Barangay Gulod Malaya, San Mateo, Rizal Official

Call Directions Contact the organization

Barangay Gulod Malaya, San Mateo, Rizal Official Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Gulod Malaya, San Mateo, Rizal Official, Public & Government Service, St. Luke Street, Marvi Hills Subdivision, Gulod Malaya, San Mateo.

Ito ang opisyal na page ng Pamahalaang Barangay ng Gulod Malaya sa Bayan ng San Mateo, Rizal

Magsadya po sa ating Barangay Hall para sa mga pormal na reklamo.

03/11/2026

Tunghayan ang Flag Raising Ceremony ng Barangay Gulod Malaya, San Mateo, Rizal Official sa pangunguna ni Punong Barangay Rainier Ray Mercado, Sangguniang Barangay at mga kawani.

Maligayang pagdating at Mabuhay sa mga pinuno at delegado ng daigdig para sa ASEAN Summit 2026!



❤️GulodMalaya

#ɢᴜʟᴏᴅᴍᴀʟᴀʏᴀᴘɪᴏ

03/11/2026

Tunghayan ang Flag Raising Ceremony ng Barangay Gulod Malaya, San Mateo, Rizal sa pangunguna ni Punong Barangay Rainier Ray Mercado

03/11/2026

Tunghayan ang Flag Raising Ceremony ng Barangay Gulod Malaya, San Mateo, Rizal sa pangunguna ni Punong Barangay Rainier Ray Mercado

PABATID | Senior Citizens’ Birthday Cash Gift Distribution Schedule for September and October 2026 birthday celebrants B...
02/11/2026

PABATID | Senior Citizens’ Birthday Cash Gift Distribution Schedule for September and October 2026 birthday celebrants Barangay Gulod Malaya, San Mateo, Rizal

Sa pagtutulungan ng ating Tanggapan ng Punongbayan, San Mateo, Rizal- Municipal Social Welfare and Development Office, Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), at San Mateo Federation of Senior Citizen Affairs (SMFOSCA), magkakaroon ng pamamahagi ng birthday cash gift para sa mga kababayan nating senior citizens. Kasama na rin dito ang mga karagdagan at may "unclaimed" na birthday celebrants mula ENERO hanggang AGOSTO 2026.

Narito ang mga dokumentong kailangang dalhin upang makatanggap ng cash gift:

𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿 𝗰𝗶𝘁𝗶𝘇𝗲𝗻 (𝗯𝗲𝗻𝗲𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗿𝘆𝗼) 𝗻𝗮 𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗸𝘂𝗸𝘂𝗵𝗮:
- Original at photocopy ng Senior Citizens ID Card (harap at likod) na may tatlong (3) specimen signature o thumbmark ng senior citizen (benepisyaryo)
*Magkapareho dapat ang tatlong specimen signature sa pirmang nasa mismong Senior Citizens ID Card.

𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗮𝘂𝘁𝗵𝗼𝗿𝗶𝘇𝗲𝗱 𝗿𝗲𝗽𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 (anak/asawa/guardian ng senior citizen):
- Original at photocopy ng Senior Citizens ID Card (harap at likod) na may tatlong (3) specimen signature o thumbmark ng senior citizen (benepisyaryo)
*Magkapareho dapat ang tatlong specimen signature sa pirmang nasa mismong Senior Citizens ID Card.
- Original at photocopy ng valid ID ng authorized representative
- Authorization letter na may pirma o thumbmark ng senior citizen (benepisyaryo)

Para sa schedule ng pamamahagi ng cash gift, tingnan lamang ang larawan sa ibaba.

Dito sa San Mateo, serbisyong panlahat, sinisikap iabot sa lahat!


ANUNSIYO TRAPIKO | Undas 2026 Traffic SchemePansamantalang ipapatupad ang ONE-WAY TRAFFIC SCHEME simula 𝗶𝗸𝗮-𝟯𝟬 𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿...
29/10/2026

ANUNSIYO TRAPIKO | Undas 2026 Traffic Scheme

Pansamantalang ipapatupad ang ONE-WAY TRAFFIC SCHEME simula 𝗶𝗸𝗮-𝟯𝟬 𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗸𝗮-𝟮 𝗻𝗴 𝗡𝗼𝗯𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟮𝟬𝟮𝟲 sa mga sumusunod na kalsada:

1. Miguel Cristi St. (Paraiso St.), mula Gen. Luna Ave. hanggang Paraiso Entrance Gate sa Brgy. Ampid II.
*Sa mga manggagaling sa Gen. Luna Ave.- Ampid II at patungong Paraiso, dumaan sa pinaka kanang lane (rightmost lane).

2. Daang Bakal Rd. mula Miguel Cristi St. hanggang JFD Rd. sa Brgy. Ampid I.

Para sa kaligtasan ng lahat, magdahan-dahan sa inyong pagdaan sa mga nabanggit na kalsada at magbigay daan sa mga pedestrian na patungo sa mga sementeryo.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa.



PABATID | SOLO PARENT ORIENTATIONPara po sa mga nagnanais mag-apply sa SOLO PARENT ID sa ating bayan ng San Mateo, Rizal...
21/10/2026

PABATID | SOLO PARENT ORIENTATION

Para po sa mga nagnanais mag-apply sa SOLO PARENT ID sa ating bayan ng San Mateo, Rizal na wala pang CERTIFICATE OF ORIENTATION, mangyari pong dumalo kayo sa gaganaping orientation. Narito po ang mga detalye.

Who: NEW / RENEW SOLO PARENT (Wala pang Orientation)
What: SOLO PARENT ORIENTATION
When: SUNDAY, OCTOBER 25, 2026 ~ 2:00PM
Where: Barangay Gulod Malaya, Session Hall

Maaari din po kayong makipag ugnayan sa Presidente ng Solo Parent ng ating barangay na si Bb. Aurora Salamera o kay Bb. Gina Alcantara.



❤️GulodMalaya

#ɢᴜʟᴏᴅᴍᴀʟᴀʏᴀᴘɪᴏ

𝐇𝐀𝐏𝐏𝐄𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐎𝐖 | Ika-20 na Regular na Session sa taong 2026Ngayong ika-21 ng Oktubre 2026, sa pangunguna ng ating Punong ...
21/10/2026

𝐇𝐀𝐏𝐏𝐄𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐎𝐖 | Ika-20 na Regular na Session sa taong 2026

Ngayong ika-21 ng Oktubre 2026, sa pangunguna ng ating Punong Barangay Rainier Ray Mercado at mga miyembro ng Sangguniang Barangay na kinabibilangan nina 𝖪𝖺𝗀𝖺𝗐𝖺𝖽 Joel Perez, Kagawad Glenn Lacerna, Kagawad Jhon Doromal, Kagawad Rother Canamo, Kagawad Lisa Abad, Kagawad Josef Roland BalbidoOj Lab, Kagawad Crisalde de Claro, SK Chairperson Megumi Donor at Barangay Secretary Rina Tiamzon De Leon, naganap ang unang regular na session para sa buwan ng Oktubre sa Pamahalaang Barangay ng Gulod Malaya, San Mateo, Rizal.

Ilan sa mga napag-usapan ay ang mga ordinasa na nauukol sa ating nasasakupan at mga aktibidad na naganap at gaganapin sa mga darating na buwan.



❤️GulodMalaya

#ɢᴜʟᴏᴅᴍᴀʟᴀʏᴀᴘɪᴏ

ANUNSIYO TRAPIKO | Manila Water Sewer Project sa Gen. Luna cor. JFD Rd., Brgy. Ampid IMagkakaroon ng PARTIAL ROAD CLOSUR...
20/10/2026

ANUNSIYO TRAPIKO | Manila Water Sewer Project sa Gen. Luna cor. JFD Rd., Brgy. Ampid I

Magkakaroon ng PARTIAL ROAD CLOSURE sa intersection ng Gen. Luna Ave. at ng JFD Rd. sa Brgy. Ampid I simula bukas, ika-21 ng Oktubre, hanggang ika-24 ng Oktubre 2026. Ito ay upang bigyang daan ang isasagawang final restoration works ng Manila Water Sewer Project.

Isang road lane pa-Montalban ang isasara sa kasagsagan ng nabanggit na pagawain sa kalsada. Para sa mga sasakyang patungong Montalban, maaaring gamitin ang 3rd lane o ang counterflow lane.

Karagdagang mga DPOS traffic enforcers ang iiistasyon sa naturang lugar para sa pag-alalay sa mga motorista at mga pedestrian.

Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko. Maraming salamat sa inyong pag-unawa.



Address

St. Luke Street, Marvi Hills Subdivision, Gulod Malaya
San Mateo
1850

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63285594382

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Gulod Malaya, San Mateo, Rizal Official posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Gulod Malaya, San Mateo, Rizal Official:

Shortcuts

Share

Nearby government services