Mdrrmo San Nicolas,Batangas

Directions

Mdrrmo San Nicolas,Batangas Public Advisory

Batay sa 6-hour rainfall forecast, ang Bayan ng San Nicolas ay may inaasahang pag-ulan na may average na 2.80 mm sa 18 b...
30/10/2026

Batay sa 6-hour rainfall forecast, ang Bayan ng San Nicolas ay may inaasahang pag-ulan na may average na 2.80 mm sa 18 barangay, na kabilang sa kategoryang Moderate Rain. Ipinapakita nito na maaaring makaranas ng katamtamang pag-ulan ang bayan sa susunod na anim na oras. Patuloy na pinapayuhan ang mga barangay na magmonitor sa posibleng pagbaha at iba pang epekto ng pag-ulan.

Batay sa Site Analysis Dashboard, ang kasalukuyang kondisyon ng panahon sa San Nicolas ay nagpapakita ng bahagyang maula...
30/10/2026

Batay sa Site Analysis Dashboard, ang kasalukuyang kondisyon ng panahon sa San Nicolas ay nagpapakita ng bahagyang maulap, mainit at maalinsangang kapaligiran. Naitala ang temperaturang 27.20°C, humidity na 80%, at heat index na 31°C. Wala namang naitalang pag-ulan (0.00 mm) sa oras ng monitoring at nasa 14% ang posibilidad ng pag-ulan.

Sa kabuuan, kinakailangan pa rin ang patuloy na monitoring ng MDRRMO, lalo na sa kondisyon ng panahon, posibleng pag-ulan, at epekto ng init sa kalusugan at kabuhayan ng mga residente.

29/10/2026
For info po sa lahat ito po ang magiging traffic route natin sa Nov.1 2026 in LIGTAS UNDAS
28/10/2026

For info po sa lahat ito po ang magiging traffic route natin sa Nov.1 2026 in LIGTAS UNDAS

Happy Birthday, On behalf of the Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) of San Nicolas, Batan...
25/08/2026

Happy Birthday,
On behalf of the Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) of San Nicolas, Batangas, we extend our warmest birthday greetings to you!
Thank you for your dedication, courage, and unwavering service in all operations and activities for the safety of our municipality. Your hard work and readiness in every situation truly inspire the entire MDRRMC family.
May your special day be filled with joy, peace, and blessings. We continue to pray for your good health and success in all your endeavors

25/08/2026
Sa pangunguna ng MDRRMO personnel at sa pakikipagtulungan ng mga barangay officials ng Barangay Talang, matagumpay na is...
15/08/2026

Sa pangunguna ng MDRRMO personnel at sa pakikipagtulungan ng mga barangay officials ng Barangay Talang, matagumpay na isinagawa ang pagputol at pag-alis ng mga nakaharang na sanga at puno.
Ang mga pinutol na sanga at vegetation ay inalis sa carriageway upang muling maging maluwag at ligtas ang daloy ng trapiko. Nagkaroon din ng clearing sa mga gilid ng kalsada upang maiwasan ang muling pagbara at mapanatili ang visibility ng mga motorista.
Sa isinagawang operasyon, ipinakita ang pagtutulungan ng MDRRMO at Barangay Talang sa agarang pagtugon sa mga road obstruction at sa pagpapanatili ng kaligtasan at accessibility ng mga pangunahing daanan ng barangay.

𝐌𝐃𝐑𝐑𝐌𝐎 𝐒𝐀𝐍 𝐍𝐈𝐂𝐎𝐋𝐀𝐒 | 𝐏𝐀𝐒𝐀𝐒𝐀𝐋𝐀𝐌𝐀𝐓 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐆𝐋𝐈𝐍𝐆𝐊𝐎𝐃Ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRR...
11/08/2026

𝐌𝐃𝐑𝐑𝐌𝐎 𝐒𝐀𝐍 𝐍𝐈𝐂𝐎𝐋𝐀𝐒 | 𝐏𝐀𝐒𝐀𝐒𝐀𝐋𝐀𝐌𝐀𝐓 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐆𝐋𝐈𝐍𝐆𝐊𝐎𝐃

Ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng San Nicolas ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng indibidwal, tanggapan, ahensya, barangay officials, volunteers, at responders na naging katuwang natin sa patuloy na disaster response operations ng Bayan ng San Nicolas sa gitna ng epekto ng Habagat.

Sa pangunguna ng ating Punong Bayan at Responsible Officials HON MAYOR LESTER D DE SAGUN at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, patuloy nating naisagawa ang iba't ibang response activities, kabilang ang monitoring at assessment, force evacuation, evacuation assistance, clearing operations, road inspection at clearing, relief operations, evacuation center operations, at iba pang kinakailangang interventions para sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga kababayan.

Lubos ang aming pasasalamat sa mga sumusunod na naging katuwang sa iba't ibang operasyon:

Jocelyn Atienza – MSWD
PMAJ Jonathan Amutan – PNP San Nicolas
CPO Michael Lascano – PCG Sub-Station Commander
Engr Maria Monica M Latina- Municipal Engineer
Dra Katrina Rose Balasbas.-RHU
Deanna Joy Marco- MAO
FINSP Lucito N. Imperial – BFP San Nicolas
Dr. Rodrigo Castillo – DepEd San Nicolas, Batangas

Kinikilala rin ng MDRRMO San Nicolas ang malaking ambag ng lahat ng Punong Barangay, Barangay Officials, Barangay Tanods, BHWs, Barangay DRRM Committees, LGU Volunteers, at iba pang frontline personnel na walang pagod na nag-assist sa monitoring, force evacuation, clearing operations, traffic and road assistance, evacuation center operations, relief distribution, at iba pang response activities sa kani-kanilang mga lugar.

Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa lahat ng hindi man nabanggit ngunit naging bahagi ng operasyon—kabilang ang mga volunteers, responders, partner agencies, private individuals, organizations, at mga mamamayang nagpaabot ng tulong at malasakit sa ating mga kababayan.

Sa bawat monitoring, force evacuation, clearing operation, relief operation, at pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan, ang inyong oras, lakas, dedikasyon, at serbisyo ay naging mahalagang bahagi ng ating sama-samang disaster response.

Bilang mga Lingkod Bayan, lubos naming pinahahalagahan ang inyong dedikasyon at pakikipagtulungan. Hindi magiging mabilis, maayos, at organisado ang ating pagtugon sa panahon ng kalamidad kung wala ang bawat isa sa inyo.

Maraming salamat sa inyong lahat na patuloy na nagsisilbi, tumutugon, at nakikiisa para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat Nicolaseno.

MDRRMO SAN NICOLAS
Patuloy na Naglilingkod. Patuloy na Tumutugon. Sama-samang Handa, Sama-samang Ligtas.

Address

Pob. San Nicolas, Batangas
San Nicolas
4207

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mdrrmo San Nicolas,Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby government services