06/11/2026
𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗘𝗢, 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 ₱𝟭𝟬𝟬𝗞 𝗣𝗢𝗡𝗗𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚-𝗢𝗣𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔
SANTIAGO CITY- Pinahusay ng Barangay Bacarreña sa San Mateo, Isabela ang operasyon ng kanilang tanggapan matapos makabili ng printer, laptop, at projector na nagkakahalaga ng ₱100,000 sa ilalim ng Bawat Barangay Makikinabang (BBM) Program ng Tanggapan ng Pangulo.
Ayon kay Barangay Captain Ronald Cabacungan Sr., malaking tulong ang mga bagong kagamitan upang mapabilis ang pagproseso ng mga dokumento, sertipiko, at ulat, gayundin ang pang-araw-araw na serbisyo sa mga residente.
Magagamit din ang mga ito sa mga pagpupulong, seminar, pagsasanay, at iba pang aktibidad ng barangay.
Layunin ng proyekto na gawing mas mabilis, maayos, at episyente ang operasyon at paghahatid ng serbisyo ng barangay sa kanilang mga nasasakupan.
Para sa iba pang update at balita, i-follow ang aming page na XFM Santiago
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng Yes2Health Incorporated Products: