26/10/2026
Impormasyon At Edukasyon, October 26, 2026, with hosts Rome Man Jebulan and Totep Jimenez Perez; guests ENGR. SANDRO B. NOGUERA, DOST Sorsogon Provincial Director and Engr. Ryan Orogo, PAGASA Sorsogon Chief Meteorological Officer; topics -1. Current El Niño forecast and climate outlook; 2. Activation of El Niño Southern Oscillation Online Platform (ENOP) 3. Mitigation efforts and implementation of actions and plans 4. Relevant interventions and adaptation measures for education sector.
BALITANG EDUKASYON (Oktubre 26, 2026)
DepEd, naghanda ng mga protokol para sa El Niño para sa kaligtasan at tuloy-tuloy na pag-aaral
Nakatakdang maglabas ng mga panuntunan si Education Secretary Sonny Angara na nag-aatas sa lahat ng paaralan sa buong bansa na maghanda para sa inaasahang epekto ng El Niño sa School Year 2026–2027.
Lalamanin ng guidelines ang mga hakbang upang protektahan ang mga mag-aaral mula sa matinding init at kakulangan sa tubig, kasabay ng pagtiyak na magpapatuloy ang klase at mga serbisyo sa school-feeding.
Tugon ang mga panuntunang ito sa advisory ng Department of Science and Technology–Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST–PAGASA) ukol sa posibleng malakas hanggang sa napakalakas na El Niño na maaaring tumindi bago matapos ang taong 2026 at magpatuloy hanggang sa unang kalahati ng 2027.
“Sa ilalim ng paggabay ni Pangulong Marcos, pinatitibay natin ang ating maagap, mapangangalaga at mapagpaunang mga pagtugon upang matiyak na mababawasan ang masamang epekto ng El Niño. Dapat tayong maghanda nang maaga upang maprotektahan ang mga mag-aaral at maipagpatuloy ang mga serbisyong pang-edukasyon sa kabila ng mga pagkagambalang dulot ng klima.,” pahayag ni Angara.
(mula sa DepEd Philippines website)
30
Bagong patakaran ng DepEd sa El Niňo, umaayon sa Guidelines on Learning Continuity in Emergencies
Ipatutupad ng mga paaralan at Community Learning Center (CLC) ang 4H framework na binubuo ng Hayo, Hinay, Hinga, at Hinto upang pamahalaan ang mga lokal na pag-aangkop sa panahon ng krisis sa klima.
Ang 4H Framework ay batay sa DepEd Order No. 014, s. 2026 o ang Guidelines on Learning Continuity in Emergencies na batayan ng ipapalabas na patakaran ng DepEd sa pagtugon sa Super El Niňo.
Sa ilalim ng Hayo, kung saan manageable ang kondisyon, magpapatuloy ang face-to-face classes sa campus ngunit may mga pag-aangkop, tulad ng nakatakdang water breaks, paglilipat ng outdoor activities sa maagang oras ng umaga o sa mga lilim na lugar, at pagpapahintulot ng flexible attire o PE uniform.
Kung pumasok naman sa Hinay na nagpapakita ng heat stress, maaaring magpatupad ang mga paaralan ng modified class days na may kasamang structured home-based o hybrid learning.
Kung umabot naman sa Hinga, na nagpapahiwatig ng pag-iingat sa matinding init o kawalan ng supply ng tubig, malaking mababawasan ang academic demands upang bigyang-prayoridad ang kapakanan ng mga bata, gamit ang mga supplementary learning packet, maiikling aktibidad sa literacy at numeracy, at mga mapagkukunan sa DepEd TV at radyo.
Samantala, sa ilalim ng Hinto na naghuhudyat ng panganib sa kalusugan mula sa mataas na heat index, sususpindihin ang mga gawaing akademiko habang pinanatili ng mga paaralan ang mahalagang komunikasyon, safety check, at referral para sa psychosocial support.
(mula sa DepEd Philippines website)
30
School heads at superintendents, may kapangyarihang magpasya sa pagtugon sa El Niňo ayon sa ipapalabas na utos ng DepED
Binibigyan ang mga pinuno ng mga paaralan at mga superintendente ng dibisyon ng praktikal na kakayahang umangkop upang makapagpasya nang wasto batay sa aktuwal na mga kondisyon sa lugar, bentilasyon ng mga silid-aralan, at pagkakaroon ng tubig.
Ito ang pahayag ni Department of Education o DepEd Secretary Sonny Angara bunsod sa paghahanda ng Kagawaran sa pagtugon sa epekto ng El Niňo.
“Nagtitiwala kami sa aming mga tagapamahala sa larangan na gumawa ng tamang pasya para sa kanilang mga komunidad.” dagdag ni Angara.
Inaatas din sa darating na memorandum ang integrated school-level risk assessment na sumasaklaw sa pagiging maaasahan ng supply ng tubig, bentilasyon sa silid-aralan, tibay ng sistema ng kuryente, at pag-iwas sa sunog.
Upang mapanatili ang serbisyong pangkalusugan at nutrisyon sa panahon ng mahabang tagtuyot, naglatag ang DepEd ng mahigpit na protokol para sa School-Based Feeding Program (SBFP).
Ang mga Schools Division Office (SDO) at school head ay kailangang bumuo ng mga contingency menu, makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan (LGU) at kooperatiba ng magsasaka para sa lokal na supply ng pagkain, at magtabi ng buffer stock ng mga pagkaing hindi madaling masira upang matiyak ang tuloy-tuloy na nutrisyon ng mga mag-aaral.
(mula sa DepEd Philippines website)
30
Pagsubaybay sa temperatura at humidity sa silid-aralan, kabilang sa pangunahing protekyon sa ilalabas na patakaran ng DepED
Kabilang sa mga pangunahing proteksyon ng patakarang ipapalabas ng Department of Education o DepEd ang pagsubaybay sa temperatura at humidity sa silid-aralan gamit ang mga calibrated device, pagpapanatili ng maayos na bentilasyon.
Bibigyan din ng pahintulot ang mga g**o at mag-aaral na magsuot ng preskong damit, kabilang ang opisyal na DepEd collared shirt at PE uniform.
Kailangan ding pangalagaan ng mga paaralan ang seguridad sa tubig sa pamamagitan ng agarang pag-aayos ng mga tagas, paglalagay ng ligtas na inuman, at pakikipag-ugnayan sa mga lokal na utility provider para sa nakatakdang rasyon ng tubig.
Bukod dito, magkakaroon ng buffer stock ng mga pisikal na Self-Learning Module at Learning Activity Sheet para maagang maipamahagi.
Mahihigpit ding ipinagbabawal ng mga alituntunin ang pag-obliga o pagpapasagot sa mga magulang ng anumang bayarin o gastusin tulad ng pagbili ng pampalamig, internet connectivity, o espesyal na kasuotan bilang kondisyon sa flexible learning.
(mula sa DepEd Philippines website)
30