Provincial Urban Development and Housing Office - PUDHO Laguna

Call Directions Website Contact the organization

Provincial Urban Development and Housing Office - PUDHO Laguna Oversees not only the implementation of resettlement projects, but also its planning and development

Pakikipag-ugnayan para sa maayos at legal na pamamahala ng mga Homeowners’ Association noong Oktubre 29, 2026, nakipagpu...
30/10/2026

Pakikipag-ugnayan para sa maayos at legal na pamamahala ng mga Homeowners’ Association noong Oktubre 29, 2026, nakipagpulong ang mga District Housing Coordinators ng District 3 sa GK-Kapitbahayan HOA sa San Pablo City, Laguna ukol sa mga dokumento na kinakailangan para sa pagpasa ng kanilang election report sa Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD). Sa kaparehong araw, nagkaroon din tayo ng pakikipag-ugnayan sa Alaminos, Laguna kasama si Gng. Elma Amongo, Pangulo ng Alaminos Federation, upang talakayin ang mga dokumento ng PNR Non-Core HOA at iba pang mahahalagang usapin.




ᴘᴀᴛᴜʟᴏʏ ᴀɴɢ ᴀᴛɪɴɢ ᴘᴀᴍᴀᴍᴀʜᴀʟᴀ ᴀᴛ ᴘᴀɢʟɪɴɢᴋᴏᴅ ᴘᴀʀᴀ ꜱᴀ ᴍᴀᴀʏᴏꜱ ɴᴀ ᴘᴀᴍᴀʏᴀɴᴀɴ! Nagsagawa ng coordination meeting ang District H...
30/10/2026

ᴘᴀᴛᴜʟᴏʏ ᴀɴɢ ᴀᴛɪɴɢ ᴘᴀᴍᴀᴍᴀʜᴀʟᴀ ᴀᴛ ᴘᴀɢʟɪɴɢᴋᴏᴅ ᴘᴀʀᴀ ꜱᴀ ᴍᴀᴀʏᴏꜱ ɴᴀ ᴘᴀᴍᴀʏᴀɴᴀɴ!

Nagsagawa ng coordination meeting ang District Housing Coordinator ng District 1 kasama ang Samahang Pagkakaisa ng Bayan Bayanan Phase 1, 2, 3, 4, at 5 upang talakayin ang mga usaping pabahay, kumalap ng impormasyon ng asosasyon, at suriin ang mga kaugnay na dokumento.

Bukod dito, matagumpay rin nating nakuha sa Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) ang mga kinakailangang dokumento para sa gaganaping HOA Special Election ng Homeowners' Association of Kapayapaan Ville Subdivision Phase 1A sa Canlubang, Calamba City.




𝐌𝐚𝐬𝐢𝐠𝐚𝐬𝐢𝐠 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐠-𝐚𝐠𝐚𝐩𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐒𝐚𝐧 𝐏𝐞𝐝𝐫𝐨 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐚𝐭 𝐋𝐨𝐬 𝐁𝐚ñ𝐨𝐬!Nagtungo ang mga District Housing Coordinators ng Provincial Urba...
29/10/2026

𝐌𝐚𝐬𝐢𝐠𝐚𝐬𝐢𝐠 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐠-𝐚𝐠𝐚𝐩𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐒𝐚𝐧 𝐏𝐞𝐝𝐫𝐨 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐚𝐭 𝐋𝐨𝐬 𝐁𝐚ñ𝐨𝐬!

Nagtungo ang mga District Housing Coordinators ng Provincial Urban Development and Housing Office (PUDHO) sa San Pedro City noong Oktubre 28, 2026 para sa koordinasyon sa CTNA HOA at MANATRA HOA sa Dreamland Heights Subd., pati na rin ang paglikom ng mga legal na dokumento at liham mula sa iba pang mga Homeowners’ Association. Nakiisa rin ang ating team sa isang mahalagang pagpupulong kasama ang Jamboree ISF sa Los Baños upang direktang pakinggan ang kanilang mga pangangailangan. Patuloy ang ating pagsusumikap upang gabayan at patatagin ang bawat komunidad sa lalawigan!





𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐆𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐊𝐨𝐦𝐮𝐧𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧 𝐏𝐚𝐛𝐥𝐨 𝐂𝐢𝐭𝐲!Nagsagawa ang Provincial Urban Development and Housing Office (PUDH...
29/10/2026

𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐆𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐊𝐨𝐦𝐮𝐧𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧 𝐏𝐚𝐛𝐥𝐨 𝐂𝐢𝐭𝐲!

Nagsagawa ang Provincial Urban Development and Housing Office (PUDHO) noong Oktubre 27, 2026 ng isang konsultasyon kasama ang mga opisyal ng PS Mariño 2 HOA sa San Pablo City upang talakayin ang mga usapin ukol sa BIR at iba pang mahalagang usaping pangkomunidad. Kasabay nito, kinumpirma rin ang paggamit ng Audio-Visual Room sa CBP PLSP para sa mga darating na gawaing pampamahalaan. Patuloy ang ating pakikipag-ugnayan upang gabayan ang bawat HOA sa maayos at legal na pamamahala!




𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨, 𝐊𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧, 𝐚𝐭 𝐒𝐚𝐲𝐚: 𝐌𝐠𝐚 𝐓𝐚𝐦𝐩𝐨𝐤 𝐧𝐚 𝐊𝐚𝐠𝐚𝐧𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝟏𝟎𝐭𝐡 𝐋𝐚𝐠𝐮𝐧𝐚 𝐇𝐨𝐮𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐮𝐦𝐦𝐢𝐭!Naging matagumpay at pu...
28/10/2026

𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨, 𝐊𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧, 𝐚𝐭 𝐒𝐚𝐲𝐚: 𝐌𝐠𝐚 𝐓𝐚𝐦𝐩𝐨𝐤 𝐧𝐚 𝐊𝐚𝐠𝐚𝐧𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝟏𝟎𝐭𝐡 𝐋𝐚𝐠𝐮𝐧𝐚 𝐇𝐨𝐮𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐮𝐦𝐦𝐢𝐭!

Naging matagumpay at puno ng sigla ang ginanap na 10th Laguna Housing Summit noong Oktubre 23, 2026 sa PGL Extension Office, Brgy. Halang, Calamba City, Laguna na dinaluhan ng mahigit kumulang na isang libo tatlong daan katao!

Nagsama-sama ang mga pinuno ng ibat ibang ahensiya ng gobyerno at homeowner’s para sa isang araw na puno ng kaalaman at serbisyo. Tinalakay ng mga tagapagsalita ang mahahalang mga paksa.

Mas lalong naging masaya ang kaganapan sa pamamagitan ng Raffle Prizes at sa pamimigay ng food at non-food packs mula sa PAGCOR para sa mga dumalo!

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng matagumpay na kaganapang ito! Patuloy nating patatagin at paunlarin ang ating mga komunidad!

Para sa buong detalye, bisitahin ang comment section.




𝐆𝐄𝐍𝐄𝐑𝐀𝐋 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐌𝐁𝐋𝐘 𝐍𝐆 𝐉𝐀𝐌𝐁𝐎𝐑𝐄𝐄 𝐈𝐒𝐅Noong Oktubre 25, 2026, dumalo ang District Housing Coordinator ng Provincial Urban Deve...
27/10/2026

𝐆𝐄𝐍𝐄𝐑𝐀𝐋 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐌𝐁𝐋𝐘 𝐍𝐆 𝐉𝐀𝐌𝐁𝐎𝐑𝐄𝐄 𝐈𝐒𝐅

Noong Oktubre 25, 2026, dumalo ang District Housing Coordinator ng Provincial Urban Development and Housing Office (PUDHO) sa General Assembly ng Jamboree Informal Settlers Families (ISF) sa Boy Scout of the Philippines, Los Baños. Tinalakay sa nasabing aktibidad ang buod ng mga naging gawain ng Jamboree mula taong 2025 hanggang sa kasalukuyan, status ng property ni Mrs. Gaspar at ang financial computation.

Patuloy ang ating pakikipag-ugnayan upang gabayan at patatagin ang bawat samahan tungo sa mas maayos at maunlad na pamayanan!


𝙋𝙐𝘿𝙃𝙊 𝙇𝘼𝙂𝙐𝙉𝘼 𝙋𝘼𝙍𝘼 𝙎𝘼 𝙉𝘼𝙂𝙆𝘼𝙆𝘼𝙄𝙎𝘼𝙉𝙂 𝙃𝙊𝙈𝙀𝙊𝙒𝙉𝙀𝙍𝙎’ 𝘼𝙎𝙎𝙊𝘾𝙄𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉Nakipagpulong ang mga District Housing Coordinators ng District...
27/10/2026

𝙋𝙐𝘿𝙃𝙊 𝙇𝘼𝙂𝙐𝙉𝘼 𝙋𝘼𝙍𝘼 𝙎𝘼 𝙉𝘼𝙂𝙆𝘼𝙆𝘼𝙄𝙎𝘼𝙉𝙂 𝙃𝙊𝙈𝙀𝙊𝙒𝙉𝙀𝙍𝙎’ 𝘼𝙎𝙎𝙊𝘾𝙄𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉

Nakipagpulong ang mga District Housing Coordinators ng District 2 noong Oktubre 25, araw ng linggo sa mga officer ng Villa E. Javier Homeowners’ Associations at Lakeside Phase 1 Homeowners’ Association sa lungsod ng Calamba at Cabuyao.

Patuloy ang paggabay at pakikipag-ugnayan ng PUDHO Laguna, para mas mapalakas ang organisasyon, mapagtibay ang pagkakaisa, at panatilihin ang aktibong partisipasyon ng bawat samahan ng mga may-ari ng tahanan!



𝐊𝐎𝐎𝐑𝐃𝐈𝐍𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐀𝐓 𝐆𝐀𝐁𝐀𝐘 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐒 𝐌𝐀𝐀𝐘𝐎𝐒 𝐍𝐀 𝐒𝐄𝐑𝐁𝐈𝐒𝐘𝐎!Nakipag-ugnayan ang mga District Housing Coordinators ng Provincial...
16/10/2026

𝐊𝐎𝐎𝐑𝐃𝐈𝐍𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐀𝐓 𝐆𝐀𝐁𝐀𝐘 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐒 𝐌𝐀𝐀𝐘𝐎𝐒 𝐍𝐀 𝐒𝐄𝐑𝐁𝐈𝐒𝐘𝐎!

Nakipag-ugnayan ang mga District Housing Coordinators ng Provincial Urban Development and Housing Office (PUDHO) kay Ma’am Cristina D. Amante ng City Planning and Development Office tungkol sa mga dokumentong kailangan kaugnay ng PNR Non-Core Properties, at nagsagawa rin ng konsultasyon sa Share Forever HOA hinggil sa mga kinakailangan para sa DHSUD Registration.

Patuloy ang PUDHO Laguna katuwang ang Gobyernong May Solusyon sa paggabay at pakikipagtulungan sa mga kinauukulan upang maisulong ang maayos na pamamahala at pagpapaunlad ng mga komunidad!



𝐊𝐎𝐎𝐑𝐃𝐈𝐍𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐒 𝐌𝐀𝐀𝐘𝐎𝐒 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐁𝐀𝐇𝐀𝐘 𝐀𝐓 𝐌𝐀𝐔𝐍𝐋𝐀𝐃 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐘𝐀𝐍𝐀𝐍!Dumalo ang mga District Housing Coordinators ng Provi...
16/10/2026

𝐊𝐎𝐎𝐑𝐃𝐈𝐍𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐒 𝐌𝐀𝐀𝐘𝐎𝐒 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐁𝐀𝐇𝐀𝐘 𝐀𝐓 𝐌𝐀𝐔𝐍𝐋𝐀𝐃 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐘𝐀𝐍𝐀𝐍!

Dumalo ang mga District Housing Coordinators ng Provincial Urban Development and Housing Office (PUDHO) katuwang ang Gobyernong May Solusyon sa Local Inter-Agency Committee Meeting sa bayan ng Los Baños noong Oktubre 13, 2026, kaugnay ng Proclamation No. 550, s. 2004, isang mahalagang hakbang ng Pamahalaan upang matulungan ang mga matagal nang naninirahan sa komunidad na magkaroon ng tunay na katiyakan at kapanatagan sa lupang kanilang tinitirhan. Sa pamamagitan nito, mas nagiging malinaw ang proseso ng land tenure at mas nagkakaroon ng pagkakataon ang mga pamilya na makamit ang seguridad at kaayusan sa kanilang pamumuhay.

Lumahok din ang Provincial Urban Development and Housing Office (PUDHO) sa isinagawang Local Inter-Agency Committee Meeting sa lungsod ng San Pedro Laguna noong Oktubre 14, 2026 kaugnay ng North-South Commuter Railway Extension Project sa Lungsod ng San Pedro upang pagtibayin ang ugnayan ng mga kinauukulang ahensya at talakayin ang mahahalagang usaping may kinalaman sa proyekto at sa mga komunidad na maaapektuhan nito.

Patuloy ang PUDHO Laguna sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya upang maisulong ang maayos na pagpaplano, responsableng pagpapatupad ng mga proyekto, at kapakanan ng mga mamamayan.



𝗣𝗨𝗗𝗛𝗢 𝗟𝗔𝗚𝗨𝗡𝗔, 𝗞𝗔𝗔𝗚𝗔𝗣𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗪𝗔𝗧 𝗛𝗢𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗨𝗡𝗟𝗔𝗗 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗬𝗔𝗡𝗔𝗡!Nagsagawa ang mga Housing District Coordinators katuwan...
15/10/2026

𝗣𝗨𝗗𝗛𝗢 𝗟𝗔𝗚𝗨𝗡𝗔, 𝗞𝗔𝗔𝗚𝗔𝗣𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗪𝗔𝗧 𝗛𝗢𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗨𝗡𝗟𝗔𝗗 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗬𝗔𝗡𝗔𝗡!

Nagsagawa ang mga Housing District Coordinators katuwang ang Gobyernong May Solusyon ng mga coordination visits noong Oktubre 13, 2026 sa iba’t ibang Homeowners’ Associations (HOAs) sa San Pedro, Sta. Rosa at Biñan upang talakayin ang mga pangangailangan, suliranin, at mahahalagang usaping pangkomunidad.

Samantala pinangunahan ng pinuno ng Provincial Urban Development and Housing Office (PUDHO) G. Mamerto A. Punio, kasama si Brgy. Sala Captain Kiko Alimagno, noong Oktubre 14, 2026 ang coordination meeting kasama ang Bagong Silang Tarikan HOA upang talakayin ang mga usaping may kinalaman sa komunidad at palakasin ang pagtutulungan para sa kapakanan ng mga residente.

Patuloy ang PUDHO Laguna sa pakikipag-ugnayan sa mga HOA upang matiyak na naririnig ang boses ng bawat residente at maisulong ang mas maayos, ligtas, at maunlad na pamayanan.



Address

Santa Cruz
4009

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63495010423

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Provincial Urban Development and Housing Office - PUDHO Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Provincial Urban Development and Housing Office - PUDHO Laguna:

Shortcuts

Share