Barangay Parada

Directions

Barangay Parada Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Parada, Public & Government Service, S. De Guzman Street , Parada, Valenzuela.

SOBA 2026 SUCCESSFULLY CONCLUDED!Sa ilalim ng pamumuno ng ating Punong Barangay JOHN MICHAEL AJERO, naibahagi ang mga ak...
27/10/2026

SOBA 2026 SUCCESSFULLY CONCLUDED!

Sa ilalim ng pamumuno ng ating Punong Barangay JOHN MICHAEL AJERO, naibahagi ang mga aksyon, programa, proyekto, at accomplishments ng Barangay Parada sa nakalipas na anim na buwan sa ginanap na State of the Barangay Address (SOBA) noong Oktubre 24, 2026.

Patuloy ang tapat na paglilingkod, maayos na pamamahala, at pagsisikap para sa isang mas maunlad na Barangay Parada.

Maraming salamat sa lahat ng dumalo, nakiisa, at naging bahagi ng makabuluhang pagtitipong ito!

📣 MAYNILAD WATER SERVICE ADVISORY Magkakaroon po ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng tubig mula 10:00 PM ng Oktubre...
22/10/2026

📣 MAYNILAD WATER SERVICE ADVISORY

Magkakaroon po ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng tubig mula 10:00 PM ng Oktubre 22, 2026 hanggang 4:00 AM ng Oktubre 23, 2026, dahil sa isasagawang leak repair activity ng Maynilad.

❗️𝐌𝐀𝐘𝐍𝐈𝐋𝐀𝐃 𝐖𝐀𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘 ❗️

Magkakaroon po ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng tubig sa ilang bahagi ng Valenzuela City mula 𝟭𝟬:𝟬𝟬 𝗣𝗠 𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲 𝟮𝟮, 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝟰:𝟬𝟬 𝗔𝗠 𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲 𝟮𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟲, dahil sa isasagawang leak repair activity ng Maynilad.

Narito po ang mga apektadong lugar:
- Arkong Bato
- Balangkas
- Bisig
- Coloong
- Dalandanan
- Gen. T. De Leon
- Isla
- Karuhatan
- Mabolo
- Malanday
- Malinta
- Marulas
- Maysan
- Palasan
- Parada
- Pariancillo Villa
- Paso De Blas
- Pasolo
- Poblacion
- Pulo
- Rincon
- Tagalag
- Veinte Reales
- Wawang Pulo

Pinapayuhan po ang mga residente sa mga apektadong lugar na mag-ipon ng sapat na tubig bago ang nakatakdang water interruption.

Pasensya na po sa abala at maraming salamat po sa inyong pag-unawa.

Isang taos-pusong pagbati kay Mayor WES Gatchalian at sa ating minamahal na Valenzuela City! Mahalaga ang pagkakaroon ng...
22/10/2026

Isang taos-pusong pagbati kay Mayor WES Gatchalian at sa ating minamahal na Valenzuela City!

Mahalaga ang pagkakaroon ng mga parke, playground, at pampublikong espasyo kung saan masayang nagkakasama ang mga pamilya, ligtas na nakapaglalaro ang mga bata, at may lugar ang ating mga kababayan para mag-ehersisyo, magpahinga, at makipag-ugnayan.

Congratulations, Valenzuela City!

Our Punong Barangay, Hon. John Michael “Kap Manoy” Ajero, extends his heartfelt gratitude to the Valenzuela City Fire St...
22/10/2026

Our Punong Barangay, Hon. John Michael “Kap Manoy” Ajero, extends his heartfelt gratitude to the Valenzuela City Fire Station for the honor of being invited as Guest Speaker during their Traditional Monday Flag Raising Ceremony.

It was a privilege for our Punong Barangay to be part of this meaningful occasion and to stand alongside our dedicated firefighters who tirelessly protect lives and serve our community.

Maraming salamat po sa inyong mainit na pagtanggap at sa patuloy na pakikipagtulungan sa Barangay Parada. Together, let us continue strengthening fire safety awareness, preparedness, and community service for the welfare of our residents.

Saludo po kami sa inyong serbisyo at dedikasyon! Mabuhay ang Bureau of Fire Protection!

05/10/2026

📢 WATER SERVICE INTERRUPTION ADVISORY

Mga kabarangay, ayon sa Maynilad Water Services, magkakaroon ng scheduled water service interruption dahil sa network maintenance.

🗓 Oct. 10, 2026 (Sat) to Oct. 11, 2026 (Sun)
⏰ 10:00 PM – 1:00 PM

Pinapayuhan ang mga residente na mag-ipon po ng sapat na tubig para sa inyong pangangailangan.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa!

SOURCE: Maynilad Water Advisory
📞 Maynilad Hotline: 1626

💊 LIBRENG DOXYCYCLINEMayroon tayong Doxycycline Dispensing Desk sa BPSO para sa mga residenteng na-expose o lumusong sa ...
31/08/2026

💊 LIBRENG DOXYCYCLINE

Mayroon tayong Doxycycline Dispensing Desk sa BPSO para sa mga residenteng na-expose o lumusong sa baha, bilang preventive measure laban sa leptospirosis.

Huwag nating balewalain ang panganib. Mag-ingat po tayong lahat!

23/08/2026

📢 PABATID

Dahil sa halos dalawang linggong pag-ulan dala ng mga nagdaang bagyo, kasabay ng patuloy na pag-monitor sa mga binabantayang paparating na bagyo at iba pang weather disturbances na kasalukuyang nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR), minabuti po nating pansamantalang ipagpaliban ang ilang nakatakdang programa para sa ONE WEEK CELEBRATION NG PARADA DAY, August 24–29, 2026.

Ang mga nasabing programa ay itatakda sa panibagong petsa at oras, na ipapaalam po sa lahat sa pamamagitan ng opisyal na announcement ng Barangay.

✅ Samantala, ISANG BANAL NA MISA NG PASASALAMAT ay itutuloy sa August 29, 2026, Sabado, 7:00 AM sa Parada Chapel, na susundan ng salo-salo.

✅ BAZAAR ay magpapatuloy sa August 24–29, 2026.

IPAGPAPALIBAN muna ang:

1. Zumbastic Dance Contest
2. Ms. KALIPI
3. Sing Toda Max
4. Little Mr. and Ms. Parada
5. Pasiklaban
6. Bingo Bonanza
7. Kalokalike

Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pakikiisa. Kaligtasan at kapakanan ng ating mga kabarangay ang ating prayoridad.

Patuloy po tayong maging alerto at sumubaybay sa mga opisyal na weather updates.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

PB JOHN MICHAEL ‘Manoy’ AJERO

📢 UPDATED DISTRIBUTION SCHEDULEPara sa ating mga senior citizens, narito po ang bagong schedule ng distribution para sa ...
15/08/2026

📢 UPDATED DISTRIBUTION SCHEDULE

Para sa ating mga senior citizens, narito po ang bagong schedule ng distribution para sa Pasko sa Hulyo ni Lolo at Lola.

📅 August 17, 2026 (Monday)
⏰ 9:00 AM – 3:00 PM

📍 Pakitingnan po ang inyong area at nakatakdang lugar sa schedule para malaman kung saan kayo pupunta.

PAALALA: Hindi na po kailangang maghintay o pumila nang matagal! Pumunta lamang po sa itinakdang venue at oras, kunin ang inyong rice bag, at maaari na pong umuwi agad.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

Happy Birthday, Mayor WES Gatchalian! May you continue to lead with purpose, compassion, and a genuine commitment to ser...
11/08/2026

Happy Birthday, Mayor WES Gatchalian!

May you continue to lead with purpose, compassion, and a genuine commitment to serving every Valenzuelano. May you be blessed with good health, wisdom, and strength as you continue building a better Valenzuela for all.

Warmest greetings from Barangay Parada!

Sa patuloy na suporta at pamumuno ni Punong Barangay John Michael “Manoy” Ajero, matagumpay na naisagawa ang Pabasa sa N...
30/07/2026

Sa patuloy na suporta at pamumuno ni Punong Barangay John Michael “Manoy” Ajero, matagumpay na naisagawa ang Pabasa sa Nutrisyon bilang bahagi ng ating mga programang pangkalusugan.

Layunin ng gawaing ito na mapalawak ang kaalaman ng ating mga kabarangay tungkol sa wastong nutrisyon at kahalagahan ng tamang pagkain para sa mas malusog na pamilya.

Maraming salamat sa ating mga health workers at sa lahat ng nakiisa.

Address

S. De Guzman Street , Parada
Valenzuela
1440

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Parada posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby government services