02/11/2026
𝐈𝐋𝐀𝐍 𝐏𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐒𝐀𝐍 𝐅𝐄𝐑𝐍𝐀𝐍𝐃𝐎, 𝐍𝐀𝐊𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐆𝐀𝐒 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐆𝐒𝐅!🌾
Patuloy ang distribusyon ng libreng bigas mula sa Local Government Support Fund (LGSF) sa mga barangay ng San Fernando, Romblon.
Ilan na sa mga barangay ang nakatanggap na ng tulong, habang nagpapatuloy parin ang paghahatid nito sa mga barangay na hindi pa naaabot, alinsunod sa itinakdang schedule ng distribusyon.
Sa pangunguna ni Mayor Fernando U. Marin, patuloy ang pagsisikap ng LGU San Fernando na matiyak na maiparating ang tulong sa bawat barangay at pamilyang San Fernandohanon.
Walang barangay na maiiwan sa paghahatid ng serbisyong may puso! ❤️🌾