09/11/2026
𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗞𝗔𝗗𝗔 𝗟𝗘𝗧𝗥𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗥𝗧𝗛 𝗖𝗘𝗥𝗧𝗜𝗙𝗜𝗖𝗔𝗧𝗘!
FAKE NEWS ang paniniwalang may bayad sa bawat letrang itatama sa Birth Certificate.
Alinsunod sa Republic Act No. 9048 at Republic Act No. 10172, may nakatakdang FILING FEE o bayad sa paghahain ng petisyon para sa pagwawasto ng ilang maling detalye sa birth certificate.
Narito ang mga kaukulang filing fee:
💰 ₱𝟭,𝟬𝟬𝟬 – 𝗖𝗢𝗥𝗥𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗖𝗟𝗘𝗥𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗘𝗥𝗥𝗢𝗥 Para sa mga simpleng pagkakamali tulad ng maling spelling ng pangalan o apelyido. Isang filing fee ito para sa petisyon,kahit ilang letra, HINDI ₱1,000 kada letra!
💰 ₱𝟯,𝟬𝟬𝟬 – 𝗖𝗛𝗔𝗡𝗚𝗘 𝗢𝗙 𝗙𝗜𝗥𝗦𝗧 𝗡𝗔𝗠𝗘 Para sa legal na pagpapalit ng unang pangalan alinsunod sa RA 9048.
💰 ₱𝟯,𝟬𝟬𝟬 – 𝗖𝗢𝗥𝗥𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗗𝗔𝗬 𝗔𝗡𝗗 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛 𝗢𝗙 𝗕𝗜𝗥𝗧𝗛 𝗢𝗥 𝗦𝗘𝗫 Para sa mga kwalipikadong pagkakamali sa araw o buwan ng kapanganakan at kasarian sa ilalim ng RA 10172.
❤️ 𝗠𝗔𝗬 𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗙𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗙𝗘𝗘 𝗕𝗔?
𝗢𝗢! May mga kwalipikadong indigent applicants na maaaring ma-exempt sa filing fee sa pamamagitan ng kaukulang Certification of Indigency mula sa City o Municipal Social Welfare and Development Office (CSWDO/MSWDO), alinsunod sa naaangkop na batas at mga patakaran.
📌 𝗦𝗔𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗥𝗧𝗛 𝗖𝗘𝗥𝗧𝗜𝗙𝗜𝗖𝗔𝗧𝗘?
1️⃣ Pumunta sa Local Civil Registry Office (LCRO) kung saan nakarehistro ang iyong birth certificate.
2️⃣ Kung lumipat ka na ng tirahan at hindi praktikal na bumalik sa lugar ng iyong kapanganakan, maaari kang maghain sa LCRO ng iyong kasalukuyang tirahan, alinsunod sa itinakdang proseso (out-of-town/migrant petition).
3️⃣ Maghanda ng certified copy ng birth certificate at hindi bababa sa DALAWANG (2) supporting documents na magpapatunay sa tamang impormasyon, gaya ng school records, baptismal certificate, NBI clearance, SSS/GSIS records, at iba pang kaugnay na dokumento.
⚖️ 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔: 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗠𝗔𝗟𝗜 𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗔𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗧𝗔𝗠𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗖𝗥𝗢 𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚!
Ang ilang pagbabago, gaya ng taon ng kapanganakan at mga usaping may kinalaman sa civil status o legitimacy, ay maaaring mangailangan ng judicial proceeding o proseso sa korte.
𝗧𝗮𝗻𝗱𝗮𝗮𝗻: Ang bayad ay para sa PETISYON, hindi kada letra!
Para sa tamang impormasyon at gabay, kumonsulta sa inyong Local Civil Registry Office o sa Philippine Statistics Authority (PSA).