01/11/2026
𝙏𝙄𝙂𝙉𝘼𝙉: Ang 𝙉𝙪𝙧𝙨𝙞𝙣𝙜 𝙎𝙚𝙧𝙫𝙞𝙘𝙚 𝙎𝙪𝙗-𝙐𝙣𝙞𝙩 𝙉𝙤𝙧𝙩𝙝 𝙀𝙖𝙨𝙩𝙚𝙧𝙣 𝙇𝙪𝙯𝙤𝙣 ay nagpaabot ng medical assistance kaugnay ng 𝙊𝙋𝙇𝘼𝙉 𝘽𝙄𝙔𝘼𝙃𝙀𝙉𝙂 𝘼𝙔𝙊𝙎: 𝙐𝙉𝘿𝘼𝙎 2026. Ang nasabing medical team ay may kanya-kanyang mga first-aid station upang mag-monitor at magkaloob ng agarang suportang pangkalusugan sa gitna ng dagsa ng mga biyahero ngayong holiday rush.
Upang matiyak ang kaligtasan ng publiko, nanatiling nasa high alert ang yunit upang tumugon sa anumang hindi inaasahang health emergency at mag-asikaso sa mga commuter na nangangailangan ng tulong. Sa pakikipagtulungan sa mga lokal na awtoridad at mga kalapit na ospital, siniguro ng NSSU-NELZN ang mabilis na emergency response at ligtas na paglilipat ng pasyente, upang mapanatili ang isang maayos, ligtas, at mapayapang paggunita ng Undas.