29/10/2026
SURPRISE VISIT | LGU SANTA CRUZ – MGSO-MENRO
Ngayong araw, October 29, 2026, sa hindi inaasahang pagbisita ng LGU Santa Cruz – MGSO-MENRO, naipakita natin na ang Vicenta S. David National High School ay handa, malinis, at maayos.
Patunay ito ng ating patuloy na pagtutulungan at pagsisikap na mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng ating paaralan para sa isang ligtas at maaliwalas na kapaligiran para sa bawat Vicentanian.
Sama-sama sa malinis at maayos na paaralan!
Maraming Salamat po LGU Santa Cruz- MGSO- MENRO!