NK LUPON Tagapamayapa

Directions

NK LUPON Tagapamayapa NK LuponTagapamayapa •Peace • Unity •Justice • Katarungang Pambarangay Serving community with hearts 💞

27/10/2026
📋 LTIA 2026 City Level Validation — Feedbacking Session Lupon Tagapamayapa members of Barangay Nayong Kanluran actively ...
27/10/2026

📋 LTIA 2026 City Level Validation — Feedbacking Session

Lupon Tagapamayapa members of Barangay Nayong Kanluran actively participating in the virtual feedbacking on the results of the CY 2026 Lupon Tagapamayapa Incentives Awards (LTIA) City Level Validation conducted by the DILG Quezon City Field Office.

Thank you for the guidance and continuous support, DILG-QC! 🙏

11/10/2026

LEGAL BA ANG PAGLAGAY NG "NO PARKING" SIGN SA HARAP NG BAHAY MO KAHIT ITO AY PUBLIC ROAD?

HINDI. Ang paglalagay ng “NO PARKING” sign ay hindi awtomatikong nagbibigay sa kaniya ng eksklusibong karapatan sa kalsada; ang regulasyon sa paradahan ay nasa awtoridad ng lokal na pamahalaan alinsunod sa mga naaangkop na ordinansa at batas.

Legal na batayan: Section 46(h), Republic Act No. 4136, na nagbabawal sa pagparada sa mga lugar na may official signs na nagbabawal nito. Kaya kung sariling karatula lamang ito at walang pahintulot ng awtoridad, hindi ito awtomatikong opisyal o maipatutupad na pagbabawal.

11/10/2026

5 BAGAY NA HINDI PUWEDENG BASTA-BASTA GAWIN NG BARANGAY

1. Mag-isyu ng Certificate of Residency nang walang beripikasyon.
Bago magbigay ng sertipiko, kailangang tiyakin muna kung ang aplikante ay tunay na residente ng barangay.

2. Magbigay o magkait ng clearance at permit nang walang sapat na legal na batayan.
Hindi lahat ng reklamo, alitan, o transaksyon ay saklaw ng kapangyarihan ng barangay. Dapat laging may batayan sa batas ang bawat desisyon.

3. Gumawa at magpatupad ng sariling batas na lampas sa kanilang kapangyarihan.
Maaaring magpatibay ng mga ordinansa ang barangay alinsunod sa batas, pero hindi ito nangangahulugang puwede silang magpatupad ng anumang patakaran na gusto nila.

4. Maningil ng bayad nang walang legal na batayan.
Ang anumang bayarin para sa serbisyo o dokumento ay dapat naaayon sa umiiral na batas at awtorisadong ordinansa. Hindi puwedeng basta magtakda ng halaga at maningil.

5. Ilantad sa social media ang taong may reklamo o kasong kinakaharap.
Hindi porke may reklamo laban sa isang tao ay maaari nang ilathala ang kaniyang pangalan, larawan, o personal na detalye. Kailangang igalang ang privacy at karapatan ng bawat isa.

Tandaan: Ang kapangyarihan ng barangay ay may hangganan. Ang bawat desisyon at serbisyong ibinibigay nito ay dapat naaayon sa batas, makatarungan, at may pananagutan.

Barangay Secretary

11/10/2026

Address

37 Sorsogon Street
Quezon City
1104

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NK LUPON Tagapamayapa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby government services