30/09/2026
𝑨𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝑲𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏, 𝑰𝒃𝒊𝒏𝒂𝒃𝒂𝒍𝒊𝒌 𝒔𝒂 𝑲𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏.💙
Noong Setyembre 20, 2026, matagumpay na isinagawa ang Releasing of Educational Assistance – I’SK’OLAR 2026 ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Biay, para sa 167 kabataang patuloy na nagsusumikap para sa kanilang pag-aaral at mga pangarap.
Kabilang dito ang 49 Senior High School students, 101 college students, at 17 college graduates.
Higit sa anumang halaga, nais naming iparamdam na ang bawat pagsisikap ng ating kabataan ay nakikita at pinahahalagahan. Ang I’SK’OLAR - Educational Assistance Program ay aming munting paraan ng pagbabalik sa kabataan ng suportang nararapat para sa kanila.
Sapagkat sa likod ng bawat pangarap ay may sakripisyo, at sa bawat kabataang nagsusumikap, nararapat lamang na may komunidad na sumusuporta.
Para sa kabataan. Para sa pangarap. Para sa kinabukasan. 💙