13/11/2026
₱1.09-MILYONG DROGA NASAMSAM, 210 ARESTADO NG QCPD! 62 WANTED TIMBOG, 10 BARIL NABAWI; 5 PANG SUSPEK HULI SA HIWALAY NA OPERASYON!
QUEZON CITY — Sunod-sunod ang matagumpay na operasyon ng Quezon City Police District (QCPD) sa pamumuno ni PBGEN CHRISTOPHER F OLAZO, Acting District Director, laban sa ilegal na droga, wanted persons, ilegal na baril at pagnanakaw.
210 ARESTADO SA 7 ARAW!
Mula November 1 hanggang 7, 2026, naaresto ang 210 indibidwal, kabilang ang 72 drug suspects, 62 wanted persons, 10 suspek sa ilegal na baril at 66 sa ilegal na sugal.
Nasamsam ang ₱1.09 milyon halaga ng ilegal na droga, 10 baril at ₱32,285 na bet money.
SNATCHER NA MAY PEN GUN TIMBOG!
Noong November 8, naaresto ng Galas Police Station 11 ang isang suspek sa snatching. Nabawi ang ₱25,000 halaga ng gold necklace, isang pen gun at bala.
2 THEFT SUSPECTS ARESTADO!
Nito lamang November 9, dalawang suspek ang naaresto ng Payatas Bagong Silangan Police Station 13 kaugnay ng pagnanakaw ng mga gamit na nagkakahalaga ng ₱54,830. Ilan sa mga ninakaw na gamit ang nabawi.
₱86K POKÉMON CARDS NABAWI!
Dalawang suspek naman ang naaresto ng Eastwood Police Station 12 sa anti-fencing operation noong November 9. Nabawi ang Pokémon collectibles, habang nasamsam din ang ₱1,500 halaga ng hinihinalang ma*****na.
Binigyang-diin ni PBGEN OLAZO ang patuloy na kampanya ng QCPD laban sa kriminalidad at ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng publiko sa pulisya.
Ang mga suspek ay itinuturing na inosente hangga't hindi napapatunayang nagkasala ng hukuman.
SOURCE/COURTESY: Quezon City Police District (QCPD)