02/06/2026
๐๐๐ป๐ฒ ๐ฎ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ - ๐๐น๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐ข๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป
Sa pangunguna ng mga kasapi ng Barangay Safety and Monitoring Unit, na pinamumunuan ni Alpha Angel Cabanglan, katuwang ang Barangay Road Safety Officers ng Mulawin, ay isinagawa ang Barangay Road Clearing Operations.
Layunin ng nasabing aktibidad na matiyak ang maayos at ligtas na daloy ng trapiko, alisin ang mga sagabal sa kalsada, at mapanatili ang kaayusan sa mga pangunahing lansangan ng barangay. Patuloy ang barangay sa pagpapatupad ng ganitong mga hakbang para sa kaligtasan at kapakanan ng lahat ng mamamayan.
02/06/2026
๐๐๐ป๐ฒ ๐ฎ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ- ๐๐ผ๐๐ถ๐ธ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐
Ang ating Botika sa Barangay ay patuloy na maghahatid ng tamang gamot at serbisyong medikal para sa ating mga Mulawenyos. Titiyakin namin na bawat isa ay may access sa ๐น๐ถ๐ฏ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ด ๐ด๐ฎ๐บ๐ผ๐ at maaasahang serbisyong pangkalusugan.
Sa Botika sa Barangay, ang inyong kalusugan ang aming pangunahing layunin, kayaโt patuloy kaming magbibigay ng nararapat at wastong pangangalaga.
Sama-sama tayong magtulungan para sa isang mas malusog at mas masiglang Barangay Mulawin.
02/06/2026
๐๐๐ป๐ฒ ๐ฎ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ - ๐งugon ๐ฎ๐ ๐abay
Patuloy po kaming maglilingkod at magbibigay ng serbisyo sa ating mga ka-barangay na nangangailangan ng tulong o may mga suliraning gustong ilapit sa Barangay Mulawin. Kami po ay narito upang makinig at magbigay ng agarang aksyon sa inyong mga pangangailangan at problema. Hindi po namin kayo pababayaan at sisiguraduhing lahat ng inyong hinaing ay mabibigyan ng karampatang solusyon.
Huwag po kayong mag-atubiling lumapit at magbigay-alam sa amin dahil ang aming tanggapan ay palaging bukas at ang aming mga lingkod-barangay ay palaging handang tumugon sa inyong mga pangangailangan.
Maraming salamat po at nawa'y patuloy tayong magtulungan para sa ikabubuti ng ating barangay. Magkaisa po tayo sa pag-abot ng mas maunlad at matiwasay na Barangay Mulawin.
02/06/2026
๐๐๐ป๐ฒ ๐ญ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ - ๐๐ฟ๐ถ๐ด๐ฎ๐ฑ๐ฎ ๐๐๐ธ๐๐ฒ๐น๐ฎ
Nakiisa ang Barangay Mulawin sa matagumpay na pagsisimula ng Brigada Eskwela sa Sanja Mayor Elementary School bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase. Sa pangunguna ng mga opisyal ng barangay, katuwang ang mga g**o, magulang, at mga boluntaryo, isinagawa ang ibaโt ibang gawain tulad ng paglilinis ng silid-aralan, pagkukumpuni ng mga pasilidad, at pagsasaayos ng kapaligiran ng paaralan upang matiyak ang ligtas at maayos na pag-aaral ng mga mag-aaral.
Lubos ang pasasalamat ng Barangay Mulawin sa lahat ng nakiisa, naglaan ng oras, at nagbigay ng tulong para sa matagumpay na unang araw ng Brigada Eskwela. Ang inyong kooperasyon at malasakit ay patunay ng tunay na bayanihan para sa kapakanan ng kabataan at kinabukasan ng edukasyon. Maraming salamat po!
02/06/2026
๐๐๐ป๐ฒ ๐ฎ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ - ๐ฆeguridad ๐ ulawin
Sa pangunguna ng ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฒ๐ฎ๐ฐ๐ฒ & ๐ฆ๐ฒ๐ฐ๐๐ฟ๐ถ๐๐ ๐จ๐ป๐ถ๐ (๐๐ฃ๐ฆ๐จ), patuloy po tayong nagpapatrolya sa bawat sulok at lugar ng Barangay Mulawin upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan. Ang ating mga masigasig na mga miyembro ng BPSU ay walang sawang naglilingkod upang maiwasan ang anumang posibleng kriminalidad at upang matiyak ang kaligtasan ng bawat residente. Ang kanilang presensya ay nagsisilbing balakid laban sa mga masasamang loob na nagnanais maghasik ng kaguluhan sa ating komunidad.
Sama-sama po tayong magtulungan para sa mas maunlad, mas ligtas, at mas progresibong Barangay Mulawin.
02/06/2026
๐๐๐ป๐ฒ ๐ฎ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ - ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ฎ๐๐๐๐ฎ๐ป
Patuloy ang ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฒ๐ป๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐น ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ ๐จ๐ป๐ถ๐ (๐๐๐ฆ๐จ) sa masinsinang paglilinis ng mga pangunahing kalsada at pampublikong lugar sa Barangay Mulawin. Araw-araw, naglilingkod sila upang tiyakin na ang Tanza-Trece Road, Nia Road, at ang buong compound ng Barangay ay malinis at maayos. Sa tulong ng mga masigasig na Maintenance Officer, sinisig**o nilang walang bahagi ng barangay ang napapabayaan, kabilang ang paglilinis ng mga eskinita upang maiwasan ang pagdami ng basura at mga posibleng sanhi ng sakit.
Ang dedikasyon ng BGSU ay mahalaga sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan, na nagbibigay ng ligtas at maayos na kapaligiran para sa lahat.
01/06/2026
๐ ๐ฎ๐ ๐ฏ๐ญ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ - ๐๐น๐ผ๐ฟ๐ฒ๐ ๐๐ฒ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Matagumpay na naisagawa sa Barangay Mulawin ang Flores de Maria 2026 sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan. Layunin ng gawaing ito na ipakita ang debosyon sa Mahal na Birheng Maria at mapalalim ang pananampalataya ng bawat kabataan at mamamayan sa komunidad.
Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot sa lahat ng nakiisa, tumulong, at naglaan ng oras upang maging matagumpay ang pagdiriwang na ito. Higit na pasasalamat sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Mulawin sa kanilang mahusay na pamumuno at dedikasyon sa pagsasakatuparan ng makabuluhang gawaing ito.
Nawaโy magpatuloy ang ganitong mga aktibidad na nagpapatibay sa ating pananampalataya at lalo pang nagbubuklod sa ating komunidad.
01/06/2026
๐๐๐ป๐ฒ ๐ญ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ - ๐ญ๐๐บ๐ฏ๐ฎ
Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at naki-Zumba sa atin ngayong Linggo na ginanap sa VillaMonteverde Court. Ang inyong aktibong pakikilahok ay tunay na nagpasigla sa ating komunidad.
Maraming salamat din po sa ating Mayor Matro Bros. sa inyong suporta sa mga ganitong aktibidad.
Kaya naman, iniimbitahan namin kayong muli na sumali sa ating regular na Zumba Session tuwing Linggo, mula 5:00 PM hanggang 6:00 PM sa Barangay Covered Court. Huwag palampasin ang pagkakataong ito upang maging masigla at malusog.
Sama-sama po nating itaguyod ang kampanya para sa isang fit at healthy na pangangatawan para sa lahat ng ating mga Ka-Barangay.
01/06/2026
๐๐๐ป๐ฒ ๐ญ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ - ๐งugon ๐ฎ๐ ๐abay
Patuloy po kaming maglilingkod at magbibigay ng serbisyo sa ating mga ka-barangay na nangangailangan ng tulong o may mga suliraning gustong ilapit sa Barangay Mulawin. Kami po ay narito upang makinig at magbigay ng agarang aksyon sa inyong mga pangangailangan at problema. Hindi po namin kayo pababayaan at sisiguraduhing lahat ng inyong hinaing ay mabibigyan ng karampatang solusyon.
Huwag po kayong mag-atubiling lumapit at magbigay-alam sa amin dahil ang aming tanggapan ay palaging bukas at ang aming mga lingkod-barangay ay palaging handang tumugon sa inyong mga pangangailangan.
Maraming salamat po at nawa'y patuloy tayong magtulungan para sa ikabubuti ng ating barangay. Magkaisa po tayo sa pag-abot ng mas maunlad at matiwasay na Barangay Mulawin.
01/06/2026
๐๐๐ป๐ฒ ๐ญ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ - ๐ฆeguridad ๐ ulawin