01/06/2026
PARA SA BAYAN, PANATA SA MAMAMAYAN ๐ต๐ญ
Isinagawa ang lingguhang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa pangunguna ng Office of the Sangguniang Bayan, na pinamumunuan ng ating Pangalawang Punong Bayan Chariz Galvez-Cabande kasama ang Office of the Secretary to the Sanggunian na pinamumunuan ni G. Rowell Alberto, mga Iginagalang na mga Konsehal ng Bayan at mga kawani.
Kaalinsabay nito ang pagbibigay ng pagkilala sa ating mga kapulisan para sa mahusay nilang pagganap sa kanilang mga tungkulin.
Iginawad din ang sertipiko ng pagkilala para kay Bb. Kate Fernandez, na nagkamit ng ika-anim (top 6) na pwesto sa ginanap na 2026 Medical Technologist Licensure Examination. Patunay ito na ang kahusayan ng tubong San Ildefonso ay di padadaig kahit saan at kahit kanino man.
25/05/2026
Lingguhang Pagtataas ng Watawat ng Pilipinas ๐ต๐ญ๐๐
Muling nagkaisa ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng San Ildefonso sa isinagawang Lingguhang Pagtataas ng Watawat ng Pilipinas, na pinangunahan ng inyong lingkod, Mayor Gazo Galvez, katuwang ang mga kawani ng Office of the Municipal Health Officer sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Reginell Nuรฑez.
Sa mensahe ng punong bayan, kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng paglilingkod na may dobleng pagmamalasakit at dobleng pagmamahal para sa ating bayan at mga mamamayan.
Sa pagsisimula ng panibagong linggo, sama-sama nating ipagpatuloy ang tapat, mahusay, at makataong paglilingkod para sa mas maunlad at mas maayos na San Ildefonso.
18/05/2026
Isinagawa ang Flag Raising Ceremony na pinangunahan ng Office of the Municipal Budget Officer sa ilalim ng pamumuno ni Bb. Grace Farrales, kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan.
Kasabay rin ng nasabing aktibidad ang pormal na panunumpa ng mga bagong opisyal ng Federation of Senior Citizens of the Philippines โ San Ildefonso Chapter, bilang simbolo ng kanilang kahandaan na maglingkod at magsulong ng kapakanan ng ating mga nakatatanda sa bayan.
Patuloy po nating pahalagahan ang diwa ng pagkakaisa, paglilingkod, at pagmamahal sa bayan.
11/05/2026
PARA SA BAYAN, PARA SA MAMAMAYAN ๐๐๐ต๐ญ
Ginanap ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas na pinangunahan nina Engr. Regie Violago at ng mga kawani ng Office of the Municipal Engineer. Nakiisa rin sa mahalagang aktibidad na ito ang isa sa ating mga kasangguni, Konsehal Nongnong Bautista, kasama ang iba pang kawani ng pamahalaang bayan.
Pinangunahan naman ni PNP Chief Gilmore A. Wasin ang pagbibigay ng pagkilala at mga sertipiko sa ilan nating mga kapulisan para sa kanilang mahusay na pagganap sa kanilang mga tungkulin at pagpapanatili ng kapayapaan dito sa ating bayan.
Muling paalala po ng inyong abang lingkod, Mayor Gazo Galvez, na patuloy nating sangkapan ng dobleng pagmamahal at dobleng pagmamalasakit ang dobleng pag-aksyon sa pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan โ laloโt higit ang mga nangangailangan.
04/05/2026
Isang Linggong May Paninindigan, Panibagong Buwan ng Buong-Pusong Paglilingkod ๐ต๐ญ
Sa ginanap na lingguhang pagtataas ng watawat ng Pilipinas, pinamunuan ni Mayor Gazo Galvez, katuwang ang Office of the Municipal Social Welfare and Development Officer sa ilalim ng pamumuno ni Maโam Feliza Esguerra, muling pinaalalahanan ang lahat ng kawani ng pamahalaan sa mahalagang tungkulin na kanilang ginagampanan.
Binigyang-diin ng ating punong bayan na ang mga mamamayan ang dapat laging unahin at pahalagahan sa bawat serbisyong ating ibinibigay. Kasabay nito, tiniyak din niya na bukas ang kanyang tanggapan para sa mga kawani, handang makinig at tumugon sa kanilang mga pangangailangan.
Patuloy tayong maglingkod nang may malasakit, dedikasyon, at integridad. ๐
27/04/2026
๐๐ข๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ก๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐ญ๐๐ญ๐๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐๐ฐ๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฌ ๐ต๐ญ
Isinagawa ang lingguhang pagtataas ng watawat ng Pilipinas ng Pamahalaang Lokal bilang patuloy na pagpapakita ng ating pagmamahal sa bayan, disiplina, at pagkakaisa sa paglilingkod. Pinangunahan ito ng Office of the Municipal Civil Registrar, sa ilalim ng pamumuno ni maโam Leilani C. Bondoc, kasama ang mga kawani ng ating lokal na pamahalaan.
Kaalinsabay nito ang pagbibigay ng pagkilala kay Yanie Faiza V. Labugen, na naging kampyon sa Column Writing - Filipino Elementary Level, sa ginanap na National Schools Press Conference noong April 13-17, 2026 sa Ormoc City, Leyte. Kinararangal ka, hindi lamang ng iyong paaralan (Maasim Elementary School), kundi pati na rin ng bayan ng San Ildefonso at Lalawigan ng Bulacan.
Para po sa mga kawani, patuloy po nating sangkapan ng pagmamahal at pagmamalasakit ang panibagong linggong ito. ๐๐
20/04/2026
๐๐ข๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ก๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐ญ๐๐ญ๐๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐๐ฐ๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฌ ๐ต๐ญ
Isinagawa ang lingguhang pagtataas ng watawat ng Pilipinas ng Pamahalaang Lokal bilang patuloy na pagpapakita ng ating pagmamahal sa bayan, disiplina, at pagkakaisa sa paglilingkod. Pinangunahan ito ng SIGEA Officers, sa ilalim ng pamumuno ni G. Romnick Paolo Bautista, kasama ang mga kawani ng ating lokal na pamahalaan.
Patuloy po tayong magsama-sama tungo sa mas maunlad at maayos na pamayanan.
13/04/2026
๐๐ข๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ก๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐ญ๐๐ญ๐๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐๐ฐ๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฌ ๐ต๐ญ
Isinagawa ang lingguhang pagtataas ng watawat ng Pilipinas ng Pamahalaang Lokal bilang patuloy na pagpapakita ng ating pagmamahal sa bayan, disiplina, at pagkakaisa sa paglilingkod. Pinangunahan ito ng Office of the Municipal Planning and Development Coordinator sa ilalim ng pamumuno ni G. Henry Q. Concepcion, kasama ang mga kawani ng ating lokal na pamahalaan.
Patuloy po tayong magsama-sama tungo sa mas maunlad at maayos na pamayanan.
06/04/2026
BAGONG BUWAN AT PANIBAGONG LINGGO PARA SA IISANG TUNGKULIN: BUONG-PUSONG MAGLINGKOD!
Pinangunahan ng ating Punong Bayan Mayor Gazo Galvez ang isinagawang lingguhang pagtataas ng watawat ng Pilipinas kasama ang Office of the Municipal Human Resource and Management Officer, sa ilalim ng pamumuno ni EnP. Henry Q. Concepcion, katuwang ang mga masisipag na kawani ng ating Bahay Pamahalaan.
Kaalinsabay nito ay ginanap ang pagpaparangal at pagbibigay ng pagkilala sa ilang miyembro ng ating lokal na kapulisan sa pangunguna ni PltCol. Gilmore A. Wasin, bilang pagkilala sa kanilang mahusay at tapat na pagganap sa tungkulin para sa kapayapaan at kaayusan ng ating bayan.
Muling pinaalalahanan ng ating punong bayan ang lahat na patuloy na sangkapan ng dobleng pagmamahal at dobleng pagmamalasakit ang dobleng pag-aksiyon upang mas epektibong matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan.
30/03/2026
Isinagawa ngayong araw ang lingguhang pagtataas ng watawat sa pangunguna ng Office of the Municipal Administrator sa pamumuno ni G. Roberto Valdizno, kasama ang mga masisipag na kawani ng Bahay Pamahalaan.
Ang gawaing ito ay patunay ng patuloy na pagkakaisa, disiplina, at dedikasyon ng bawat lingkod-bayan sa pagbibigay ng tapat at mahusay na serbisyo para sa ating mamamayan.