30/10/2026
𝐐𝐂𝐓𝐀𝐂 𝐈𝐍 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 | 𝐎𝐒𝐘 𝐎𝐑𝐈𝐄𝐍𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐍 𝐒𝐊𝐈𝐋𝐋𝐒 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐃 𝐋𝐈𝐕𝐄𝐋𝐈𝐇𝐎𝐎𝐃 𝐎𝐏𝐏𝐎𝐑𝐓𝐔𝐍𝐈𝐓𝐈𝐄𝐒 📢
Patuloy ang pagbibigay ng information at learning opportunities para sa mga kabataang Quezon City sa pamamagitan ng orientation tungkol sa available livelihood programs at skills training courses na isinagawa sa Barangay Capri.
Sa pangunguna ng 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐝 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐬𝐬𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 (𝐐𝐂𝐓𝐀𝐂) with Ms. Khristine Roxas, naipakilala sa mga out-of-school youth (OSY) ang iba't ibang training programs at livelihood opportunities na maaari nilang pagpilian upang ma-develop ang kanilang skills, mapabuti ang kanilang employability, at magkaroon ng oportunidad na makapagsimula ng sustainable livelihood.
Isinagawa ang orientation in partnership with the 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐀𝐧𝐭𝐢-𝐃𝐫𝐮𝐠 𝐀𝐛𝐮𝐬𝐞 𝐀𝐝𝐯𝐢𝐬𝐨𝐫𝐲 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥 (𝐐𝐂𝐀𝐃𝐀𝐀𝐂) bilang bahagi ng kanilang patuloy na efforts na mabigyan ang mga kabataan ng knowledge at access sa mga programang makatutulong sa kanilang personal development at future opportunities.
Through initiatives like this, layunin ng 𝐐𝐂𝐓𝐀𝐂 na mas mailapit sa mga kabataan ang iba't ibang opportunities para sa skills development, employment, at livelihood.