Office Of The Municipal External Affairs Officer

Directions

Office Of The Municipal External Affairs Officer The official page of Office Of The Municipal External Affairs Officer - Silang, Cavite

  | 𝐁𝐈𝐆𝐀𝐒 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐑𝐈𝐒𝐈𝐒: 𝐑𝐈𝐂𝐄 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐂𝐇𝐄𝐃𝐔𝐋𝐄Bilang bahagi ng pagtugon sa pangangailangan ng mga pamilyang Silang...
22/10/2026

| 𝐁𝐈𝐆𝐀𝐒 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐑𝐈𝐒𝐈𝐒: 𝐑𝐈𝐂𝐄 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐂𝐇𝐄𝐃𝐔𝐋𝐄
Bilang bahagi ng pagtugon sa pangangailangan ng mga pamilyang Silangueño, isasagawa ang pamamahagi ng 5 kilong bigas para sa bawat tahanan sa Bayan ng Silang.
Narito ang iskedyul ng pamamahagi sa bawat barangay upang maging maayos ang pagtanggap ng mga benepisyaryo.
October 23:
9:00AM-10:00AM | Pulong Saging (Covered Court)
10:00AM-11:00AM | Pulong Bunga (Covered Court)
11:00AM-12:00PM | Ulat (Covered Court)
1:00PM-2:00PM | Pooc 2 (Covered Court)
2:00PM-3:00PM | Pooc 1 (Covered Court)
3:00PM-4:00PM | Lumil (Covered Court)
4:00PM-5:00PM | Puting Kahoy (Covered Court)
5:00PM-6:00PM | Hoyo (Covered Court)
Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na suporta at malasakit ng lokal na pamahalaan, sa pamumuno ni Mayor Ted Carranza, upang makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga Silangueño.
𝐏𝐀𝐀𝐍𝐎 𝐌𝐀𝐊𝐔𝐊𝐔𝐇𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐆𝐀𝐒?
Ipakita lamang ang claim stub. Siguraduhing dalhin ito upang maayos na mapatunayan ang inyong pagiging benepisyaryo.
𝐌𝐆𝐀 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀:
1. Ang bilang ng mga benepisyaryo ay batay sa datos na isinumite ng bawat barangay.
2. Para sa mga hindi nakatanggap ng claim stub, maaaring pumunta sa itinakdang lugar ng pamamahagi para sa beripikasyon.
3. Mangyaring sundin ang itinakdang iskedyul at mga panuntunan ng inyong barangay para sa maayos na pamamahagi.
Para sa karagdagang impormasyon, maari po kayong makipag-ugnayan sa inyong barangay.

16/10/2026

SALUDO AKO SA ATING MGA BNS AT BHW NG BUONG SILANG! ❤️👏

Noong isang araw, ipinamahagi natin ang honorarium para sa ating mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) at Barangay Health Workers (BHW).

Proud na proud ako sa inyong lahat! Kayo ang katuwang natin sa pag-aalaga ng kalusugan ng bawat pamilyang Silangueño. Sa inyong sipag, malasakit, at walang sawang paglilingkod, mas napapalapit natin ang serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan.

Maraming salamat sa inyong dedikasyon. Kinikilala at pinahahalagahan natin ang bawat sakripisyo ninyo. Patuloy tayong magtulungan para sa mas malusog na pamilya at mas maunlad na Bayan ng Silang!


MARAMING SALAMAT PO, SENATOR JV EJERCITONag-courtesy call tayo kay Senator JV Ejercito upang humingi ng tulong at karagd...
14/10/2026

MARAMING SALAMAT PO, SENATOR JV EJERCITO

Nag-courtesy call tayo kay Senator JV Ejercito upang humingi ng tulong at karagdagang pondo para sa ating pampublikong hospital dito sa Silang.

Sa ngayon, pondo muna ng ating LGU ang ginagamit natin sa pagpapatayo nito. Malapit na rin nating simulan ang Phase 3, kaya umaasa tayo sa tulong ni Senator JV upang mas mapabilis ang pagkumpleto at tuluyan nang mapakinabangan ng ating mga kababayan ang pampublikong hospital.

Maraming salamat, Senator JV Ejercito, sa pagbibigay-pansin sa ating kahilingan. Malaking tulong ang suporta ng ating mga lider upang maisakatuparan ang hangarin nating magkaroon ng mas maayos at mas abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa bawat Silangueño.

Sama-sama nating ilapit ang serbisyong pangkalusugan sa bawat pamilyang Silangueño! ❤️


25/09/2026

🏆 𝐒𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆, 𝟏𝐒𝐓 𝐑𝐔𝐍𝐍𝐄𝐑-𝐔𝐏 𝐒𝐀 𝐄𝐃𝐔𝐊𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐁𝐔𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐒!
Isang malaking karangalan para sa ating Bayan ng Silang ang makilala bilang 𝟏𝐬𝐭 𝐑𝐮𝐧𝐧𝐞𝐫-𝐔𝐩 – 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐇𝐮𝐛 𝐬𝐚 𝐏𝐇 𝐌𝐨𝐝𝐞𝐥 𝐂𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐧𝐠 𝐓𝐡𝐞 𝐌𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚 𝐓𝐢𝐦𝐞𝐬.
Para sa akin, malinaw ang ating layunin 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐬𝐢𝐠𝐮𝐫𝐨 𝐤𝐚𝐲𝐨 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐨𝐧𝐝𝐨 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐚𝐲 𝐢𝐛𝐢𝐧𝐚𝐛𝐚𝐥𝐢𝐤 𝐬𝐚 𝐭𝐚𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧 sa pamamagitan ng mga proyektong pangmatagalan at tunay na mapapakinabangan.
Patuloy nating susuportahan ang edukasyon, scholarship at mga paaralan para sa kinabukasan ng ating mga kabataan.
Ang pagkilalang ito ay para sa buong Silang!

📢 ₱1,100 UNIFORM ALLOWANCE DISTRIBUTIONPara sa ating mga mag-aaral, patuloy nating hatid ang tulong para sa kanilang pan...
16/09/2026

📢 ₱1,100 UNIFORM ALLOWANCE DISTRIBUTION

Para sa ating mga mag-aaral, patuloy nating hatid ang tulong para sa kanilang pangangailangan sa pag-aaral. ❤️

Narito ang schedule ng pamamahagi ngayong September 17, 2026:

📍 Pulong Saging Elementary School – 7:00 AM
📍 Pulong Bunga Elementary School – 8:00 AM
📍 Ulat Elementary School – 9:00 AM
📍 Bucal Elementary School – 10:00 AM
📍 Paligawan Elementary School – 11:00 AM

Mga kailangan:
• Certificate mula sa Teacher
• ID ng Parent/Guardian


Nakailang refresh na ba kayo? Ayan na! 😂Dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Hanging Habagat, suspendido ang...
07/09/2026

Nakailang refresh na ba kayo? Ayan na! 😂

Dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Hanging Habagat, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan bukas, Setyembre 8, 2026 | Martes

Magpapatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng modules, online, o blended learning ayon sa abiso ng paaralan.

At mga anak, huwag kakalimutang tumulong sa gawaing bahay!

Patuloy na maging alerto sa lagay ng panahon. Iwasan ang pagpunta sa mga lugar na maaaring bahain at manatili sa ligtas na lugar kung kinakailangan.


  | 𝐑𝐈𝐂𝐄 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐒𝐄𝐍𝐈𝐎𝐑 𝐂𝐈𝐓𝐈𝐙𝐄𝐍𝐒, 𝐏𝐖𝐃𝐬 𝐀𝐓 𝐒𝐎𝐋𝐎 𝐏𝐀𝐑𝐄𝐍𝐓𝐒Narito ang schedule ng Rice Distribution para bukas, ...
07/09/2026

| 𝐑𝐈𝐂𝐄 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐒𝐄𝐍𝐈𝐎𝐑 𝐂𝐈𝐓𝐈𝐙𝐄𝐍𝐒, 𝐏𝐖𝐃𝐬 𝐀𝐓 𝐒𝐎𝐋𝐎 𝐏𝐀𝐑𝐄𝐍𝐓𝐒

Narito ang schedule ng Rice Distribution para bukas, Setyembre 8, 2026 (Martes):

📍 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐏𝐮𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐡𝐨𝐲 – 8:00 AM (Puting Kahoy Covered Court)
📍 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐓𝐚𝐫𝐭𝐚𝐫𝐢𝐚 – 9:00 AM (Buklod Bahayan Covered Court)
📍 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐋𝐮𝐦𝐢𝐥 – 10:00 AM (Lumil Covered Court)
📍 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐏𝐚𝐬𝐨𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚 – 11:00 AM (Pasong Langka Church)

📍 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐋𝐮𝐜𝐬𝐮𝐡𝐢𝐧 – 1:00 PM (Lucsuhin Covered Court)
📍 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐋𝐢𝐭𝐥𝐢𝐭 – 2:00 PM (Litlit Covered Court)
📍 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐊𝐚𝐥𝐮𝐛𝐤𝐨𝐛 – 3:00 PM (Kalubkob Covered Court)
📍 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐬 – 4:00 PM (Batas Covered Court)

📌 𝐏𝐀𝐀𝐍𝐎 𝐌𝐀𝐊𝐀𝐊𝐀𝐊𝐔𝐇𝐀 𝐍𝐆 𝐑𝐈𝐂𝐄 𝐀𝐒𝐒𝐈𝐒𝐓𝐀𝐍𝐂𝐄?
✅ Dalhin at ipakita ang inyong VALID BENEFICIARY ID:
• Senior Citizen ID
• PWD ID
• Solo Parent ID
✅ Kung ang beneficiary ay maaaring mahirapang personal na mag-claim ng kanyang assistance, mariing inirerekomenda na magpadala ng authorized representative.
✅ Para sa authorized representative, kinakailangang dalhin ang valid beneficiary ID ng mismong nakalistang beneficiary, kasama ang iba pang kinakailangang dokumento para sa verification.

𝐏𝐢𝐧𝐚𝐩𝐚𝐲𝐮𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐞𝐧𝐞𝐩𝐢𝐬𝐲𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐭𝐮𝐧𝐠𝐨 𝐚𝐭 𝐩𝐮𝐦𝐢𝐥𝐚 𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐭𝐚𝐤𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐯𝐞𝐧𝐮𝐞 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐨𝐫𝐚𝐬 𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐜𝐡𝐞𝐝𝐮𝐥𝐞𝐝 𝐝𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐛𝐮𝐭𝐢𝐨𝐧.

Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na suporta at malasakit ng lokal na pamahalaan, sa pamumuno ni Mayor Ted Carranza, upang makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga Silangueño.

𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀: 𝐀𝐧𝐠 𝐫𝐢𝐜𝐞 𝐝𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐛𝐮𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐧𝐚 𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐒𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐂𝐢𝐭𝐢𝐳𝐞𝐧, 𝐏𝐖𝐃, 𝐚𝐭 𝐒𝐨𝐥𝐨 𝐏𝐚𝐫𝐞𝐧𝐭. 𝐀𝐧𝐠 𝐝𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐛𝐮𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐡𝐨𝐮𝐬𝐞𝐡𝐨𝐥𝐝 𝐚𝐲 𝐢𝐬𝐚𝐬𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐬𝐮𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝 𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨.

  | 𝐈𝐒𝐊𝐎𝐋𝐀𝐑 𝐍𝐆 𝐒𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 – 𝟒𝐓𝐇 𝐁𝐀𝐓𝐂𝐇 𝐄𝐗𝐀𝐌Game na, future scholars! Isasagawa na sa May 24 ,2026 sa IJA campus ang exam para...
18/05/2026

| 𝐈𝐒𝐊𝐎𝐋𝐀𝐑 𝐍𝐆 𝐒𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 – 𝟒𝐓𝐇 𝐁𝐀𝐓𝐂𝐇 𝐄𝐗𝐀𝐌
Game na, future scholars! Isasagawa na sa May 24 ,2026 sa IJA campus ang exam para sa 4th batch ng Iskolar ng Silang, programang sinimulan ni Mayor Ted Carranza noong Vice Mayor pa siya noong 2022.
Ang pagsusulit ay pangungunahan ng De La Salle University–Dasmariñas upang masiguro ang maayos, patas, at dekalidad na proseso.
Para kay Mayor Ted, solid investment ang edukasyon Dahil kapag napagtapos ang isang anak, buong pamilya ang umaangat. Kaya hanggang ngayon, top priority pa rin ang edukasyon para sa mga kabataang Silangueño.
📌 𝐑𝐄𝐌𝐈𝐍𝐃𝐄𝐑: 𝐀𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐝𝐚𝐥𝐡𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐞𝐱𝐚𝐦 (𝐌𝐚𝐲 𝟐𝟒)
- 𝐌𝐨𝐧𝐠𝐨𝐥 #𝟐 𝐥𝐚𝐩𝐢𝐬
- 𝟐 𝐟𝐨𝐥𝐝𝐞𝐫𝐬
- 𝐁𝐚𝐥𝐥𝐩𝐞𝐧
- 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐈𝐃
Good luck, future Iskolars!


| 𝐈𝐒𝐊𝐎𝐋𝐀𝐑 𝐍𝐆 𝐒𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 – 𝟒𝐓𝐇 𝐁𝐀𝐓𝐂𝐇 𝐄𝐗𝐀𝐌

Game na, future scholars! Isasagawa na sa May 24 ,2026 sa IJA campus ang exam para sa 4th batch ng Iskolar ng Silang, programang sinimulan ni Mayor Ted Carranza noong Vice Mayor pa siya noong 2022.

Ang pagsusulit ay pangungunahan ng De La Salle University–Dasmariñas upang masiguro ang maayos, patas, at dekalidad na proseso.

Para kay Mayor Ted, solid investment ang edukasyon Dahil kapag napagtapos ang isang anak, buong pamilya ang umaangat. Kaya hanggang ngayon, top priority pa rin ang edukasyon para sa mga kabataang Silangueño.

📌 𝐑𝐄𝐌𝐈𝐍𝐃𝐄𝐑: 𝐀𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐝𝐚𝐥𝐡𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐞𝐱𝐚𝐦 (𝐌𝐚𝐲 𝟐𝟒)
- 𝐌𝐨𝐧𝐠𝐨𝐥 #𝟐 𝐥𝐚𝐩𝐢𝐬
- 𝟐 𝐟𝐨𝐥𝐝𝐞𝐫𝐬
- 𝐁𝐚𝐥𝐥𝐩𝐞𝐧
- 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐈𝐃

Good luck, future Iskolars!



  Good News! Sa pagsisikap ni Mayor Ted Carranza na mapabilis ang mga tulong sa mamamayan ng Silang, ipinapakilala ngayo...
11/05/2026

Good News! Sa pagsisikap ni Mayor Ted Carranza na mapabilis ang mga tulong sa mamamayan ng Silang, ipinapakilala ngayon ang Same Day Processing at payout ng financial at medical assistance sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office ng Silang.
Kapag kumpleto ang mga dalang requirements para sa financial at medical assistance ay agad na ding maibibigay ang tulong pinansyal mula sa pamahalaang bayan ng Silang.

📢   | 🚨 𝐉𝐎𝐁 𝐅𝐀𝐈𝐑 𝐀𝐋𝐄𝐑𝐓! 🚨May trabaho na ba ang lahat? 🤔Kung naghahanap ka pa rin ng oportunidad, baka ito na ang pagkaka...
25/03/2026

📢 | 🚨 𝐉𝐎𝐁 𝐅𝐀𝐈𝐑 𝐀𝐋𝐄𝐑𝐓! 🚨
May trabaho na ba ang lahat? 🤔
Kung naghahanap ka pa rin ng oportunidad, baka ito na ang pagkakataon na hinihintay mo!
Inaanyayahan ang lahat ng Silangueño sa gaganaping Job Fair kung saan maraming kumpanya ang naghahanap ng mga bagong empleyado at may on-the-spot hiring!
📅 March 31, 2026 (Tuesday)
📍 WalterMart Shopping Center – San Vicente 2, Silang, Cavite
⏰️ 9:00 AM - 3:00 PM
Kasama sa post na ito ang listahan ng mga kumpanyang kalahok at kanilang job vacancies — kaya siguraduhing i-check at piliin ang posisyong swak sa iyong skills at karanasan.
Dalhin ang inyong updated resume at ballpen para ready agad sa application. Mas maraming kopya, mas maraming oportunidad.
✨ Tag na ang friends mo na naghahanap ng trabaho. Kita-kits sa WalterMart! Baka ito na ang trabahong para sa’yo.


Address

New Municipal Hall Brgy. Biga 1
Silang
4118

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Office Of The Municipal External Affairs Officer posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby government services