13/10/2026
NATIONAL SCHOOL SAFETY WEEK 2026 October 12, 2026
"Ligtas na Paaralan, Protektadong Kabataan, Maunlad na Kinabukasan!"
Matagumpay na nakiisa ang Barangay San Pablo, Taft, Eastern Samar sa pagdiriwang ng National School Safety Week na ginanap noong October 12, 2026, bilang pagpapakita ng sama-samang suporta at pakikiisa sa pagpapanatili ng isang ligtas, maayos, at protektadong kapaligiran para sa bawat mag-aaral.
Bahagi ng gawaing ito ang Signing of the Commitment Wall, na sumisimbolo sa nagkakaisang paninindigan at pangako ng paaralan, pamahalaang barangay, mga magulang, at ng buong komunidad na patuloy na itaguyod ang kaligtasan, kahandaan, at kapakanan ng ating mga kabataan.
Ang aktibidad ay dinaluhan at sinuportahan nina:
👨🏫 Sir Robert S. Suyo ~ School In-Charge
👩💼 Hon. Milagros C. Mateo ~ Punong Barangay
🏛️ Mga Miyembro ng Sangguniang Barangay
🧑🤝🧑 Hon. Ronalyn O. Sagales ~ SK Chairperson
🌱 Marilyn P. Matiga ~Barangay Nutrition Scholars (BNS)
🩺 Elsie M. Morallos
Riza C. Yarin at Marina D. Dela Cruz ~Barangay Health Workers (BHWs)
🛡️ Dominador S. Sabijon,
Allan G. Matiga
Edgar H. Matiga
Romeo O. Bantilan
Felix O. Tebrero Jr.
Renante A. Tebrero
Anthony A. Tebrero
~Barangay Tanods
👨👩👧👦 Mga Magulang
Taos-puso ang ating pasasalamat sa pamunuan ng paaralan, sa pangunguna ni Sir Robert S. Suyo, at sa lahat ng g**o mula Kender, Grade-1 to Grade-6, sa mga opisyal ng barangay, mga kawani, at sa lahat ng mga magulang na naglaan ng kanilang oras at suporta upang maging makabuluhan ang gawaing ito.
Patuloy po nating pagtibayin ang ating pagkakaisa upang matiyak na ang bawat bata ay makapag-aral sa isang kapaligirang ligtas, maayos, at malayo sa anumang panganib. Tandaan natin na ang kaligtasan ng mga mag-aaral ay hindi lamang responsibilidad ng paaralan, kundi tungkulin ng bawat isa sa ating komunidad.
Sa sama-samang pagkilos at pagtutulungan, makakamit natin ang isang ligtas na paaralan at mas maliwanag na kinabukasan para sa ating mga kabataan!
✨Barangay San Pablo, Taft, Eastern Samar