25/10/2026
📢 MATAGUMPAY NA NAILAHAD ANG SOBA 2ND QUARTER 2026 NG BARANGAY 784!
Bilang pagtatapos ng ating matagumpay na State of the Barangay Address (SOBA) 2nd Quarter 2026, tinalakay ni Punong Barangay Gandelbert “GB” M. De Chavez ang mga proyektong naisakatuparan sa nakalipas na anim na buwan, gayundin ang mga nakahandang proyekto at programa para sa patuloy na pag-unlad ng ating barangay.
Sa loob ng limang oras na programa, binigyang-diin ang kahalagahan ng transparency, pananagutan, at bukas na komunikasyon sa pagitan ng pamunuan at ng ating mga residente. Nagkaroon din ng Open Forum upang mabigyan ng pagkakataon ang ating mga kababayan na magtanong, magbahagi ng saloobin, at magbigay ng mga mungkahi. Sinundan ito ng raffle bilang pasasalamat sa kanilang pagdalo at pakikiisa.
Nagpapasalamat din po kami sa mga sumusunod sa kanilang suporta at pakikiisa:
-Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso
-Vice Mayor Chi Atienza
-Congressman Irwin Tieng
-Councilor Che Borromeo
-Councilor Jaybee Hizon
-Councilor Bobby Espiritu
-Councilor Majority Floor Leader Mon Yupangco
-Councilor Charry Ortega
-Councilor Tol Mac Ignacio
Maraming salamat din po sa lahat ng dumalo at nakiisa sa ating programa!
Patuloy nating isusulong ang isang pamahalaang barangay na may malasakit, transparency, at pananagutan sa bawat serbisyong ipinagkakaloob sa ating mga residente.
Sama-sama para sa mas maayos, bukas, at progresibong Barangay 784!