19/08/2026
Pag-asa sa Likod ng mga Rehas, Edukasyon para sa Mas Maliwanag na Kinabukasan
Patunay na ang edukasyon ay nananatiling susi sa pagbabago at pagbangon ng bawat indibidwal.
Noong Agosto 17, 2026, matagumpay na isinagawa sa Siquijor District Jail ang College Education Behind Bars (CEBB) ng Siquijor State College
Sa pangunguna ni SJO4 Celerino R Gornez III, acting Warden, katuwang sina JO2 Gil Prudencio G Jumalon, WD Officer, Mrs. Philna S Palongpalong, Extension Director, Mrs. Peachy T Balquilta, Assistant Extension Director, at Ms. Zyxell Jumawan, Guidance Personnel, isinagawa ang Entrance Examination para sa walong (8) Persons Deprived of Liberty (PDL) bilang bahagi ng proseso ng kanilang pagpasok sa Siquijor State College sa ilalim ng College Education Behind Bars (CEBB) Program.
Pinangunahan ni Ms. Zyxell Jumawan ang pangangasiwa ng pagsusulit, habang mahigpit namang tiniyak ng mga jail personnel ang maayos, ligtas, at disiplinadong daloy ng buong aktibidad alinsunod sa mga umiiral na patakaran at alituntunin.
Ang programang ito ay sumasalamin sa matibay na paniniwala na ang edukasyon ay hindi lamang isang karapatan kundi isang makapangyarihang daan tungo sa rehabilitasyon, personal na pagbabago, at matagumpay na pagbabalik ng mga PDL sa lipunan bilang mga responsableng mamamayan.
Sa Siquijor District Jail, ang bawat pagkakataong makapag-aral ay isang hakbang patungo sa panibagong pag-asa, mas maliwanag na kinabukasan, at makabuluhang pagbabago.
BJMPNIR-SDJ-2026-08-08