01/11/2026
Isang araw na puno ng saya, tawanan, at masasayang alaala para sa ating mga minamahal na senior citizens ng Anda.
Kaakibat ng temang “𝑁𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎𝑡𝑎𝑛𝑑𝑎𝑛𝑔 𝑃𝑖𝑙𝑖𝑝𝑖𝑛𝑜: 𝑀𝑎𝑦 𝐻𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑎𝑡 𝐾𝑎𝑟𝑎𝑝𝑎𝑡𝑎𝑛, 𝑀𝑎𝑦 𝐵𝑜𝑠𝑒𝑠 𝑎𝑡 𝐴𝑚𝑏𝑎𝑔 𝑠𝑎 𝐵𝑎𝑦𝑎𝑛,” muling binigyang-pugay ang mahalagang papel ng ating mga nakatatanda sa pamilya at komunidad. Isang paalala na ang kanilang mga karanasan, kakayahan, at kontribusyon ay patuloy na may halaga at nararapat kilalanin.
Naging makulay ang pagdiriwang sa pamamagitan ng walang sawang sayawan, kantahan, pagpapakita ng iba't ibang talento, at masasayang palaro. Bawat ngiti, halakhak, at pakikiisa ay nagbigay-buhay sa isang araw na tunay na inilaan para sa ating mga lolo at lola.
Lubos ang aming pasasalamat sa ating panauhing pandangal at guest speaker, 𝗕𝗼𝗮𝗿𝗱 𝗠𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝗔𝗽𝗽𝗹𝗲 𝗕𝗮𝗰𝗮𝘆 sa pagbibigay ng oras, makabuluhang mensahe, at bukas-palad na suporta, kabilang ang mga papremyo para sa ating mga palaro at ang Plaque of Service Award. Malaki ang naging bahagi ng inyong suporta upang maging mas makabuluhan at espesyal ang pagdiriwang na ito.
Taos-puso rin ang aming pasasalamat kay 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗝𝗼𝗴𝗮𝗻𝗶𝗲 𝗖. 𝗥𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴 sa patuloy na pagsuporta at pagbibigay-halaga sa kapakanan ng ating mga nakatatanda, gayundin kay Sir 𝗝𝗼𝘄𝗲𝘆 𝗖. 𝗖𝗲𝗹𝘇𝗼, MSWDO, sa paggabay at suporta sa pagsasakatuparan ng aktibidad.
Kinikilala rin natin ang mahalagang bahagi ng ating mga katuwang sa paglilingkod sa senior citizens, sina Ma'am 𝗝𝗮𝗻𝗲𝘁𝗮 𝗗𝗼𝗺𝗶𝗻𝗴𝗼, Senior Citizen Focal Person, Sir 𝗔𝗿𝘁𝘂𝗿𝗼 𝗣𝗮𝗻𝗶𝘁, OSCA Head, Ma'am 𝗥𝗶𝗻𝗮 𝗔𝘀𝗽𝗮, Senior Citizen Support Staff, at Sir 𝗔𝗹𝗲𝘅 𝗥𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗻, FSCAP President. Maraming salamat sa inyong dedikasyon, pakikiisa, at patuloy na paglilingkod para sa ating mga nakatatanda.
Maraming salamat din sa mga interns mula sa Carot National High School at Anda National High School na naglaan ng kanilang oras, lakas, at serbisyo upang makatulong sa paghahanda at maayos na pagsasagawa ng programa.
Sa lahat ng nakiisa, tumulong, at nagbahagi ng kanilang oras at talento, maraming salamat!
Patuloy nating kilalanin, pahalagahan, at bigyang-boses ang ating mga nakatatanda. Sapagkat ang kanilang mga ambag ay bahagi ng ating kasaysayan, kasalukuyan, at patuloy na pag-unlad ng ating komunidad.
𝐻𝑎𝑝𝑝𝑦 𝑆𝑒𝑛𝑖𝑜𝑟 𝐶𝑖𝑡𝑖𝑧𝑒𝑛𝑠 𝐷𝑎𝑦 𝑝𝑜 𝑚𝑢𝑙𝑖 𝑠𝑎 𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑆𝑒𝑛𝑖𝑜𝑟𝑠 𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑦𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝐴𝑛𝑑𝑎!