DOST-Sorsogon

Call Directions Website Contact the organization

DOST-Sorsogon Principal instruments of technology transfer & development of S&T enterprises of the govt. in the country.

26/10/2026
26/10/2026
26/10/2026
26/10/2026
26/10/2026
26/10/2026

𝗗𝗢𝗦𝗧𝗸𝘂𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗦𝗲𝗮𝘀𝗼𝗻 𝟯 𝗘𝗽𝗶𝘀𝗼𝗱𝗲 𝟯𝟬: 𝗠𝗮𝗸𝗲-𝗿𝗼𝘀𝗰𝗼𝗽𝗲: 𝗕𝗿𝗶𝗻𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗰𝗶𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗖𝗹𝗼𝘀𝗲𝗿, 𝗢𝗻𝗲 𝗟𝗲𝗻𝘀 𝗮𝘁 𝗮 𝗧𝗶𝗺𝗲

Paano kung ang isang maliit na device na ikinakabit sa smartphone ay makatutulong para mas mapalapit ang siyensya sa mga estudyante?

Kasama ang Make-roscope inventor na si Jeremy De Leon at si Nestor San Juan, Grade 7 Science Teacher ng Gainza National High School, alamin kung paano ginagamit ang portable microscope na ito sa pagtuturo ng science at kung paano nito ginagawang mas accessible at interactive ang pagkatuto sa mga paaralan.

🗓️ 𝗢𝗰𝘁𝗼𝗯𝗲𝗿 𝟮𝟲, 𝟮𝟬𝟮𝟲 (𝗟𝘂𝗻𝗲𝘀) | 𝟬𝟴:𝟱𝟱–𝟬𝟵:𝟮𝟱 𝗔𝗠
📻 𝗖𝗔𝗥𝗘 𝗗𝗪𝗔𝗬-𝗙𝗠



22/10/2026
AKSYONG DOST SORSOGON | 21 OKTUBRE 2026DOST Sorsogon, Nakiisa sa 2026 Sorsogon Investment Summit para Isulong ang Pamumu...
22/10/2026

AKSYONG DOST SORSOGON | 21 OKTUBRE 2026

DOST Sorsogon, Nakiisa sa 2026 Sorsogon Investment Summit para Isulong ang Pamumuhunan at Inobasyon

Aktibong nakiisa ang Department of Science and Technology - Provincial Science and Technology Office (DOST-PSTO) Sorsogon sa 2026 Sorsogon Investment Summit na inorganisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon sa pamamagitan ng Local Economic Development and Investment Promotion Office (LEDIPO).

Layunin ng summit na pagsama-samahin ang mga business leaders, mamumuhunan, at kinatawan ng pamahalaan upang talakayin ang pagpapalakas ng ekonomiya sa larangan ng agrikultura, turismo, imprastraktura, at teknolohiya.
Mga Tampok sa Pakikilahok ng DOST:

• Konsultasyon at Serbisyong Pangnegosyo: Sa pangunguna ng mga kawani ng DOST Sorsogon na sina Ms. Kristine Joy S. Orejo (PT Asst. I) at Ms. Catherine Joy B. Funelas (Admin Asst. II), nagkaroon ng direktang konsultasyon para sa mga lokal na negosyante at mamumuhunan.
• Pagtataguyod ng Inobasyon: Ibinahagi ang mga programa sa pagkuha ng makabagong kagamitan, pagsasanay sa teknolohiya, product testing, at tulong sa pananaliksik upang mapataas ang kalidad ng mga lokal na produkto.
• DOST Scholarship Program: Itinaguyod din ang mga oportunidad sa scholarship para sa mga kwalipikadong mag-aaral.

Sa pamamagitan ng patuloy na kolaborasyon sa pagitan ng gobyerno at pribadong sektor, layunin ng DOST na maghatid ng makabagong teknolohiya sa mga komunidad upang magbukas ng mas maraming oportunidad sa trabaho at isulong ang sustainable at inclusive economic growth sa Sorsogon at sa buong Bicol Region.








𝐀𝐊𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐃𝐎𝐒𝐓-𝐒𝐎𝐑𝐒𝐎𝐆𝐎𝐍 | 𝟐𝟎 𝐎𝐂𝐓𝐎𝐁𝐄𝐑 𝟐𝟎𝟐𝟔𝑷𝒓𝒊𝒐𝒓𝒊𝒅𝒂𝒅 𝒂𝒕 𝑫𝒊𝒓𝒆𝒌𝒔𝒊𝒚𝒐𝒏: 𝑫𝑶𝑺𝑻-𝑺𝒐𝒓𝒔𝒐𝒈𝒐𝒏, 𝒊𝒔𝒊𝒏𝒂𝒈𝒂𝒘𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒀𝒆𝒂𝒓-𝒆𝒏𝒅 𝑷𝒍𝒂𝒏𝒏𝒊𝒏𝒈 𝑨𝒄𝒕𝒊𝒗𝒊𝒕𝒚 ...
22/10/2026

𝐀𝐊𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐃𝐎𝐒𝐓-𝐒𝐎𝐑𝐒𝐎𝐆𝐎𝐍 | 𝟐𝟎 𝐎𝐂𝐓𝐎𝐁𝐄𝐑 𝟐𝟎𝟐𝟔

𝑷𝒓𝒊𝒐𝒓𝒊𝒅𝒂𝒅 𝒂𝒕 𝑫𝒊𝒓𝒆𝒌𝒔𝒊𝒚𝒐𝒏: 𝑫𝑶𝑺𝑻-𝑺𝒐𝒓𝒔𝒐𝒈𝒐𝒏, 𝒊𝒔𝒊𝒏𝒂𝒈𝒂𝒘𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒀𝒆𝒂𝒓-𝒆𝒏𝒅 𝑷𝒍𝒂𝒏𝒏𝒊𝒏𝒈 𝑨𝒄𝒕𝒊𝒗𝒊𝒕𝒚

Sorsogon City | Pinagtibay ng Department of Science and Technology–Sorsogon (DOST-Sorsogon), sa pakikipagtulungan sa Sorsogon State University (SorSU), ang kanilang ugnayan sa pamamagitan ng isang year-end planning activity na nakatuon sa pagsusuri ng mga kasalukuyang inisyatiba, pagtukoy sa mga bagong oportunidad, at pagtatakda ng mga prayoridad para sa mga susunod na taon.

Naging sentro ng talakayan ang paglalahad ng mga umiiral na collaborative projects at research, gayundin ang pagtukoy sa mga sektor na nangangailangan ng karagdagang suporta at mga posibleng interventions. Sa pamamagitan ng sama-samang pagpaplano, higit na nabigyang-linaw ang direksiyon at mga layuning magsisilbing gabay sa pagpapatibay ng kolaborasyon at pagbuo ng mga bagong inisyatibo.

Sa patuloy na pagtutulungan ng DOST-Sorsogon at SorSU, pinagtitibay ang iisang direksiyon tungo sa mas makabuluhang paggamit ng agham, teknolohiya, at inobasyon para sa isang mas matatag na Sorsogon.








AKSYONG DOST-SORSOGON- 20 OCTOBER 2026Pagbubuklod ng mga Lokal na Organisasyon sa Donsol: Tungo sa Matatag na KomunidadN...
21/10/2026

AKSYONG DOST-SORSOGON- 20 OCTOBER 2026

Pagbubuklod ng mga Lokal na Organisasyon sa Donsol: Tungo sa Matatag na Komunidad

Nakiisa ang Department of Science and Technology – Provincial Science and Technology Office (PSTO) Sorsogon sa isang makabuluhang oryentasyon na naglalayong pag-isahin ang iba’t ibang rehistradong organisasyon sa bayan ng Donsol at mailapit sa kanila ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan.

Sa ilalim ng temang “DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) Orientation Program: Kabuhayan Para sa Matatag na Kinabukasan”, inorganisa ng Public Employment Service Office (PESO) Donsol ang pagtitipon na dinaluhan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang ipaliwanag at ibahagi ang kanilang mga programa para sa pangkabuhayan at kaunlaran ng komunidad.

Dumalo sa aktibidad ang mga samahan ng mangingisda, kababaihan, mangangalakal, paraoma at iba pang lokal na grupo. Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga kalahok na makipag-ugnayan at humingi ng suporta mula sa mga pangunahing ahensya gaya ng DOLE, TESDA, DTI, at DOST.

Nagbigay ang programa ng kaalaman, pag-asa, at oportunidad upang maiangat ang kabuhayan ng mga mamamayan, kasabay ng pagpapatibay ng kanilang organisasyon. Ang aktibidad na ito ay patunay ng patuloy na komitment ng pamahalaan na ilapit ang mga serbisyo publiko sa bawat Donsolano, tungo sa mas matatag at maunlad na kinabukasan ng komunidad.








Address

Magsaysay Street
Sorsogon
4700

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639491227054

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DOST-Sorsogon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DOST-Sorsogon:

Share

Nearby government services