27/10/2026
💧☀️ PAGHAHANDA SA EL NIÑO | Sto. Domingo Elementary School 💙
Ligtas na Paaralan, Tuloy-tuloy na Pag-aaral! 📚🌞
Sa gitna ng matinding init na dulot ng El Niño, mahalagang maging handa, maingat, at mapagmatyag upang mapanatili ang kalusugan at kaligtasan ng bawat Batang Dominican.
Bilang bahagi ng ating patuloy na pagsisikap na magkaroon ng ligtas at maayos na kapaligiran sa paaralan, hinihikayat ng Sto. Domingo Elementary School ang mga g**o, magulang, at mag-aaral na isabuhay ang mga sumusunod na paalala:
🌡️ Subaybayan ang Temperatura. Regular na tingnan ang temperatura at humidity sa mga silid-aralan upang matiyak ang komportableng kapaligiran para sa pag-aaral.
📋 Maging Alisto sa Heat Index. Sundin ang mga gabay at panuntunang pangkaligtasan, kabilang ang 4H Guide, Ang 4 na Lebel ng 4H Framework
- HAYO (Karaniwang Kondisyon / Mababa sa 27°C):
- Tuloy ang face-to-face na klase.
- May mga regular na water break o painuman.
- Maaliwalas ang mga silid-aralan at ililipat sa mas malamig na oras o lilim ang mga gawaing panlabas.
- Pinapayagan ang mas magaan o flexible na kasuotan.
- HINAY (Katamtamang Init / 27°C–32°C):
- Maaaring paikliin ang oras ng face-to-face na klase.
- Pagsasaayos ng iskedyul o paglipat sa hybrid/home-based learning.
- HINGA (Mataas na Init / 33°C–41°C):
- Suspindido ang face-to-face na klase.
- Bawasan ang akademikong gawain.
- Paggamit ng light learning tasks, printed learning packets, o DepEd TV/radyo.
- HINTO (Mapanganib na Init / 42°C at pataas):
- Awtomatikong suspindido ang lahat ng aktibidad sa akademiko, kabilang ang home-based learning.
- Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga g**o sa mga magulang para sa safety check. maiwasan ang mga panganib na dulot ng matinding init.
💧 Unahin ang Kalusugan at Kaligtasan. Hikayatin ang mga mag-aaral na uminom ng sapat na malinis na tubig, magsuot ng presko at angkop na damit, at ipagpatuloy ang mga programang pangkalusugan at nutrisyon.
⚡ Maging Handa Laban sa Sunog. Suriin ang mga koneksiyon ng kuryente at alisin ang mga tuyong halaman at iba pang bagay na maaaring pagmulan ng sunog.
🤝 Magtulungan para sa Kaligtasan. Sa pagkakaisa ng paaralan, mga magulang, at komunidad, makalilikha tayo ng isang ligtas, malusog, at kaaya-ayang kapaligiran para sa pagkatuto ng bawat bata.
❤️ Tandaan, mga Batang Dominican: Ang kaligtasan ay pananagutan nating lahat!
Sama-sama nating harapin ang El Niño nang may kahandaan, pag-iingat, at malasakit sa isa't isa. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagsunod sa mga wastong hakbang, maipagpapatuloy natin ang pagkatuto sa kabila ng matinding init.
Sto. Domingo Elementary School
Ligtas na Paaralan, Malusog na Mag-aaral, Matagumpay na Kinabukasan!