupulong ng PIT-RPRH, tinalakay ang mga usaping may kaugnayan sa Responsible Parenthood and Reproductive Health, kabilang ang pagsasaayos at pagtutugma ng datos sa pagitan ng Provincial Health Office (PHO), Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), at Ugat ng Kalusugan, patungkol sa RPRH. Iprinesenta rin ang RPRH updates at Strategic Framework at Plan of Action ng Population Development Plan bilang gabay sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga kaugnay na programa.

Samantala, sa regular na pagpupulong ng Provincial Health Board, tinalakay ang Executive Order para ng Provincial Health Workforce Planning Committee, Technical Working Group, at Secretariat; DOH and PGP Terms of Partnership; Tripartite MOU sa pagitan ng PGP, DOH CHD, at PhilHealth; gayundin ang Malaria Situationer at Global Fund Support in Palawan.

Ang pagpupulong ay regular na isinasagawa ng Provincial Health Board kada buwan upang talakayin ang mga usaping may kinalaman sa kalusugan ng mga Palaweño habang ang Provincial Implementation Team naman ay isasagawa kada quarter upang talakayin ang mga napapanahong isyu at magbigay solusyon patungkol sa mga usaping RPRH.

  | KAMALAYAN SA RESPONSABLENG PAGPAPAMILYA, PINALALAWAK NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN SA PAMAMAGITAN NG ‘COUPLES CONGRESS...
27/10/2026

| KAMALAYAN SA RESPONSABLENG PAGPAPAMILYA, PINALALAWAK NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN SA PAMAMAGITAN NG ‘COUPLES CONGRESS’ SA BAYAN NG RIZAL

Magkatuwang na pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Health Office (PHO) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ang ‘Couples Congress’ para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa mga barangay ng Canipaan at Culasian sa munisipyo ng Rizal kamakailan.

Layon ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mga partisipante sa responsableng pagpapamilya, maayos na kalusugan ng ina at anak, at ligtas na panganganak ng mga nanay gayundin ang papel ng mag-asawa sa pagpapanatili ng malusog at matatag na pamilya.

Nagsilbing tagapagsalita sina Gng. Jenevil Tombaga, Population Program Officer ng PSWDO, kasama ang mga kinatawan ng PHO na sina Kilusan Ligtas Malaria Program Manager Aileen Balderian, Adolescent Health Program Manager Elvie Lao, at Luzviminda Endaya. Nakipagtulungan din sa pagsasagawa ng aktibidad ang Municipal Health Office (MHO) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Rizal.

Binigyang-diin sa pagtitipon ang kahalagahan ng aktibong pakikibahagi ng mga ama sa pangangalaga sa kanilang asawa, lalo na sa panahon ng pagbubuntis at panganganak. Hinikayat din ang mga mag-asawa na tiyaking sa mga pasilidad na may sapat na serbisyong medikal manganganak ang mga buntis upang mapangalagaan ang kaligtasan ng ina at sanggol.

Sa pamamagitan ng mga ganitong programa ng Pamahalaang Panlalawigan, patuloy na isinusulong ang responsableng pagpapamilya, wastong pangangalaga sa kalusugan, at pagtutulungan ng mag-asawa upang matiyak ang kapakanan ng bawat miyembro ng pamilya at makatulong sa pagbuo ng mas malusog na komunidad bilang isa sa mga hangarin ni Gov. Amy Roa Alvarez sa ilalim ng kanyang PALAWAN + PLUS Development Agenda.

💉 𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔 𝗘𝗦𝗞𝗪𝗘𝗟𝗔 𝗙𝗔𝗤: 𝗟𝗶𝗯𝗿𝗲 𝗯𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗮𝗸𝘂𝗻𝗮?OO! 🎉 Ang mga bakunang ibinibigay sa ilalim ng mga kwalipikadong DOH immun...
27/10/2026

💉 𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔 𝗘𝗦𝗞𝗪𝗘𝗟𝗔 𝗙𝗔𝗤: 𝗟𝗶𝗯𝗿𝗲 𝗯𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗮𝗸𝘂𝗻𝗮?

OO! 🎉 Ang mga bakunang ibinibigay sa ilalim ng mga kwalipikadong DOH immunization program, kabilang ang School-Based Immunization, ay ibinibigay nang LIBRE sa mga target na benepisyaryo.

Huwag hayaang maging hadlang ang kakulangan sa kakayahang pinansyal upang malaman kung paano makakakuha ng kinakailangang proteksiyon ang inyong anak.

📌 Makipag-ugnayan sa inyong paaralan o local health center para sa detalye ng programa.
📌 Alamin ang mga bakunang available at ang mga kwalipikadong tatanggap nito.

Tandaan: Ang libreng bakuna ay mahalagang serbisyong pangkalusugan para sa proteksiyon ng ating mga anak.

💚 MAGPABAKUNA NA! Para sa mas malusog na kabataan at Healthy Palawan!

𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔 𝗘𝗦𝗞𝗪𝗘𝗟𝗔 𝗙𝗔𝗤: 𝗣𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮𝗸𝗮-𝗲𝗻𝗿𝗼𝗹𝗹 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘁𝗮?Ang bawat bata ay mahalaga! Kung ang inyong anak ay hindi naka...
26/10/2026

𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔 𝗘𝗦𝗞𝗪𝗘𝗟𝗔 𝗙𝗔𝗤: 𝗣𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮𝗸𝗮-𝗲𝗻𝗿𝗼𝗹𝗹 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘁𝗮?

Ang bawat bata ay mahalaga! Kung ang inyong anak ay hindi naka-enroll sa paaralan, makipag-ugnayan sa inyong Barangay Health Station o Rural Health Unit upang malaman ang angkop na paraan upang makatanggap ng mga bakunang inirerekomenda para sa kanyang edad.

Ang mga batang hindi pumapasok sa paaralan ay maaari pa ring mangailangan ng proteksiyon laban sa mga sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna.

📌 Kumonsulta sa inyong local health center.
📌 Dalhin ang vaccination card o anumang available na immunization record.
📌 Alamin ang iskedyul at mga serbisyong available sa inyong lugar.

Walang batang dapat mapag-iwanan sa pangangalaga sa kalusugan!

💉 MAGPABAKUNA NA! Para sa mas malusog na mga bata at komunidad.

𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔 𝗘𝗦𝗞𝗪𝗘𝗟𝗔 𝗙𝗔𝗤: 𝗣𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗴𝘂𝗹𝗮𝗻𝗴?Mga magulang at guardians, malaking tulong ang inyong pakikiisa ...
24/10/2026

𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔 𝗘𝗦𝗞𝗪𝗘𝗟𝗔 𝗙𝗔𝗤: 𝗣𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗴𝘂𝗹𝗮𝗻𝗴?

Mga magulang at guardians, malaking tulong ang inyong pakikiisa upang maging matagumpay ang School-Based Immunization Program!

Narito ang ilang mahahalagang hakbang:

✅ Dumalo sa Parent-Teacher Association (PTA) meetings o school orientations tungkol sa pagbabakuna.
✅ Pirmahan at isumite ang kinakailangang consent form matapos maunawaan ang impormasyon tungkol sa bakuna.
✅ Ipaalam sa health personnel ang mahahalagang impormasyon tungkol sa kalusugan ng inyong anak.

Sa pamamagitan ng bukas na komunikasyon at pagtutulungan, mas mapapadali ang pagbibigay ng proteksiyon sa ating mga mag-aaral.

💚 MAGPABAKUNA NA! Maging katuwang sa pangangalaga sa kalusugan ng kabataan!

ALAMIN ANG  ‘YONG OPTIONS PARA SA HIV PREVENTIONMay iba’t ibang paraan para maprotektahan ang sarili sa HIV. Karapatan m...
23/10/2026

ALAMIN ANG ‘YONG OPTIONS PARA SA HIV PREVENTION

May iba’t ibang paraan para maprotektahan ang sarili sa HIV. Karapatan mong pumili ng prevention method na swak sa para sa ‘yo.

✅Abstinence o hindi pakikipagtalik
✅Tamang paggamit ng condom at lubricant
✅Pre-exposure Prophylaxis o PrEP
Paalala ng DOH: Regular na magpa-test para malaman ang ‘yong HIV status. Normal lang ‘to!

Para sa libre at kumpidensyal na HIV services, buksan ang bit.ly/DOH-HIV-Care-Facilities para sa pinakamalapit na HIV Care Facility o YAKAP Clinic.







𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔 𝗘𝗦𝗞𝗪𝗘𝗟𝗔 𝗙𝗔𝗤: 𝗕𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝗸𝘂𝗻𝗮?Alam ba ninyo na ang pagbabakuna ay mahalagang bahagi ng pangangalaga...
23/10/2026

𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔 𝗘𝗦𝗞𝗪𝗘𝗟𝗔 𝗙𝗔𝗤: 𝗕𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝗸𝘂𝗻𝗮?

Alam ba ninyo na ang pagbabakuna ay mahalagang bahagi ng pangangalaga sa kalusugan ng ating mga anak?

Nakakatulong ang mga bakuna upang mabawasan ang panganib ng pagkakaroon ng mga sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna, gayundin ang mga malulubhang komplikasyon nito.

Ang pagpapabakuna ay hindi lamang proteksiyon para sa isang bata—bahagi rin ito ng sama-samang pagsisikap na mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga paaralan at komunidad.

📣 Mga magulang at guardians, kung may tanong tungkol sa bakuna, huwag mag-atubiling kumonsulta sa inyong health center o school health personnel.

💚 MAGPABAKUNA NA! Kalusugan ng bata, ating pangalagaan!

Address

Provincial Health Office (PHO) Building, SPS Government Center, Brgy. Bancao-Bancao
Puerto Princesa
5300

Telephone

+639810711979

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Provincial Health Office of Palawan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Provincial Health Office of Palawan:

Shortcuts

Share

Nearby government services