Barangay Ampid 1 Public Information Office

Directions

Barangay Ampid 1 Public Information Office AMPID UNO PUBLIC INFORMATION OFFICE
THIS IS THE OFFICIAL PAGE OF BARANGAY AMPID I

𝗜𝗡 𝗣𝗛𝗢𝗧𝗢𝗦 | 𝗧𝗥𝗘𝗘 𝗧𝗥𝗜𝗠𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗡𝗜𝗧𝗔 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗢𝗨𝗡𝗗Matagumpay na isinagawa ng mga kawani ng ating Pamahalaang Barangay...
12/11/2026

𝗜𝗡 𝗣𝗛𝗢𝗧𝗢𝗦 | 𝗧𝗥𝗘𝗘 𝗧𝗥𝗜𝗠𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗡𝗜𝗧𝗔 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗢𝗨𝗡𝗗

Matagumpay na isinagawa ng mga kawani ng ating Pamahalaang Barangay ang Tree Trimming Operation sa Anita Compound ngayong araw bilang bahagi ng patuloy na pagpapanatili ng maayos na kapaligiran at pag-iwas sa mga posibleng panganib na dulot ng mga sanga ng punongkahoy.

Ang nasabing operasyon ay alinsunod sa direktiba ng ating butihing Punong Barangay, Kapitan Elmer Buensuceso Manahan, na patuloy na nagtataguyod ng mga gawaing naglalayong mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at kaligtasan sa bawat pamayanan ng Barangay Ampid Uno.

Taos-puso rin ang ating pasasalamat sa Anita Compound Homeowners Association (HOA) sa kanilang pakikiisa, kooperasyon, at suporta sa pagsasakatuparan ng nasabing aktibidad.

Patuloy ang ating pagkilos tungo sa isang malinis, ligtas, at maayos na pamayanan para sa bawat mamamayan.

Serbisyong may malasakit, para sa bawat pamilyang Ampideño!

Pagsasaayos ng nasirang linya ng kuryente sa San Jose De Ampid Parish sa Rafaela 2 katuwang ang ating Pamahalaang Barang...
11/11/2026

Pagsasaayos ng nasirang linya ng kuryente sa San Jose De Ampid Parish sa Rafaela 2 katuwang ang ating Pamahalaang Barangay sa pangunguna ng ating Kapitan Elmer Buensuceso Manahan at Engineering Department ng Pamahalaang Bayan ng San Mateo.

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | 𝗧𝗥𝗘𝗘 𝗧𝗥𝗜𝗠𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗢𝗡𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢 𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔𝗚𝗘Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang Tree Trimming Operation ng...
10/11/2026

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | 𝗧𝗥𝗘𝗘 𝗧𝗥𝗜𝗠𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗢𝗡𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢 𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔𝗚𝗘

Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang Tree Trimming Operation ng Pamahalaang Barangay ng Ampid Uno sa Moncarlo Village bilang bahagi ng ating patuloy na pagsisikap na mapanatili ang kaligtasan, kaayusan, at kalinisan sa ating nasasakupan.

Layunin ng nasabing operasyon na tanggalin at putulin ang mga sanga ng punongkahoy na maaaring magdulot ng panganib sa mga residente, motorista, at mga dumaraan, gayundin upang maiwasan ang mga posibleng aksidente, lalo na sa panahon ng malakas na hangin at pag-ulan.

Ang gawaing ito ay bahagi ng patuloy na pagsusulong ng ating pamahalaang barangay, sa ilalim ng pamumuno ng ating masipag at masigasig na Punong Barangay Kapitan Elmer Buensuceso Manahan, na tiyakin ang isang ligtas, maayos, at maaliwalas na kapaligiran para sa bawat mamamayan.

Patuloy ang ating paninindigan na maghatid ng mga serbisyong nakatuon sa kapakanan at kaligtasan ng buong komunidad.

Serbisyong may malasakit, para sa ligtas at maunlad na Barangay Ampid Uno!

𝗜𝗡 𝗣𝗛𝗢𝗧𝗢𝗦 | 𝟲𝟵𝗧𝗛 𝗥𝗘𝗚𝗨𝗟𝗔𝗥 𝗦𝗘𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬Kasalukuyang isinasagawa ang ika-69 na Regular Session ng ...
09/11/2026

𝗜𝗡 𝗣𝗛𝗢𝗧𝗢𝗦 | 𝟲𝟵𝗧𝗛 𝗥𝗘𝗚𝗨𝗟𝗔𝗥 𝗦𝗘𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬

Kasalukuyang isinasagawa ang ika-69 na Regular Session ng Sangguniang Barangay ng Ampid Uno, na pinangungunahan ng ating kagalang-galang na Punong Barangay, Kapitan Elmer Buensuceso Manahan, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay.

Layunin ng regular na pagpupulong na ito na talakayin at suriin ang mahahalagang usaping may kaugnayan sa pangangasiwa ng barangay, mga programa, proyekto, ordinansa, resolusyon, at iba pang bagay na makatutulong sa patuloy na pagpapaunlad ng ating pamayanan.

Sa pamamagitan ng sama-samang talakayan at maayos na pagpapasya, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Barangay ang mahusay, responsable, at tapat na paglilingkod para sa kapakanan ng bawat mamamayan ng Barangay Ampid Uno.

Tapat na paglilingkod, maayos na pamamahala, at patuloy na pag-unlad para sa bawat mamamayan!

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | 𝗙𝗟𝗔𝗚 𝗥𝗔𝗜𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗥𝗘𝗠𝗢𝗡𝗬 𝗡𝗢𝗩𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥 𝟬𝟵, 𝟮𝟬𝟮𝟲Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang regular na Flag Raising Ceremo...
09/11/2026

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | 𝗙𝗟𝗔𝗚 𝗥𝗔𝗜𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗥𝗘𝗠𝗢𝗡𝗬 𝗡𝗢𝗩𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥 𝟬𝟵, 𝟮𝟬𝟮𝟲

Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang regular na Flag Raising Ceremony sa Barangay Ampid I Covered Court, na pinangunahan ng Secretariat Department ng Pamahalaang Barangay ng Ampid Uno.

Dinaluhan ang nasabing seremonya ng mga kawani ng barangay at ng mga kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Barangay bilang pagpapakita ng pagkakaisa, disiplina, at patuloy na pagpapahalaga sa mga pambansang simbolo at diwa ng paglilingkod-bayan.

Ang ganitong pagtitipon ay nagsisilbing paalala sa bawat kawani at lingkod-bayan na isabuhay ang mga pagpapahalagang makabayan, panatilihin ang integridad sa paglilingkod, at patuloy na gampanan ang kani-kanilang tungkulin nang may dedikasyon at pananagutan para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Barangay ng Ampid Uno, sa pamumuno ni Punong Barangay Kapitan Elmer Buensuceso Manahan, kasama ang Sangguniang Barangay, ang pagkakaisa at kahusayan sa paglilingkod sa buong pamayanan.

Buong-pagmamalaki at kagalakan na ipinapaabot ng Pamahalaang Barangay ng Ampid Uno ang taos-pusong pagbati kay MJ Medest...
06/11/2026

Buong-pagmamalaki at kagalakan na ipinapaabot ng Pamahalaang Barangay ng Ampid Uno ang taos-pusong pagbati kay MJ Medestomas, na itinanghal bilang Ms. SMMC 2026 sa katatapos lamang na Mr. and Ms. SMMC 2026.

Ang pagkilalang ito ay patunay ng iyong angking kagandahan, talento, kumpiyansa, at husay na naging daan upang makamit ang natatanging karangalang ito. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang higit mo pang paunlarin ang iyong kakayahan at ipagpatuloy ang pag-abot sa mas matataas na pangarap.

Ang tagumpay na ito ay isang karangalang hindi lamang para sa iyo kundi maging sa ating buong pamayanan.

Muli, binabati ka ng ating Pamahalaang Barangay sa ilalim ng pamumuno ni Kgg. Elmer Buensuceso Manahan, Punong Barangay, kasama ang buong Sangguniang Barangay.

Mabuhay ka, MJ Medestomas! Ipinagmamalaki ka ng Barangay Ampid Uno!

ANUNSIYO TRAPIKO | Steel bridge repair along Daang Bakal Rd., Brgy. Ampid I and IIPansamantalang magkakaroon ng ONE-LANE...
06/11/2026

ANUNSIYO TRAPIKO | Steel bridge repair along Daang Bakal Rd., Brgy. Ampid I and II
Pansamantalang magkakaroon ng ONE-LANE ROAD CLOSURE at STOP-AND-GO TRAFFIC SCHEME sa kahabaan ng Daang Bakal Rd. bandang Brgy. Ampid I at II upang magbigay-daan sa isasagawang road surface repair sa tulay dito.
Isasagawa ang repair works sa naturang lugar hanggang ika-20 ng Nobyembre 2026, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Para sa kaligtasan ng lahat, inaabisuhan ang mga motorista na magdahan-dahan sa pagmamaneho at bigyang daan ang mga pedestrian at mga manggagawa.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.

𝗜𝗡 𝗣𝗛𝗢𝗧𝗢𝗦 | 𝟰𝗧𝗛 𝗤𝗨𝗔𝗥𝗧𝗘𝗥 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗧𝗔𝗡𝗘𝗢𝗨𝗦 𝗘𝗔𝗥𝗧𝗛𝗤𝗨𝗔𝗞𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗟𝗟Matagumpay na isinagawa ang 4th Quarter National Simultane...
05/11/2026

𝗜𝗡 𝗣𝗛𝗢𝗧𝗢𝗦 | 𝟰𝗧𝗛 𝗤𝗨𝗔𝗥𝗧𝗘𝗥 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗧𝗔𝗡𝗘𝗢𝗨𝗦 𝗘𝗔𝗥𝗧𝗛𝗤𝗨𝗔𝗞𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗟𝗟

Matagumpay na isinagawa ang 4th Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa Ampid I Elementary School, sa pangunguna ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO) ng ating Pamahalaang Barangay na pinamumunuan ng ating BDRRMO Chief Nanding Jaime.

Nakiisa rin sa nasabing aktibidad si Kagawad Reynaldo Dumol, Chief of Staff Cecilio Ebuenga, at ang Rescue unit ng ating Pamahalaang Barangay

Layunin ng naturang aktibidad na higit pang mapalawak ang kaalaman at kahandaan ng mga mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan sa wastong pagtugon sa oras ng lindol at iba pang kalamidad. Sa pamamagitan ng mga ganitong pagsasanay, naisasapuso ang mahahalagang hakbang tulad ng “Duck, Cover, and Hold,” maayos na paglikas, at pagsunod sa mga itinakdang protokol pangkaligtasan upang mabawasan ang panganib at maiwasan ang pagkawala ng buhay sakaling magkaroon ng aktuwal na lindol.

Patuloy na isinusulong ng ating Pamahalaang Barangay ang mga programang naglalayong palakasin ang kahandaan at kamalayan ng bawat mamamayan, sapagkat ang pagiging handa ay isang mahalagang hakbang tungo sa isang ligtas at matatag na pamayanan.

Taos-puso rin ang ating pasasalamat sa Ampid I Elementary School sa kanilang walang sawang suporta, pakikiisa, at kooperasyon sa mga programang pangkaligtasan ng ating barangay. Ang inyong patuloy na pakikipagtulungan ay malaking bahagi ng ating sama-samang pagsisikap na makabuo ng isang komunidad na laging handa sa anumang sakuna.

BUKAS NA ANG FOURTH QUARTER NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL (NSED)!Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Fourth ...
04/11/2026

BUKAS NA ANG FOURTH QUARTER NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL (NSED)!
Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Fourth Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa Nobyembre 5, 2026, sa ganap na alas-9:00 ng umaga upang matutuhan ang mga tamang hakbang sa oras ng lindol.

𝗜𝗡 𝗣𝗛𝗢𝗧𝗢𝗦 | 𝗙𝗟𝗔𝗚 𝗥𝗔𝗜𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗥𝗘𝗠𝗢𝗡𝗬 𝗡𝗢𝗩𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥 𝟬𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟲Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang Flag Raising Ceremony sa Amp...
03/11/2026

𝗜𝗡 𝗣𝗛𝗢𝗧𝗢𝗦 | 𝗙𝗟𝗔𝗚 𝗥𝗔𝗜𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗥𝗘𝗠𝗢𝗡𝗬 𝗡𝗢𝗩𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥 𝟬𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟲

Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang Flag Raising Ceremony sa Ampid I Covered Court, na pinangunahan ng Sangguniang Barangay ng Ampid Uno sa pangunguna ng ating Punong Barangay, Kgg. Kapitan Elmer Buensuceso Manahan, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay.

Nakiisa rin sa nasabing programa ang Sangguniang Bayan ng San Mateo, Rizal, sa pangunguna ni Kgg. Pangalawang Punong Bayan (Vice Mayor) Jimmy Roxas, kasama ang mga konsehal at iba pang mga kinatawan ng pamahalaang bayan.

Ang sama-samang pakikilahok na ito ay sumasalamin sa pagkakaisa, pagtutulungan, at matibay na ugnayan ng pamahalaang barangay at pamahalaang bayan sa pagsusulong ng tapat at mahusay na paglilingkod sa mamamayan.

Patuloy nating isabuhay ang diwa ng pagmamahal sa bayan, disiplina, pagkakaisa, at paglilingkod sa ating komunidad.

Mabuhay ang Barangay Ampid Uno! Mabuhay ang Bayan ng San Mateo!

Address

#59 JFD Avenue Former Delos Santos St. Barangay Ampid I
San Mateo
1850

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Ampid 1 Public Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby government services