27/10/2026
𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗫𝗔𝗦, 𝗧𝗔𝗥𝗔 𝗡𝗔 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗟𝗔𝗛𝗢𝗞!
Ang boses mo ay mahalaga, ang ideya mo ay may halaga, at ang pakikilahok mo ay susi sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating kabataan!
Inaanyayahan ang 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐞𝐝𝐚𝐝 𝟏𝟓 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝟑𝟎 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐑𝐨𝐱𝐚𝐬, 𝐀𝐧𝐝𝐚, 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬𝐢𝐧𝐚𝐧 na makiisa sa ating mga gawain ngayong 𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 𝟑𝟏! Sama-sama tayong matuto, makibahagi, at magkaisa para sa ikauunlad ng ating komunidad
| 𝐊𝐀𝐓𝐈𝐏𝐔𝐍𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐌𝐁𝐋𝐘
Sa ganap na 1:00 PM, makiisa sa ating Katipunan ng Kabataan Assembly! Dito, mahalaga ang iyong boses, mungkahi, at ideya para sa mga programa, proyekto, at aktibidad na nais nating maisakatuparan para sa kabataan.
| 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐁𝐀𝐒𝐈𝐂 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋 𝐒𝐔𝐏𝐏𝐋𝐈𝐄𝐒
Para sa mga dadalo sa KK Assembly, mayroong maibabahagi na School Supplies bilang maliit tulong at suporta sa pag-aaral ng bawat kabataan
| 𝐊𝐊 𝐏𝐑𝐎𝐅𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆 | 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐈𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐓𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍
Hinihikayat din ang lahat ng kabataan ng Barangay Roxas na makiisa sa ating KK Profiling, na magsisilbing batayan sa pagbuo ng talaan ng mga kabataan sa ating barangay. Layunin nitong magkaroon ng mas maayos na datos tungkol sa ating kabataan upang mas mapagplanuhan ang mga programa, proyekto, at serbisyong naaayon sa kanilang pangangailangan at kapakanan.
Hindi lang ito basta pagtitipon—ito ay pagkakataon upang marinig ang bawat isa, makilahok sa mga desisyon, at maging bahagi ng positibong pagb
𝐊𝐚𝐲𝐚 𝐚𝐧𝐨 𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐧𝐢𝐡𝐢𝐧𝐭𝐚𝐲 𝐦𝐨? 𝐓𝐚𝐫𝐚 𝐧𝐚, 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐑𝐨𝐱𝐚𝐬!
Dalhin ang iyong mga ideya, lakas, at malasakit. Dahil ang kabataang nagkakaisa, may kakayahang bumuo ng mas magandang kinabukasan!
📍 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐑𝐨𝐱𝐚𝐬, 𝐀𝐧𝐝𝐚, 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬𝐢𝐧𝐚𝐧
🗓️ 𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 𝟑𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔