06/06/2026
🚨 FAKE ACCOUNT 🚨
We disclaim any association with this Facebook account using the name "SMNI NEWS."
This account is posting malicious and misleading content and does not represent, nor is it affiliated with, SMNI News in any way.
We urge the public to help us report this account to prevent the further spread of false information.
Appropriate legal action may also be taken against the individuals responsible.
05/06/2026
BABALA NI LACSON
Nagbabala si Sen. Ping Lacson na maaaring humarap sa mabibigat na legal na pananagutan ang mga indibidwal na lumahok sa itinuturing niyang “bogus” na Blue Ribbon Committee hearing noong Hunyo 4.
Ayon kay Lacson, dahil hindi umano ito opisyal na pagdinig ng Senado, hindi maaaring gamitin ng mga senador at testigo ang parliamentary immunity bilang depensa.
Aniya, maaaring maharap sa kasong cyber libel ang ilang testigo, habang ang mga opisyal ng gobyerno na nakibahagi ay posibleng masangkot sa usurpation of authority sa ilalim ng Revised Penal Code.
“They can be charged, possibly for cyber libel and other crimes since it was a bogus hearing and no parliamentary immunity may be invoked, not even the senators who participated,” ani Lacson.
05/06/2026
'KAMPON NG KADILIMAN AT GAHAMAN SA KAPANGYARIHAN'
Inihayag ni PCO Usec. Claire Castro na binabantayan ng Malacañang ang mga ulat tungkol sa umano’y posibleng planong destabilisasyon sa darating na Hunyo 12, bagama’t wala pa aniyang kumpirmasyon hinggil dito.
"Hindi naman bago ang mga ganitong aksyon dahil noon pa nila nais iluklok sa pwesto ang kanilang p**n na gahaman sa kapangyarihan kahit wala pa ang 2028," ani Castro.
Tiniyak din niya na nakaalerto ang mga law enforcement at investigating agencies upang tugunan ang anumang ilegal na aktibidad na may kaugnayan sa usapin.
Nagpaalala rin si Castro sa publiko,“Mag-ingat po tayong lahat sa mga kampon ng kadiliman.”
05/06/2026
BAGONG SANITARY LANDFILL NG DAVAO CITY
Kinumpirma ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na nakatakdang maging fully operational sa Hunyo 16, 2026 ang bagong sanitary landfill ng lungsod.
Ayon kay Duterte, handa na ang alternatibong pasilidad upang matiyak ang tuloy-tuloy at ligtas na pamamahala ng basura sa Davao City habang tinatapos ang natitirang imprastraktura.