09/11/2026
Noong nakaraang October 18, 2026 ay matagumpay na naisagawa ng Pamahalaang Barangay ng Dalig ang ika-2 Barangay Assembly Day kung saan dinaluhan ng mga mamamayan ng Barangay Dalig.
Kabilang sa mga panauhin ay sina Punong Bayan Rodel N. Dela Cruz, Pangalawang Punong Bayan Freddie L. Bonifacio kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay gayundin ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan na kinatawan ng mga departamento.
Nagbigay ulat naman si Punong Barangay Kapitan Gerald P. Lopez para sa kalagayan ng Barangay kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay. Samantala Nagbigay din ng Ulat ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Dalig, Teresa, Rizal sa pangunguna ni Sk Chairperson Jaycee S. San Buenaventura.
Ang Barangay Assembly Day ay mandato sa bawat barangay na mag-ulat dalawang beses sa isang taon tuwing Marso at Oktubre.