30/10/2026
𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗢𝗥𝗜𝗘𝗡𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 & 𝗖𝗢𝗡𝗗𝗨𝗖𝗧 𝗢𝗙 𝗦𝗔𝗙𝗘𝗧𝗬 𝗗𝗥𝗜𝗟𝗟 @ 𝗠𝗔𝗡𝗟𝗢𝗖𝗕𝗢𝗖 𝗘𝗦
October 6 || Isinagawa ang Active Threat Awareness and Safety Preparedness Orientation sa Manlocboc Elementary School, Brgy. Manlocboc, Aguilar, Pangasinan, kaagapay ang mga opisyal ng BFP at Aguilar PNP sa pangunguna ni PMAJ Mark Ryan C. Taminaya.
Tinalakay sa mga mag-aaral at school stakeholders ang kahalagahan ng pagiging mapagmatyag, maagap at handa sa anumang posibleng banta sa loob at paligid ng paaralan. Binigyang-diin din ang tamang koordinasyon, agarang pagresponde, at pagtutulungan upang mapanatili ang ligtas at maayos na learning environment.
Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Drill na ito ay patuloy na pinagtitibay ng Aguilar PNP ang ugnayan sa mga paaralan at komunidad para sa mas ligtas na paaralan at mas ligtas na kabataan.