Santa Cruz Municipal Health Office, Marinduque

Call Directions Website Contact the organization

Santa Cruz Municipal Health Office, Marinduque Manages and delivers health and nutrition services of the municipal government of Santa Cruz

🩸 𝐃𝐔𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐀𝐋𝐀𝐘, 𝐃𝐔𝐆𝐓𝐎𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘! ❤️Matagumpay na isinagawa ng Rural Health Unit I – Santa Cruz ang Blood Donation Drive na ...
29/10/2026

🩸 𝐃𝐔𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐀𝐋𝐀𝐘, 𝐃𝐔𝐆𝐓𝐎𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘! ❤️

Matagumpay na isinagawa ng Rural Health Unit I – Santa Cruz ang Blood Donation Drive na naglalayong makatulong sa mga nangangailangan ng dugo.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng blood donors, health workers, at sa lahat ng nakiisa sa gawaing ito. Ang inyong kusang-loob na pagbibigay ng dugo ay malaking tulong at pag-asa para sa mga buhay na nangangailangan nito.

Patuloy tayong magtulungan at magmalasakit sa isa’t isa, mga Santakruzin! ❤️

𝑰𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒕𝒂𝒌 𝒏𝒈 𝒅𝒖𝒈𝒐, 𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒕𝒂𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒌𝒂𝒑𝒂𝒈𝒍𝒊𝒈𝒕𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚. 🩸

📢 MAHALAGANG PABATID!Ang Blood Donation Drive na “Dugong Alay, Dugong Buhay” ay gaganapin sa Oktubre 29, 2026, mula 9:00...
28/10/2026

📢 MAHALAGANG PABATID!

Ang Blood Donation Drive na “Dugong Alay, Dugong Buhay” ay gaganapin sa Oktubre 29, 2026, mula 9:00 AM hanggang 2:00 PM sa Municipal Gymnasium, Santa Cruz, Marinduque.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta.

📢 MAHALAGANG PABATID!💚 PHILHEALTH YAKAP CARAVAN📅 Nobyembre 14, 2026 – Brgy. Napo Covered Court📅 Nobyembre 21, 2026 – Mun...
28/10/2026

📢 MAHALAGANG PABATID!

💚 PHILHEALTH YAKAP CARAVAN

📅 Nobyembre 14, 2026 – Brgy. Napo Covered Court
📅 Nobyembre 21, 2026 – Municipal Gymnasium, Santa Cruz
⏰ 8:00 AM – 4:00 PM

Sino ang maaaring pumunta?
✅ Mga hindi pa miyembro ng PhilHealth
✅ Mga miyembro na hindi pa rehistrado sa YAKAP, kabilang ang asawa at mga anak
✅ Mga mag-a-update ng impormasyon o dependent
✅ Mga magpapalipat ng YAKAP Clinic
✅ Mga may katanungan o concern tungkol sa PhilHealth

📌 Paalala: Para sa pagpaparehistro ng asawa o anak, kailangang personal silang pumunta. Dalhin din ang mga kinakailangang dokumento ayon sa inyong transaksyon.

💚 Tara na at magpa-PhilHealth YAKAP ka na!

Sa darating na  , dapat KERI NOT SKERI! Maging handa sa dadalhin na gamit bilang paalala sa pag-alala. ✅ Maging Handa: M...
28/10/2026

Sa darating na , dapat KERI NOT SKERI! Maging handa sa dadalhin na gamit bilang paalala sa pag-alala.

✅ Maging Handa: Magbaon ng tubig, first aid kit, at pamaypay.
❌ Iwasan: Pumunta sa sementeryo nang walang dala.

TANDAAN: Mag-ingat at paghandaan ang malusog at ligtas na Undas.



📢 PUBLIC ADVISORY | RHU I SANTA CRUZ Ipinababatid po sa publiko na pansamantalang HINDI AVAILABLE ang mga Clinical Chemi...
19/10/2026

📢 PUBLIC ADVISORY | RHU I SANTA CRUZ

Ipinababatid po sa publiko na pansamantalang HINDI AVAILABLE ang mga Clinical Chemistry Test sa RHU I Laboratory simula October 20, 2026 dahil sa kasalukuyang pagkasira ng Clinical Chemistry Analyzer Machine.

✅ Available pa rin ang CBC with Platelet Count, Urinalysis, at iba pang laboratory services.

Humihingi po kami ng inyong pang-unawa. Magbibigay po kami ng abiso sa sandaling maibalik na ang nasabing serbisyo.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa! 💚

Santa Cruz Municipal Health Office – RHU I Clinical Laboratory Section

17/10/2026

Ang mensahe ni Mayor Marisa Red sa ginanap na awarding ceremony nang National Nutrition Council MIMAROPA Region bilang pagtanggap ng PANGALAWANG SUNOD na Regional Green Banner Award. Tanging bayan ng Santa Cruz at Calapan City lamang ang nabigyan ng award na ito sa buong MiMaRoPa region.
🏆🏆

Bayan ng Santa Cruz Kampyon muli sa Nutrisyon! 🏆🏆Isa nanamang hakot award moment mga bidang kasangga. Muling kinilala an...
17/10/2026

Bayan ng Santa Cruz Kampyon muli sa Nutrisyon! 🏆🏆

Isa nanamang hakot award moment mga bidang kasangga. Muling kinilala ang bayan ng Santa Cruz nang National Nutrition Council MIMAROPA Region noong October 15, 2026 dahil sa pagpapanatili ng OUTSTANDING performance sa nutrition program sa pangunguna nang ating masipag na MNAO Joan Palatino (NAO ang bida awrdee), buong MNC, at sa pamumuno ni Mayor Marisa Red . Ang Regional Green Banner Award. Ito po ang PANGALAWANG SUNOD nating regional award at ISA SA DALAWANG LGU na nakatanggap ng award na ito sa buong rehiyon ng MiMaRoPa.

Tumanggap din ng award ang Barangay Lapu- lapu at kanilang BNS Jovelyn Pernia.

Maraming salamat po sa lahat ng atin mga BNS, BHW, sa buong pamahalaang bayan ng Sant Cruz at sa lahat po ng ating mga partners. Ang award po na ito ay award nating lahat.

Maraming salamat po

Hello mga bidang kasangga!🏆 Wagi nanaman ang bayan ng Santa Cruz sa ginanap na Gabi ng Parangal nang DOH Mimaropa CHD sa...
16/10/2026

Hello mga bidang kasangga!

🏆 Wagi nanaman ang bayan ng Santa Cruz sa ginanap na Gabi ng Parangal nang DOH Mimaropa CHD sa Lime Hotel, Pasay City noong October 8, 2026. Nakatanggap po kita ng "Healthy Workplace Award" 🏆 bilang pagkilala sa programa ng pamahalaang bayan upang masigurado ang kaligtasan at mapanatili ang kalusugan nang mga kawani nito. Ito ang pinakaunang award na natanggap ng LGU Santa Cruz patungkol sa aspetong ito at isa lamang sa limang LGU na nabigyan ng ganitong parangal sa buong rehiyon ng MiMaRoPa.

Ito po ay dulot nang pagtutulungan ng ibat ibang tanggapan pamahalaang bayan, kasama ang Pho Marinduque at Pdoho Marinduque , sa gabay at buong suporta ni Mayor Marisa Red

Maraming salamat po sa inyong lahat. Congratulations bayan ng Santa Cruz!

👏👏👏👏👏👏👏👏

15/10/2026

Hello mga bidang kasangga!

Halina't makipagkwentuhan kasama sina Dra Ericka Laceda, Nurse Ron Zulueta at Nurse Jaira Ann Plata tungkol sa Mental Health Support System.

Pabakunahan na ang mga bata sa Bakuna Eskwela!Kasalukuyang isinasagawa sa mga pampublikong paaralan ang Bakuna Eskwela n...
12/10/2026

Pabakunahan na ang mga bata sa Bakuna Eskwela!
Kasalukuyang isinasagawa sa mga pampublikong paaralan ang Bakuna Eskwela na naglalayong magbigay proteksyon sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbabakuna sa mga paaralan laban sa mga vaccine preventable diseases (VPDs) tulad ng:
✅ measles;
✅ rubella;
✅ diphtheria; at
✅ human papillomavirus.
Ang Bakuna Eskwela ay para sa mga mag-aaral na kabilang sa mga itinakdang baitang, alinsunod sa mga inirerekomendang bakuna:
Para sa Grade 1 at Grade 7:
✅ Measles-Rubella
✅ Tetanus-Diphtheria
Para sa Grade 4 at Grade 5 na babae:
✅Human Papillomavirus (HPV)
Magpabakuna Na!



!

Address

Palomares Street Corner Gomez St. , Brgy. Pag-asa
Santa Cruz
4902

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639219999975

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Santa Cruz Municipal Health Office, Marinduque posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Santa Cruz Municipal Health Office, Marinduque:

Shortcuts

Share