Leyte 1st Congressional District Office

Leyte 1st Congressional District Office

Share

Leyte First District Congressional Office of Cong. Ferdinand Martin G. Romualdez

27/05/2026

Isang mapayapa at mapagpalang Eid al-Adha sa ating mga kapatid na Muslim!

Kaisa ninyo po kami sa paggunita sa diwa ng sakripisyo, pananampalataya, at pagmamahal sa kapwa. Eid Mubarak! ๐ŸŒ™โœจ



25/05/2026

๐€๐ง๐š๐ค ๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ง๐ข๐ค๐ฎ๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐š ๐š๐ญ ๐ญ๐ซ๐š๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ ๐ž๐ง๐Ÿ๐จ๐ซ๐œ๐ž๐ซ, ๐‹๐ข๐œ๐ž๐ง๐ฌ๐ž๐ ๐๐ซ๐จ๐Ÿ๐ž๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐“๐ž๐š๐œ๐ก๐ž๐ซ ๐ง๐š!

Kung mayroon man daw isang taong sinamantala ang mga pwedeng maibigay na tulong ng pamahalaan, si Marlyn Abalos โ€˜yun.

Ang isa sa lubos niyang ipinagpapasalamat ay ang scholarship na naipagkaloob sa kaniyang panganay na anak, na ngayon ay isa nang ganap na licensed professional teacher.

Panoorin ang kanilang kwento ng pagsisikap, pag-asa, at tagumpay.




24/05/2026

Buong linggo mong inuna ang mundo. Ngayong araw, ibalik mo naman ang kapayapaan sa sarili mo. Hindi kasalanan ang mapagod, at mas laging hindi kasalanan ang mamili ng sariling kapayapaan.

Huminga ka muna. Karapatan mo โ€™yan. Happy Sunday po! ๐Ÿ™๐Ÿผ

22/05/2026

๐๐“๐‚๐€ ๐ฆ๐š๐ฌ ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฌ: ๐Œ๐š๐ ๐ฎ๐ฅ๐š๐ง๐ , ๐ ๐ฎ๐ซ๐จ ๐š๐ญ ๐ค๐จ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐๐š๐ ๐ฆ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ฆ๐š-๐ฌ๐š๐ฆ๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐๐ž๐ค๐š๐ฅ๐ข๐๐š๐ ๐ง๐š ๐ž๐๐ฎ๐ค๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง

Isinusulong ngayon ni Congressman Martin Romualdez ang Parent-Teacher and Community Association Act o ang House Bill No. 2972. Layunin ng panukalang ito na palawakin ang papel ng Parent-Teacher and Community Association (PTCA) upang mas maging aktibo sa paghubog ng mga kabataan.

Narito ang mga pangunahing pagbabago:
โœ… Pinalawak na Membership: Bukod sa magulang at g**o, kabilang na rin ang social workers, health workers, at child rights experts.
โœ… Automatic Membership: Ang lahat ng magulang at guardian ng mga batang naka-enroll sa mga Child Development Centers at basic education schools ay awtomatikong magiging miyembro ng PTCA.
โœ… Holistic Development: Ang PTCA ang gagawa ng mga programa upang masig**ong ang mga bata ay lumaking well-rounded, stable, at civic-oriented.
โœ… Child Protection: Magiging katuwang ang PTCA sa pagpapatupad at pagbabantay ng mga child protection policy sa loob at labas ng paaralan.
โœ… Boses ng Kabataan: Obligadong konsultahin ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng student council, sa pagbuo ng mga plano at aktibidad na para sa kanila.

Binibigyang-diin din ng House Bill No. 2972 na ang pagpapalaki at pag-protekta sa mga bata ay isang shared responsibility ng magulang, paaralan, at komunidad.




21/05/2026

๐“๐ฎ๐ง๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐ข๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง: '๐๐จ ๐ฐ๐จ๐ซ๐ค, ๐๐จ ๐ฉ๐š๐ฒ' ๐ง๐š ๐ฆ๐š๐ ๐ฎ๐ฅ๐š๐ง๐ , ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ฆ๐š๐ฒ ๐š๐ง๐š๐ค ๐ง๐š๐ง๐  ๐ฌ๐จ๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐ฐ๐จ๐ซ๐ค๐ž๐ซ!

Sa kabila ng hirap sa gastusin at hindi permanenteng kita, naging sandigan ng pamilya Vergara ang Tulong-Dunong Program (TDP) Scholarship ni Cong. Martin Romualdez. Naipagkaloob ito sa anak ni Jocelyn na nakapagtapos sa kursong Bachelor of Science in Social Work (BSSW) sa Leyte Normal University.

Kung dati ay isa sila sa mga humihingi ng tulong dahil sa kakapusan, ngayon ay labis ang pasasalamat at kaligayahan ni Jocelyn dahil ang kaniya mismong anak na ang nagtatrabaho sa DSWD upang magpaabot ng tulong sa mga nangangailangan. .

Panoorin ang kanilang kwento ng pagsisikap at tagumpay.




19/05/2026

๐‰๐ฎ๐ง๐ค ๐Ÿ๐จ๐จ๐ ๐š๐ญ ๐ฌ๐ฎ๐ ๐š๐ซ-๐ฌ๐ฐ๐ž๐ž๐ญ๐ž๐ง๐ž๐ ๐›๐ž๐ฏ๐ž๐ซ๐š๐ ๐ž๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ฅ๐จ๐จ๐› ๐š๐ญ ๐ฅ๐š๐›๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐ฌ๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ, ๐›๐š๐ฐ๐š๐ฅ ๐ง๐š!

Upang mas maprotektahan ang kalusugan ng mga mag-aaral, isinusulong ni Cong. Martin Romualdez sa ilalim ng House Bill 2773 o "Healthy Schools Food Environment Act" ang pagbabawal ng mga junk food at matatamis na inumin sa loob at labas ng mga paaralan.

Ano ang nilalaman ng HB 2773?
โœ… Healthier Options: Ipagbabawal na ang pagbebenta ng unhealthy food at sugar-sweetened beverages sa loob ng mga paaralan.
โœ… 100-Meter Buffer Zone: Hindi lang sa loob ng school, kundi pati na ang mga tindahan within 100-meter radius mula sa gate ng eskwelahan ay sakop ng regulasyon.
โœ… Nutrient Profiling: May susunding "Green, Yellow, at Red List" ang lahat ng mga nagtitinda ganudin ang scool canteen para masig**o na masustansya ang mga pagkaing ibinibenta nila.
โœ… Sponsorship Ban: Bawal na ang mga advertisement o sponsorship ng mga unhealthy food brand sa mga school event.

Sama-sama nating protektahan ang kalusugan ng mga kabataan. Dahil ang batang malusog ay mas masigla at mas mabilis matuto!




18/05/2026

๐“๐ฎ๐ง๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐ข๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง: ๐€๐ง๐š๐ค ๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ค๐š ๐š๐ญ ๐ญ๐ข๐œ๐ค๐ž๐ญ๐ข๐ง๐  ๐š๐ ๐ž๐ง๐ญ, ๐ ๐ซ๐š๐๐ฎ๐š๐ญ๐ž ๐ง๐š!

Sa hirap ng buhay at hindi permanenteng kita, naging sandigan ng pamilya Metante ang Tulong Dunong Program (TDP) Scholarship ni Cong. Martin Romualdez. Naipagkaloob ito sa anak ni Lucil na si April Anne na kaka-graduate lang sa kursong Bachelor of Science in Tourism Management (BSTM).

Lubos ang pasasalamat ni Lucil sa naipagkaloob na oportunidad sa panganay na anak. Magsasaka ang asawa ni Lucil at siya naman ay isang ticketing agent sa terminal.

Panoorin ang kanilang kwento ng pagsisikap at tagumpay.




17/05/2026

Ang buhay ay hindi paligsahan kung sino ang nauuna. Ang tunay na tagumpay ay ang pagbibigay-oras sa sarili na huminto, huminga, at magpasalamat sa iyong mga narating.

Salamat sa iyong katatagan at hindi pagsuko. Bitawan mo ang mga pasanin at kabiguan na hindi saklaw ng iyong control. Huminga ka nang malalim, magpahinga ka. Handa ka na para sa panibagong bukas. ๐Ÿค

15/05/2026

๐’๐š ๐‡๐จ๐ฎ๐ฌ๐ž ๐๐ข๐ฅ๐ฅ ๐Ÿ’๐Ÿ๐Ÿ’๐Ÿ—, ๐„๐’๐’๐”-๐€๐ซ๐ญ๐ž๐œ๐ก๐ž, ๐“๐š๐ซ๐ ๐ž๐ญ ๐†๐š๐ฐ๐ข๐ง๐  ๐‘๐ž๐ ๐ฎ๐ฅ๐š๐ซ ๐‚๐š๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐ฌ

Para sa mga estudyanteng taga-Arteche at karatig-bayan, alam natin ang hirap ng byahe at bigat ng gastos para lamang makakuha ng de-kalidad na edukasyon.

Ngunit sa gitna ng pagod, may hatid na bagong pag-asa ang House Bill No. 4249.

Ang panukalang batas na ito, na inihain ni Congressman Martin Romualdez kasama sina Rep. Yedda Marie Romualdez, Rep. Andrew Julian Romualdez, at Rep. Jude Acidre, ay naglalayong gawing regular campus ang ESSU-Arteche. Layunin nito na magbukas ng mas maraming kurso at mas magandang pasilidad mismo sa ating bayan upang hindi na kailangang lumayo pa ng ating mga kabataan.

Isang hakbang ito tungo sa pangarap na walang naiiwan dahil sa layo o gastos. Naniniwala tayo na sa tulong ng mga ganitong inisyatiba, mas magiging abot-kamay ang diploma para sa bawat pamilyang taga-Eastern Samar.

Tuloy ang laban para sa edukasyon!




14/05/2026

๐๐š๐ง๐ ๐š๐ซ๐š๐ฉ ๐ง๐š ๐ฏ๐ฎ๐ฅ๐œ๐š๐ง๐ข๐ณ๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐š๐œ๐ก๐ข๐ง๐ž๐ฌ, ๐ง๐š๐ญ๐ฎ๐ฉ๐š๐!

Kung dati mano-mano ang pagkukumpuni sa kaniyang maliit na vulcanizing shop, ngayon, may sariling air compressor, electric impact wrench, at jack stand na si Lito Camero. Isa si Lito sa mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD at ni Cong. Martin Romualdez sa Leyte.

Ngayon, mas mabilis at episyente na ang paghahanap-buhay ni Lito. Natutugunan at natutustusan na rin niya ang pag-aaral ng kaniyang tatlong anak.

Panoorin ang kaniyang mga pagsisikap.




Want your business to be the top-listed Government Service in Tacloban City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Tingog Community Center, Real Corner Calanipawan Street , Sagkahan
Tacloban City
6500

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm