27/10/2026
Consumer Welfare Month 2026, Ipinagdiriwang sa Pangasinan Ngayong Oktubre
PANGASINAN – Isasagawa ngayong Oktubre 2026 ang iba’t ibang aktibidad ng Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan bilang bahagi ng Consumer Welfare Month (CWM) 2026, na may temang “Safe Products, Confident Consumers” o “Raising Standards for Safer Products and Stronger Consumer Confidence.”
Layunin ng selebrasyon na palakasin ang kaalaman at kumpiyansa ng mga consumer, gayundin ang pagsusulong ng mas ligtas at de-kalidad na mga produkto.
Narito ang mga nakatakdang aktibidad:
📌 Oktubre 1–31 – Hanging of CWM streamers at partner business establishments
📌 Oktubre 1–31 – Pagpapalabas ng CWM 2026 advocacy clips
📌 Oktubre 1 at 6 – Media Blitz kasama ang Radio ng Bayan, Aksyon Radyo, Yes FM at Radyo Pilipinas
📌 Oktubre 8 – Monitoring and Enforcement of Fair Trade and Industry Standards (FTIs) sa Eastern at Western parts ng Pangasinan
📌 Oktubre 10 – Consumer Fun Run, katuwang ang Pangasinan Runners Club
📌 Oktubre 11–17 – Project MDM o Maykalidad at Diskwento para sa Mamimili
Samantala, nakatakda rin ang iba pang aktibidad gaya ng:
📌 Oktubre 13 – Product Standards Conformance and Consumer Advocacy Seminar
📌 Oktubre 15 – Capacity Building for Business Establishments
📌 Oktubre 22 – Consumer and Business Education and Information Seminar
📌 Oktubre 27 – Information and Knowledge Sharing with IBP
📌 Oktubre 28 – Special Price and Supply Monitoring bilang paghahanda sa Undas 2026
📌 Oktubre 29 – Bagwis Convention cm Bagwis Awarding
Hinihikayat naman ang mga consumer at business establishments sa Pangasinan na makiisa sa mga aktibidad ngayong Consumer Welfare Month upang higit na maisulong ang ligtas na produkto, responsableng negosyo, at mas may kaalamang mamimili.