Pamahalaang Barangay Dolores Taytay, Rizal

Pamahalaang Barangay Dolores Taytay, Rizal

Share

SMILE DOLORES ! Serbisyong May Ngiti at Pagkakaisa! Ang barangay Dolores ay mahaLin, pag-iSAhin, paSiglahin at Paunlarin.

Photos from Pamahalaang Barangay Dolores Taytay, Rizal's post 03/06/2026

Regular Garbage Collection | June 3, 2026

Patuloy sa pag-iikot ang ating Gso Brgy Dolores na mahakutan ng basura ang bawat lugar sa ating barangay kabilang ang:
πŸ“ Montevista
πŸ“ Gonzaga
πŸ“ Costalina
πŸ“ Magandang Lahi
πŸ“ Naval
πŸ“ Bukal 1

Para sa schedule ng mga truck sa paghahakot ng basura sa ating barangay, maari itong makita sa link: https://www.facebook.com/share/p/15wGuvMPTb/



Photos from Pamahalaang Barangay Dolores Taytay, Rizal's post 03/06/2026

🚨 BABALA SA PUBLIKO! 🚨

May kumakalat na pekeng Barangay Certificate na may PEKENG PIRMA. Kasalukuyan na itong iniimbestigahan ng Pamahalaang Barangay Dolores.

⚠️ Paalala sa lahat:
Ang lehitimong Barangay Certificate ay maaari lamang makuha sa Barangay Hall ng Dolores.

Huwag tumanggap o gumamit ng anumang dokumentong hindi nagmumula sa opisyal na tanggapan ng barangay. Maging mapanuri upang maiwasan ang anumang legal na suliranin.



Photos from Pamahalaang Barangay Dolores Taytay, Rizal's post 03/06/2026

Regular Street Sweeping | June 3, 2026

Ngayong araw ay nag sagawa ng paglilinis ang masisipag nating street sweepers mula sa Gso Brgy Dolores.

Paalala po sa lahat: Huwag magtapon ng basura sa kalsada, sapa, ilog, at iba pang daanan ng tubig. Sama-sama tayong magpanatili ng malinis at ligtas na kapaligiran!β™»οΈπŸ§Ή

β€œKap-linisan sa Kalsada, Kap-ginhawaan ng Bawat Isa!”

Photo CreditsπŸ“·- Sweeper



Photos from Pamahalaang Barangay Dolores Taytay, Rizal's post 03/06/2026

PAGBISITA NG DZMM RADYO PATROL πŸ“» | June 3, 2026

Ngayong araw ay bumisita sa Barangay Dolores ang mga kinatawan ng DZMM Radyo Patrol 630 upang maghatid ng saya, papremyo, at tulong sa ating mga kabarangay.

Naging masaya ang kanilang pagbisita kung saan nagkaroon ng mga palaro at iba’t ibang aktibidad. Kabilang sa mga nagwagi at nabigyan ng papremyo ang ilan sa ating mga sweeper at barangay tanod.

Taos-pusong nagpapasalamat ang Pamahalaang Barangay Dolores sa pangunguna ni Kapitan Inye Pacleb, kasama ang ika-9 na Sangguniang Barangay, sa buong DZMM Radyo Patrol 630 sa kanilang oras, malasakit, at mga biyayang ibinahagi nila.πŸ’™



Photos from Pamahalaang Barangay Dolores Taytay, Rizal's post 03/06/2026

Peacekeeping Roving | June 3, 2026

Patuloy ang roving ng ating mga Barangay Tanod katuwang ang Pulis ng Barangay
upang masiguro ang maayos na pagpapatupad ng curfew at mapanatili ang kaayusan sa ating barangay.

πŸ“’ Curfew Hours: 10:00 PM – 4:00 AM
πŸ“œ Barangay Ordinance No. 12, s. 2024

Para sa mga ulat o reklamo, maaaring makipag-ugnayan sa:
πŸ“± 0918-911-7046 (BPSO Poblacion)
πŸ“± 0918-911-0026 (BPSO Satellite)

πŸ“· Photo Credits: BPSO


Photos from Pamahalaang Barangay Dolores Taytay, Rizal's post 02/06/2026

Barangay Health Services 🩹 | June 2, 2026

Narito ang mga serbisyong pangkalusugan ngayon araw sa mga sumusunod na Health Centers:
πŸ“ Brgy. Health Office & RHU 1 – Poblacion
πŸ“ HFEP Cabrera Hapay Na Mangga-Health Center
πŸ“ Tibagan -Health Center
πŸ“ Bato bato1-Health Center
πŸ“ Tikling-Health Center
πŸ“ Purok 1 Hapay na Mangga-Health Center
πŸ“ Upper Libed-Health Center
πŸ“ Mapayapa-Health Center
πŸ“Don Enrique/Pyramid-Health Center

Patuloy ang Pamahalaang Barangay Dolores sa paghahatid ng dekalidad at abot-kayang serbisyong medikal para sa ating mga kabarangay.



Photos from Pamahalaang Barangay Dolores Taytay, Rizal's post 02/06/2026

Oath-Taking Ceremony | June 3, 2026

Ngayong araw ay pormal nang nanumpa ang mga bagong halal na opisyal ng Samahan ng Kababaihan ng Koolong sa pangunguna ng ating butihing Kapitan Inye Pacleb, kasama sina Sk Kag. Rena De Leon NaΓ±os at Brgy. Admin Miguel Chan.

Isang taos-pusong pagbati mula sa Pamahalaang Barangay Dolores sa mga bagong opisyal! Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa mas makabuluhang paglilingkod para sa ating mga ka-barangay. πŸ’™



Photos from Pamahalaang Barangay Dolores Taytay, Rizal's post 02/06/2026

🦷 LIBRENG TOOTH EXTRACTION (BUNOT) SA BARANGAY DOLORES! 🦷

Isang nakangiting araw sa ating mga ka-Barangay!

Matagumpay na naisagawa ngayon araw , ang libreng bunot ng ngipin para sa ating mga kabarangay sa Poblacion Health Center. Ito ay sa pangunguna ni Dra. Theresse Sta. Ana, katuwang ang ating masisipag na Barangay Health Office (BHW).

Sa kabuuan, mayroong 12 pasyente ang nabunutan at nabigyan ng serbisyong medikal.

Patuloy po ang Pamahalaang Barangay Dolores sa paghahatid ng mga programang pangkalusugan para sa bawat pamilya. Maraming salamat po!



02/06/2026

ANUNSYO: BAKUNA KONTRA ORAL POLIO VACCINE

Nananawagan po ang ating Pamahalaang Barangay Dolores para mga magulang na may mga babies na kulang pa sa bakunang Oral Polio Vaccine (OPV)

🏒 Saan pupunta? Sa pinakamalapit na Health Center na nakakasakop sa inyong lugar upang humingi ng schedule.

πŸ“ Para sa Poblacion HC: Maaari na kayong pumunta ngayong darating na Miyerkules (June 3, 2026), 8:00 AM.

πŸ“‹ Ano ang dadalhin? Ang Immunization/Bakuna Card ng bata.

Mahalaga ang kumpletong bakuna para sa kalusugan at kaligtasan ng ating mga anak. πŸ’™



Want your business to be the top-listed Government Service in Taytay?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Taytay
1920

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm