Mari Quita Padua-Ortega

Directions Contact the organization

Mari Quita Padua-Ortega Official page of Mariquita Padua-Ortega | Napintas A Serbisyo!

03/11/2026

8:00 PM | HOLY ROSARY

Sa pagtatapos ng araw na ito, sama-sama nating ialay ang ating mga panalangin sa Mahal na Birheng Maria. Nawa'y patuloy tayong gabayan ng kanyang pananampalataya, pagmamahal, at pagpapakumbaba sa bawat hamon ng buhay.

Inaanyayahan ang bawat Juana at Juan na makiisa sa pagdarasal ng Santo Rosaryo. 🙏

Disclaimer: This post is shared for prayer, reflection, and spiritual inspiration. All rights to the respective religious images and materials belong to their rightful owners.

Bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Super El Niño CY 2026–2027, pinangunahan ko ngayong Nobyembre 3, 2026, ang Cont...
03/11/2026

Bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Super El Niño CY 2026–2027, pinangunahan ko ngayong Nobyembre 3, 2026, ang Contingency Planning Meeting kasama ang Super El Niño Task Force at mga kinatawan ng MPDO, MAO, MHO, at MDRRMO.

Tinalakay sa pulong ang mga hakbang upang matiyak ang sapat na suplay ng tubig, mapangalagaan ang agrikultura, at maiwasan ang mga panganib sa kalusugan. Kabilang dito ang pagsusumite ng datos para sa karagdagang water pumps at deep wells, gayundin ang barangay visitation sa Cacapian at Naguituban.

Ibinahagi rin ni Dr. Antonio Valdriz Jr. ng Municipal Health Office ang mga posibleng banta sa kalusugan at ang pagpapakilos sa mga Barangay Health Worker (BHW) upang palawakin ang pagbibigay ng impormasyon sa publiko.

Patuloy nating palalakasin ang koordinasyon ng bawat tanggapan at barangay. Sa maagap na pagpaplano at pagkakaisa, masisig**o nating handa ang San Juan sa mga hamong maaaring idulot ng Super El Niño.

Minsan, ang kailangan lang natin ay isang taong handang makinig, umunawa, at magpaalala na hindi natin kailangang harapi...
03/11/2026

Minsan, ang kailangan lang natin ay isang taong handang makinig, umunawa, at magpaalala na hindi natin kailangang harapin ang lahat nang mag-isa.

Ngayong Nobyembre 3, 2026, nakibahagi ako sa programang “San Juan Agtutubo, Kumusta ka?” na isinagawa sa San Juan Gymnasium upang bigyang-pansin ang kahalagahan ng mental health awareness sa hanay ng ating kabataan, lalo na sa gitna ng mga hamon ng modernong panahon, akademya, at social media.

Nakiisa rin sa aktibidad si Dr. Antonio L. Valdriz Jr. ng Municipal Health Office, kasama ang ating mga pampublikong nars sa pangunguna ni Mrs. Jocelyn Catbagan. Nagbahagi naman ng kanilang kaalaman at mahahalagang talakayan sina Ms. Prixies Rivera-Sambrano at Mr. Mark Reynante mula sa Provincial Health Office at Department of Health (DOH).

Maraming salamat sa mga g**o, organizers, at kabataang nakiisa sa mahalagang gawaing ito.

Bilang inyong lingkod, nais kong ipaalala sa bawat kabataan na hindi kahinaan ang paghingi ng tulong. Hindi kailangang laging maging matatag, at hindi kailangang sarilinin ang mga pinagdaraanan. Mahalaga ang inyong boses, nararamdaman, at kuwento.

Patuloy nating itaguyod ang isang komunidad kung saan malaya tayong makapagsasabi ng ating nararamdaman, may handang makinig, at walang maiiwan sa pagharap sa mga hamon ng buhay.

Mas masaya ang pagkatuto kapag may kasamang saya, kuwento, at tamang nutrisyon!Noong Oktubre 30, 2026, nakasama natin an...
03/11/2026

Mas masaya ang pagkatuto kapag may kasamang saya, kuwento, at tamang nutrisyon!

Noong Oktubre 30, 2026, nakasama natin ang mga mag-aaral ng Cabaroan Elementary School sa paglulunsad ng programang “The Adventures of KalaGirl & KalaBoy,” na naglalayong itaguyod ang wastong nutrisyon sa pamamagitan ng makabuluhan at masasayang aktibidad para sa ating mga kabataan.

Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lokal ng San Juan, Department of Agriculture - Philippine Carabao Center (DA-PCC), at Department of Education (DepEd) Region I, naging bahagi ng programa ang pamamahagi ng sariwang gatas upang hikayatin ang mga bata na magkaroon ng masustansiya at malusog na pang-araw-araw na pamumuhay.

Nakiisa rin sa aktibidad ang mga kinatawan ng DepEd sa pangunguna nina Regional Director Dr. Estela Leon-Cariño, Schools Division Superintendent Jorge M. Reinante, at PSDS Dr. Anacleta A. Eslava; gayundin ang DA-PCC sa pangunguna nina Ms. Vilma C. Gagni at Mr. Don Miguel Capariño. Mainit din tayong tinanggap ni School Head Mrs. Marlyn E. Marzo, kasama ang mga g**o at magulang.

Lalong naging makulay ang programa sa pamamagitan ng storytelling, ceremonial milk toast, interactive games, at iba pang gawaing naghatid ng ngiti at saya sa mga mag-aaral.

Naniniwala tayo na ang malusog na pangangatawan at wastong nutrisyon ay mahalagang pundasyon ng magandang kinabukasan. Kaya naman, patuloy ang ating Pamahalaang Lokal, katuwang sina Vice Mayor Arturo P. Valdriz at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, sa pagsuporta sa mga programang nagbibigay-halaga sa kalusugan, edukasyon, at kapakanan ng bawat batang San Juaneño.

Dahil ang bawat batang malusog, masigla, at may sapat na kaalaman ay isang hakbang tungo sa mas magandang kinabukasan ng ating bayan!

Isang karangalan at kagalakan na makasama ang ating mga lolo at lola sa pagdiriwang ng pagtatapos ng Elderly Filipino We...
03/11/2026

Isang karangalan at kagalakan na makasama ang ating mga lolo at lola sa pagdiriwang ng pagtatapos ng Elderly Filipino Week na ginanap sa San Juan Gymnasium nitong Oktubre 30, 2026.

Kasama sina Vice Mayor Arturo P. Valdriz, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at MSWDO Officer Ms. Maricel Caleja, sama-sama nating ipinakita ang pagkilala at pagpapahalaga sa ating mga senior citizen na patuloy na nagiging bahagi ng pag-unlad ng ating bayan.

Nakakatuwang makita ang kanilang aktibong pakikilahok sa awareness forum, gayundin ang kanilang sigla at talento sa mga paligsahang Hataw, Galaw, Indak at Birit. Patunay lamang na ang edad ay hindi hadlang upang patuloy na matuto, makilahok at magsaya sa buhay.

Sa ating mga nakatatandang kailian, hindi lamang sa isang linggong selebrasyon nararapat ibigay ang ating pagkilala. Kayo ay mahalagang bahagi ng ating komunidad, at karapat-dapat lamang na inyong matanggap ang serbisyong may malasakit, paggalang at pagpapahalaga.

Patuloy tayong magsusulong ng mga programang magtataguyod sa inyong kalusugan, karapatan at kapakanan.

𝗡𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗠𝗔𝗟𝗜𝗟𝗜𝗠𝗨𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗜𝗥𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚! 🌊Isang napakasayang pagtatapos ng La Union Surfing Break...
02/11/2026

𝗡𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗠𝗔𝗟𝗜𝗟𝗜𝗠𝗨𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗜𝗥𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚! 🌊

Isang napakasayang pagtatapos ng La Union Surfing Break 2026 – San Juan Leg! Mula sa saya ng ating mga aktibidad hanggang sa hindi malilimutang pagtatanghal ng Join the Club sa Kahuna Beachfront noong Nobyembre 1, tunay na naging makulay at puno ng enerhiya ang ating huling gabi!

Taos-puso akong nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagdiriwang na ito. Maraming salamat sa ating mga opisyal na katuwang at sponsors, sa Pamahalaang Panlalawigan ng La Union sa pangunguna ni Governor Mario Ortega, kay Vice Mayor Arturo P. Valdriz, sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan, sa Municipal Tourism Office, at sa lahat ng kawani at indibidwal na naglaan ng kanilang oras at pagsisikap upang maging matagumpay ang ating programa.

Higit sa lahat, maraming salamat sa bawat everyJUAN at everyJuana na nakiisa, nakisaya, at patuloy na sumuporta sa ating mga gawain. Kayo ang nagbibigay-buhay at tunay na kahulugan sa bawat pagdiriwang ng ating bayan.

Muli nating pinatunayan na sa pagkakaisa at pagtutulungan, nakakalikha tayo ng mga karanasang hindi madaling malilimutan.

Hanggang sa susunod na taon, mga kailian! Sea you at LUSB 2027!

𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬: Be informed that in view of the observance of All Saints' Day and All Souls' Day, and to ensure orderly...
02/11/2026

𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬: Be informed that in view of the observance of All Saints' Day and All Souls' Day, and to ensure orderly government operations and continuous delivery of public service, the Local Government Unit of San Juan, La Union will implement an adjusted work schedule.

New Office Hours Schedule:
Effective Date: Starting November 3, 2026 (Tuesday) onwards
Days and hours of Operation: Monday to Thursday (7:00 AM – 6:00 PM)

Exempted Essential Services:

The following offices remain exempted from the compressed workweek arrangement and will continue full operations under their required schedules to ensure uninterrupted public service:

Municipal Health Office (MHO)
Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)
Environmental & Garbage Collection Services
Public Cemetery Operations
Slaughterhouse Operations
Security Personnel
Utility Services

Please be guided accordingly.



𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬: Be informed that in view of the observance of All Saints' Day and All Souls' Day, and to ensure orderly government operations and continuous delivery of public service, the Local Government Unit of San Juan, La Union will implement an adjusted work schedule.

New Office Hours Schedule:
Effective Date: Starting November 3, 2026 (Tuesday) onwards
Days and hours of Operation: Monday to Thursday (7:00 AM – 6:00 PM)

Exempted Essential Services:

The following offices remain exempted from the compressed workweek arrangement and will continue full operations under their required schedules to ensure uninterrupted public service:

Municipal Health Office (MHO)
Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)
Environmental & Garbage Collection Services
Public Cemetery Operations
Slaughterhouse Operations
Security Personnel
Utility Services

Please be guided accordingly. Be informed that in view of the observance of All Saints' Day and All Souls' Day, and to ensure orderly government operations and continuous delivery of public service, the Local Government Unit of San Juan, La Union will implement an adjusted work schedule.

New Office Hours Schedule:
Effective Date: Starting November 3, 2026 (Tuesday) onwards
Days and hours of Operation: Monday to Thursday (7:00 AM – 6:00 PM)

Exempted Essential Services:

The following offices remain exempted from the compressed workweek arrangement and will continue full operations under their required schedules to ensure uninterrupted public service:

Municipal Health Office (MHO)
Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)
Environmental & Garbage Collection Services
Public Cemetery Operations
Slaughterhouse Operations
Security Personnel
Utility Services

Please be guided accordingly.



02/11/2026

3:00 PM | HOLY ROSARY

Ngayong Nobyembre 2, All Souls’ Day, sama-sama nating alalahanin at ipanalangin ang mga kaluluwa ng ating mga mahal sa buhay na pumanaw na. Nawa’y pagkalooban sila ng Panginoon ng walang hanggang kapahingahan at liwanag na walang hanggan.

🙏 Eternal rest grant unto them, O Lord, and let perpetual light shine upon them. May they rest in peace. Amen.

Disclaimer: This post is shared for prayer, reflection, and spiritual inspiration. May we continue to remember our departed loved ones in our prayers.

Talaga namang napa-throwback tayo sa mga kantang minsan nating kinanta, pinakinggan, at naging soundtrack ng ating mga a...
02/11/2026

Talaga namang napa-throwback tayo sa mga kantang minsan nating kinanta, pinakinggan, at naging soundtrack ng ating mga alaala! ❤️

Sobrang saya ng gabi kasama ang OPM band na HALE na naghatid ng nostalgia, good vibes, at walang tigil na energy sa Monaliza Surf Resort noong October 31, bilang bahagi ng San Juan Surfing Break 2026!

Iba talaga ang hatak ng OPM classics! From the first song hanggang sa huling tugtugin, ramdam ang saya at excitement ng bawat isa.

Salamat, HALE, at sa lahat ng nakisabay sa musika!

What a night to remember! Masayang-masaya akong masaksihan ang talento, husay, at passion ng ating mga local surfers, ch...
02/11/2026

What a night to remember! Masayang-masaya akong masaksihan ang talento, husay, at passion ng ating mga local surfers, champions, at artists sa awarding ceremony ng San Juan Surfing Break 2026 noong October 31!

Hindi lang ito tungkol sa mga tropeo at pagkapanalo. Ito ay selebrasyon ng ating kultura, talento, at pagkakaisa bilang isang komunidad. From the waves to the stage, tunay na ipinakita ng bawat isa kung bakit San Juan ang Surfing Capital of the North!

Congratulations sa lahat ng winners! You all made this year's Surfing Break extra special. Keep riding the waves, chasing your dreams, and making San Juan proud!

Address

San Juan
2514

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mari Quita Padua-Ortega posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Mari Quita Padua-Ortega:

Shortcuts

Share

Category

Nearby government services