11/11/2026
PBGEN RODRIGUEZ, NAGHATID NG SERBISYONG MAY MALASAKIT SA 37 PAMILYANG AGTA SA BAYAN NG RIZAL
Camp Tirso H Gador, Tuguegarao City – Muling ipinamalas ng Police Regional Office 2, sa pangunguna ni PBGEN MARIANO C RODRIGUEZ, Regional Director, ang patuloy na suporta sa mga katutubong pamayanan sa pamamagitan ng Community Outreach Program para sa 37 pamilya ng mga Agta sa Barangay San Juan, Rizal, Cagayan ngayong Nobyembre 11, 2026.
Nakiisa sa aktibidad si PCOL MARDITO G ANGULUAN, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office, kasama si PLTCOL VIRGILIO VI-CON MIRANDA ABELLERA JR, OIC, Regional Intelligence Division; PMAJ ABDEL AZIZ D MAXIMO, Acting Force Commander ng 1st Cagayan PMFC; at PCPT IAN MICHAEL ACASILI, Chief of Police ng Rizal Municipal Police Station. Dumalo rin sina Hon. Roderick Deric, Barangay Chairman ng San Juan; Ms. Anna Marie Uy at Mr. Tirso Baliuag, mga kinatawan ng Office of Civil Defense (OCD) Region 2; at mga miyembro ng Company Advisory Group na sina Pastor Roque Meman at Engr. Mark Djeron Tumabao.
Namahagi ang kapulisan ng mga pangunahing suplay sa 37 pamilyang Agta upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay, habang nagkaloob naman ang OCD Region 2 ng hygiene kits para sa kanilang personal na kalinisan. Nagbigay rin ng saya sa mga bata ang pamamahagi ng loot bags at meryenda, gayundin ang libreng pagpapagupit sa mga miyembro ng pamayanan. Lubos ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa mga ipinagkaloob na ayuda at serbisyo.
Patuloy na pinagtitibay ng PNP ang ugnayan nito sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga programang nagbibigay ng tulong at serbisyong may malasakit. Hinihikayat ang bawat isa na makiisa sa mga gawaing pangkomunidad dahil sa sama-samang pagkilos, mas marami pang buhay ang maaabot at matutulungan.
Press Release No. 1111-16
Authority: PCOL MARDITO G ANGULUAN
Provincial Director, Cagayan PPO
Releaser: PCPT SHIELA JOY N FRONDA
Chiet, PIO, Cagayan PPO
Hotline: 09175233562 09534363668
Email Add: [email protected] /
[email protected]
Date: November 11, 2026