29/10/2026
MATAGUMPAY NA NATIONAL ID REGISTRATION SA BARANGAY STA. LUCIA!
Kahapon Oktubre 28, 2026, matagumpay na naisagawa ang National ID Registration sa ating barangay sa pakikipagtulungan ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa PSA sa kanilang patuloy na paglilingkod at sa lahat ng mga kababayan nating nakiisa at nagparehistro. Ang gawaing ito ay bahagi ng ating sama-samang pagsisikap na mailapit ang mahahalagang serbisyo ng pamahalaan sa bawat residente ng Barangay Sta. Lucia.
Patuloy po tayong magsusulong ng mga programang nagbibigay ng konkretong benepisyo sa ating komunidad, tungo sa mas maayos, inklusibo, at serbisyong may malasakit na pamamahala.
Dahil sa Barangay Sta. Lucia, bawat serbisyo ay para sa bawat mamamayan! ❤️